Ang Blog na ito ay ekspression ng mga idea, saloobin at emosyon ng isang Certified Emotera since birth.

Mga idea, saloobin at emosyon na patungkol sa buhay, relasyon at kung anu-ano pa; na talaga namang may epekto at nakaapekto sa pagkatao ng manunulat.

Hangad ng blog na ito na kapulutan ng entertainment at ng aral ang mga posts na mababasa dito. Sana makibahagi kayong mambabasa. Welcome kayong mag-comment, mag-react at maki-simpatya :-)

Maraming Salamat! Enjoy Reading!

Search This Blog

Wednesday, September 30, 2009

Happiness!

Pwede po bang magpakababaw muna ako? Hehe.. Happiness naman talaga. Ang bait talaga ni Lord (Tenk you po Lord). Akala ko kasi galit ang BFF ko, whehe.. di pala. As usual, ang malikot kong pag iisip na naman ang may kagagawan ng kalokohang ito , bwahehehe... Sabi ko na nga ba (at tama si BFF), ang malikot na isip ko ang magpapahamak sa akin, hihihi...

Anyway, basta happiness ever na. Pramis di na maaaning (wink, wink).

Monday, September 28, 2009

PBWeekend: Bonding with My Pamangkin

Photobucket


At dahil wala kaming magawa noong Sabado na malakas ang ulan at walang kuryente, napagtripan naming mag-Tita na mag piktyuran. Kasi yun na lang yung pwedeng makalikot na meron pang baterya, hehehe... At dahil madilim nga, nagkakatakutan pa kaming mag-Tita...

Pagkakataon ko na ding mag experiment sa pagkuha ng piktyur na gamit ang flash ng camera ko at yung macro feature nito. Di ko na lang i-share yung piktyur na kinuha ko na ginatin ko ng flash, hehehe... kasi mas mukhang nakakatakot sya kaysa sa mga piktyurs na ito hehehe... baka akalain nyo pa eh horror blog ito, whehehehe....



Lahat ng piktyurs na ito eh hindi ako gumamit ng flash, at ginamit ko yung macro feature. Tapos walang special na ilaw, aktually walang ilaw at all, hehehe... brownout nga po kasi.


'Ala po kaming kamalay-malay na yung ibang tao pala sa paligid namin eh nasa gitna ng matinding pagsubok. Yung malakas at walang tigil na pag buhos ng ulan nung mga oras na yun, ay may dalang kapahamakan para sa mga kababayan ko. Laking pasasalamat ko na lang na ligtas ang aking pamilya at mga kamag anak. At ang tanging maibibigay kong tulong sa aking mga kababayan ay dasal, na naway maging matatag sila at patuloy na magtiwala sa Panginoon.




Sunday, September 13, 2009

Its Complicated

Naranasan nyo na ba yung feeling ng pagkagulo ng sarili mo kasi di mo alam kung saan ka susuot na sulok ng mundo dahil sa sobrang gusto mo nang layasan at kalimutan yung mga tao, bagay at pangyayari na nagdudulot ng feeling ng pagkagulo ng sarili mo? Swerte ka kung indi. Kasi indi sya ordinaryong feeling. Sa pagdescribe ko pa lang, complicated na eh... yung maexperience mo pa kaya? Ganyan ang pakiramdam ko kaninang umaga. Asar di ba. Umaga pa. Di man lang sinimulan ng hapon ot gabi na para pwede ko na lang itulog. Sa pagtulog ko lang nakakalimutan ang lahat, di ko naiisip, kasi nga tulog ako; wala akong nadidinig at nakikita, kasi nga tulog ako. At sa panaginip ko lang nakakapiling ang tanging nagbibigay ng kaligayahan sa masalimuot na buhay sa earth.

Pasensya na pero di ko maeelaborate dito ang dahilan ng pagkagulo ng sarili. Kasi pag ginawa ko yun, para ko na ding kinuwento ang talambuhay ko. Na para bang buhay ni Rosalinda, masalimuot, madrama, at possible ding mabaliw ako kung indi ako nakaalis ng bahay kanina.

Pinag isipan ko pa ang paglabas ng bahay; para dramatic ang effect. Ayun, successful naman ako. Noong nasa labas na ako, napaisip ako... san kaya ako pupunta? Tatawagan ko ba ang mga frendships ko? Pero gusto kong mapag isa. Pag tinawagan ko sila, di na ako nag iisa. As usual, sa mall ako napadpad. Naisip ko pa, sana pala nagdala ako ng libro, dito ako nagbasa. Masyado akong nag isip kung paano ako lalabas ng bahay, di ko naman napagplanuhan kung saan ako pupunta at ano ang gagawin ko. Tangengot noh? Kaya siguro napakasalimuot ng layp ko, kasi nga tangengot ako paminsan-minsan. Habang nasa sasakyan papunta mall, nag isip na ako ng pwedeng gawin sa mall. Ang naisip ko yung mga gamit na kailangan kong bilhin, gaya ng shampoo ko, sabon, toothbrush at mga pagkaing makapagpapasaya sa akin or yung tinatawag kong comfort foods, hehehe...

