Ang Blog na ito ay ekspression ng mga idea, saloobin at emosyon ng isang Certified Emotera since birth.

Mga idea, saloobin at emosyon na patungkol sa buhay, relasyon at kung anu-ano pa; na talaga namang may epekto at nakaapekto sa pagkatao ng manunulat.

Hangad ng blog na ito na kapulutan ng entertainment at ng aral ang mga posts na mababasa dito. Sana makibahagi kayong mambabasa. Welcome kayong mag-comment, mag-react at maki-simpatya :-)

Maraming Salamat! Enjoy Reading!

Search This Blog

Monday, May 24, 2010

Ang Paglalakad ni Rhea at Carlo

Tagal ko ng di nagpost dito. Indi naman dahil naubusan na ako ng emosyon sa katawan (sa katunayan mas dumami nga ata ngayon), pero siguro sobrang busy lang din kaya di makapag-emote masyado dito sa blog ko na ito.

Anyway highway, naisipan ko lang i-share itong mga nadiscover ko ngayon sa google. Isa kasi sa gumugulo sa isip ko eh itong aking ispeysyal na kaibigang si Carlo (talaga daw pinangalanan ko na eh hehe... kailangan eh, kasi yung mga susunod kong isusulat eh lalabas din ang pangalan nya). Madami na kami pinagdaanan simula pa noong high school pa kami; at ngayon nga matatanda na kami meron pa din kaming pinagdadaanan. Kaya lang ang diperensya lang sa pagkakataong ito, iniisip ko kung gusto ko pa sumabay sa kanya maglakad at kung gusto ko pang pareho kami ng daan na lalakaran.

Pansin ko lang kasi sa bawat pagkakataon na sinusubok namin na maghawak kamay sa paglalakad, parating may nangyayari para magbitaw yung mga kamay namin. Sa pagbitiw ng mga kamay namin, minsan nauuna syang maglakad, pero ngayon ko naisip, ako pala yung parating nauuna maglakad. Tapos pagnapuna ko na wala na pala akong kasabay, bigla akong titigil, tapos hihintayin ko syang maabutan ako. Minsan naman sya yung nauuna, tapos makikita ko nagbabagal syang maglakad, para bang sinasadya nya yun para maabutan ko sya, at ganun na nga ang nangyayari... magkakaabutan ulit kami at susubukan namin ulit maglakad ng sabay.

May pagkakataon na iniwasan na naming maghawak ng kamay, kasi nga alam namin possibleng may mangyari ulit para mabitawan namin ang kamay ng isa't isa. Sinubukan namin maglakad ng magkasabay lang (side by side sabi nga). Pero kagaya ng una, may nangyari na naman.

Noong una kasi sa paglalakad namin, mejo indi pala malinaw sa akin kung saan kami pupunta. Basta pinagkatiwalaan ko lang sya noon, sumunod sa mga hakbang nya, hindi ko na namalayan, iba pala ang gusto nyang daanan. Kaya nagdesisyon kami na sya pupunta sa kaliwa, ako sa kanan. Kaso mo, mapagbiro pala yung mga daan. Kasi pagdating sa dulo, nagkita kami ulit. At dahil iisang daan lang ang tumbok ng kanan at kaliwa na pinagdaanan namin, sabay ulit kaming naglakad sa rotonda.

Sa pangalawang pagkakataon nga, hindi na kami naghawak ng kamay habang naglalakad. Kaya lang sa pagkakataong ito, natisod kami pareho. Wala kaming nagawa kung hindi alalayan ang isa't-isa. Sa konting sandali, ramdam namin ang pagpapahalaga sa isa't-isa. Nandun pa din ang pag aalala at pag mamahal. Pero dahil kailangan na naming maglakad ulit, agad kaming bumitaw ng matiyak na ok na kami pareho mula sa pagkakadapa.