Ganun nga ginawa ko pagdating ko sa mall. Pero di pa ako bumili ng comfort foods ko. Nag tingin din ako ng damit, kaso naisip ko saka na lang. Saka wala ding magandang damit na pwedeng bilhin. Halatang wala ako sa tamang pag iisip, kasi puro gastos ang nasa isip ko! Minsan yung pag shopping, nakakatulong to make me feel better, hehehe. Pero sa pagkakataong ito, parang di tumalab sa akin. Or baka dahil lang din wala akong type sa mga nakikita ko.

Nakaka isang oras pa lang akong nasa labas. Wala na akong maisip gawin. Naalala ko ulit ang libro, sana nagdala ako para nakatambay sana ako sa mga nakalat na coffee shop sa mall at dun magpalipas ng oras with my book at favorite coffee drink. Kaso nga engot ako. Naisipan ko bumili ng bagong libro, kaya go ang lola mo sa PowerBooks. Wala ako type. Yung gusto ko, ang mahal. Di ko pa feel na i-invest ang salapi ko sa kanya. Saka may e-book na ako nun eh, hehehe...

Kumain kaya ako? Busog pa ako. Saka di ko pala feel kumain mag isa; baka malungkot lang ako lalo. Finally, nung nag CR ako, dun ako nag ka idea kung saan ako pupunta at kung anu ang pwede kong gawin. Nakita ko kasi yung ilong ko sa salamin ng compact face powder ko, namumutakti sa whiteheads at blackheads; kailangan na ng professional help, whehe.. Kaya nag pafacial ako :-D

Tapos sa derma clinic, bumili na ako ng comfort foods ko. Tapos umuwi na ako. Pinagplanuhan ko din ang pag pasok sa bahay namin. Successful din naman. At ngayon nga, pakiramdam ko pa din na minsan syet ang buhay; pero di naman ibig sabihin eh di ako thankful sa buhay ha... minsan lang nauubusan ako ng lakas para makipagsabayan sa buhay; nagiging manipis na ako para sa mga suntok at dagok; malapit ng akong maging duguan. Kaya naman, tama lang na nagpa facial ako; magapi man ako ng buhay, masugatan pa ulit ako at magdugo ako, atleast, malinis ang mukha ko, wala akong black heads at white heads.

Friday, September 11, 2009

Talent Manager

Noong Tuesday, kakaiba ang araw ko sa opis. May kakaiba o unusual na activity na nangyari sa opisina. At ang inyo pong lingkod ang nag coordinate ng nasabing activity. Nabigyan kasi ng pagkakataon ang aming company na maging isa sa mga magbibigay ng testimonial sa isang service provider ng telecoms. At kailangan ng piktyuran para sa brochure na ilalabas nila. Kaya ang Emotera, naging Talent Discoverer at Manager, hehehe..

Mejo mahirap noong una, kasi nahihiya akong i-approach yung mga empleyado namin. Yung iba naman kasi di ko naman ganun ka-close or kakilala. Kaya naman mejo shy ako. Pero nakabuo naman ako ng 11 na talents. Kaso mo noong araw ng photo shoot, meron sa mga Talents na nakalimutang mag suot ng business attire, yung isa nagkasakit, yung iba naman talagang ayaw na nila magparticipate. Syempre ang Emoterang Lola mo nagpapanic na. Para ba akong Pelican na nakatanaw sa dagat at sumisipat-sipat ng isda sa tubig, habang sinusuyod ko ng tingin ang work area ng mga Software Engineers namin; pinipili kung sino ang pwedeng maging modelo. Napansin ko, ang unang hinahanap ko eh yung mga nakapolo or yung nakabusiness attire na damit; pangalawa, kung mabait ba sya at pwedeng pakiusapan na magparticipate; pangatlo, magugustuhan ba sya ng photographer at director.

Sa awa naman ni Lord, nakaraos kami. Siguro inabot ng 2 oras ang piktyuran. At sa loob ng 2 oras na yun, kung ilang ulit yata akong sinumpa ng mga "talents" ko... hehehe.. Sa bawat "click" ng camer, ang madidinig mo - "Ms.Emotera, anu ba itong napasok ko"; sa bawat puna ng director na "ipaling mo yung mukha mo sa kaliwa" sa mga talents, sasagot ang talent ng - "Ms. Emotera, lagot ka sa akin mamaya" or ng "Ms. Emotera naman eh!"... at sa mga sandaling iyon, tawa ako ng tawa, hehhehe... ang sama ko ba? :-D kasi naaliw ako sa kanila, ang cute kaya nilang panoodin habang nagphoto shoot. Pero syempre kahit panu, may halong nahihiya din ako, at pinapalakas ko ang loob nila, "ok lang yan, exposure yan.."

Pero sa awa pa rin ni Lord eh di naman nila ako ginulpi or binugbog pagtapos ng photo shoot... hehehe.. di ko alam kung dahil pinamerienda naman namin sila or sadya lang na mababait ang mga empleyado namin :-)



Monday, September 7, 2009

BFF - Best Friends Forever

May topak na naman ako. Yung BFF ko na nananahimik sa kabilang lupalop ng mundo, ginugulo ko. BFF? Best Friends Forever. Anu ba? Hehehe... Yan ang tawag nya sa amin. Noong una, nababaduyan ako. Pero ngayon, mejo carry ko na sya. Anyway, ang masasabi ko lang, adik ako. Para akong yung telenovela sa GMA na Adik Syo nila Jolina at Jennica. Isa akong certified emotera na..adik pa. Hayz... magkaroon ka ba ng BFF na kagaya ko, anung pakiramdam mo kaya? Sana lang, napagpasensyahan pa ako ng BFF ko kanina. Alam ko (saka sabi nya), kahit kailan di sya magagalit o makukulitan sa akin. Ang pakahulugan ko doon, lagi nya akong maiintindihan. Siguro kasi alam nyang napaka emosyonal kong tao. At luka-luka.

Nagugulumihan lang kasi ako. Sabi ko nga, ako ang may problema. Saka ko na i-share problema ko. Pero isang patunay na "disturbed" na naman ako eh ang mga pinag gagagawa ko maghapon -
- hindi ako kumain ng matinong pagkain. simula pa kagabi puro chips (chitchiria) ang kinain ko. sinimulan ko ng potato chips, pringles, piknik, pringles ulit and finally sponge crunch. wala akong grocery store sa kwarto ko. binili ko lahat yun kahapon, matapos ko manuod ng sine with my pamangkins.
- yun pa isa, wala sa budget ang panunuod ng sine (at higit sa lahat, ang mag grocery ng junk foods) pero lumabas pa din kami. isang paraan ng pang aliw sa sarili.
- gusto ko magpa-facial. kahit wala pa sa budget ulit. pwede pa namang makuha ng cream na pang exfoliate, pero pinaplano ko pa din ang magpafacial. next week na lang siguro.
- nilabas ko ulit ang mga books ko ni Walt Whitman. Tamang makata naman ako ngayon. Binalikan ang mga favorite poems ko.
- nilabas ang mga books ni Bob Ong. Bumili pala ako ng 2 books kahapon. Kumpleto na sana ako, kaso yung nawawalang book ni erap, di ko pa talaga makita kung nasaan.
- natapos ko basahin yung isang bagong libro ni Bob Ong na kakabili ko lang kahapon.
- nasa kwarto lang ako maghapon. lumalabas lang ako para jumingle at kumuha ng tubig. yung kwarto ko nga amoy pringles na sour cream onion. pero in fairness, naligo ako nung after lunch, hehehe... minsan kasi di ako naliligo pag walang pasok (ssshhhh.. secret yun..)
- at ngayon, nag uupdate ng blog na 'to na matagal ko ng indi napopostan. Naisip ko, dito ko na lang ibuhos ang lahat. Kaysa inaatat ko yung BFF ko na baka nauubusan na ng pasensya at pagmamahal sa akin (kunti na nga lang yung love eh, mawawala pa)

Mananahimik muna ako. Mag iisip na mag isa. Di na idadamay ang taong nananahimik at ginagawa ang lahat para maintindihan ako at para maparamdam sa akin na mahalaga ako sa buhay nya; kahit pa indi ako bahagi nito sa paraan na gusto ko. Atleast, bahagi pa din ako. Alam kong naroon ang pagmamahal; nandun yung effort para maparamdam yun. At malaki ang pasasalamat ko; at lalong humanga at napapamahal. Sana patuloy nya akong intindihin; patuloy na pagpasensyahan. Patuloy na mahalin, sa kabila ng kakulitan at kabaliwan.


Sunday, September 6, 2009

The Emotera Is Back

Inaamin ko, napabayaan ko na ang blog na ito. Guilty ako sa kaugalian ng Pinoy na hanggang simula lang. Eh kasi naman, mahirap yung araw-araw nag eemote ako! Kahit pa nga, araw-araw at gabi-gabi kong ginagawa ang pag eemote, di pa rin ako sanay hehehe... Ang ibig kong sabihin eh, mahirap isiwalat sa lahat ng pagkakataon ang nararamdaman mo, lalo pa nga at maselan na bagay or emosyon yun. And minsan, kailangan mo munang sarilinin, bago ka magkaroon ng lakas para i-share sa iba. Minsan pa nga, namimili ka din ng pagsheshare-ran. Kaya naman naisip ko, kahit indi pag eemote i-popost ko dito. Yung mga daily adventures ko sa buhay - in tagalog version nga lang. Mga adventures ko na sana, kapulutan ng aral or ng mabuting bagay, sa kabila ng mga emosyong siksik at liglig. Ganun po talaga ako - emosyonal na tao. At luka-luka pag minsan, ok! fine! parati na kung parati. Kagaya ngayon, nananahimik ang BFF ko, inaaatat ko ng pagiging emosyonal ko. Hayz... sana di sya naasar. Ibang kwento na yun. Saka na lang, antabayanan nyo na lng po hehehe (suspense.. para bumalik kayu ulit).

Anyway, abangan nyo na lang ang mga i-she-share kong experiences dito. Sana kahit panu, makatulong sa pagkatao nyo (wink, wink)


LinkWithin

Related Posts with Thumbnails