Sabay ulit kami naglakad. Kaso napagod na ako. Di ko pala kaya maglakad ng malayo ng walang umaalalay sa akin, ng walang nakahawak sa kamay ko, nakakapagod pala. Naisipan kong magpaiwan. Pinauna ko na sya. Dito ko napansin na nagbabagal sya sa paglalakad. Matapos ang aking pamamahinga, naglakad na ako ulit. Nakita ko sya di pa pala masyado nakakalayo. At kagaya ng dati, hinihintay ako. Sa madaling salita, nagkasabay kami ulit. Sa pagkakataong ito naman, naglalakad kami ng sabay (side by side) at paminsan-minsan nag hahawak kami ng kamay, lalo na pag sobrang pagod na kami sa paglalakad.

Sa pangatlong pagkakataon (sa puntong ito, mukhang huli na), may nakasalubong kami sa paglalakad at nagkabunguan. Nasaktan kaming pare-pareho. Hindi ito sadya pero nangyari. Dito ko naisip na whenever we try na maglakad ng sabay, merong nasasaktan. Noong mga unang pagkakataon, kami ang nasasaktan (mas lalo ata ako, ewan ko, siguro sya rin, mas magaling lang sya magdala); ngayon naman may nadamay ng mga mahal namin sa buhay. Hay...

Ngayon ko naiisip (or matagal na, ayaw ko lang tanggapin), hindi talaga kami pwedeng magkasama, kahit pa magkaibigan lang kami. At kanina nga, nag google ako ng pangalan namin. Yung unang sinearch ko - Carlo and Rhea, tapos click ko yung I'm Feeling Lucky. Ang lumabas si Rhea Santos at Carlo de Guzman - yung news caster at ang asawa nyang businessman na may-ari ng hot shots burger. Eto ang unang Carlo at Rhea na nakita kong nagkatuluyan. Second na sinearch ko - Rhea and Carlo, tapos click ko yung I'm Feeling Lucky ulit. Ang lumabas eh isang pag na ang tawag eh Nuance Occasions. Isa syang wedding coordinator's page, at isa sa mga wedding na sila ang nag coordinate ay ang wedding ni Rhea at Carlo. Syempre indi kami yun! Sa nabasa ko, long distance relationship sila Rhea at Carlo. Sounds family di ba... kaso ang diperensya sila nagkatuluyan. Apparently, nag work sa kanila ang long distance relationship. Dalawa na di ba. Meron pang isa, sa friendster naman, ang name ng page nila eh rhea-carlo, anu pa sa tingin mo ang ibig sabihin nun. Hays, kami lang ata ang Rhea and Carlo na naiba ang istorya. Masalimuot. At nakakapagod.

Kaya naman eto ako, nag iisip isip. Dapat talaga, sa ikatlong pagkakataon na nagkasabay kami, hindi na lang kami naghawak ng kamay (kahit paminsan-minsan). Sana nung nag attempt syang alalayan ako, umiwas na lang ako. Kaso mo engot ang lola mo eh, nagpaalalay naman kahit kaya pang maglakad. At sana din, indi na lang nya ako pinansin nung muntik na akong masubsob. Kaya ko pa namang magbalanse nun para di ako masubsob eh. Kaso mo nga, mapagsamantala din ang lolo mo hehehe... at dahil may pagkakataon, grab ng grab (wink, wink).

Pwede pa naman kami sabay maglakad eh, pwede din namang hindi. Pero parang mas tamang hindi na lang. Di ko pa po alam. Matatapos na kwento ko tungkol sa paglalakad namin, di ko pa din alam kung anung gagawin ko. Sa ngayon, naglalakad kami ng mabagal at walang imikan. Isang tanung-isang sagot ang drama. Naghihintay kung sino ang magpapaiwan at kung sino ang mauuna. Pero sa pagkakataong ito, iniisip ko pa kung kaya kong sumakay ng jeep. Ayaw ko na ata maglakad.


LinkWithin

Related Posts with Thumbnails