Ang Blog na ito ay ekspression ng mga idea, saloobin at emosyon ng isang Certified Emotera since birth.

Mga idea, saloobin at emosyon na patungkol sa buhay, relasyon at kung anu-ano pa; na talaga namang may epekto at nakaapekto sa pagkatao ng manunulat.

Hangad ng blog na ito na kapulutan ng entertainment at ng aral ang mga posts na mababasa dito. Sana makibahagi kayong mambabasa. Welcome kayong mag-comment, mag-react at maki-simpatya :-)

Maraming Salamat! Enjoy Reading!

Search This Blog

Thursday, January 26, 2012

Blooper

I am back here! Feel ko lang i-share ang isa na namang blooper ko sa pag byahe. May mga moment akong ganito pag bumibyahe ako. Kung indi mali yung jeep or bus na nasakyan ko, muntik akong madulas sa MRT, or di kaya naman naglalakad ako sa maling direksyon hehe.. pwedeng di ko sadya at pwedeng sadyang naliligaw talaga ako! :D

Kanina di ko alam kung dahil di pa ako nag aalmusal or dahil lutang ako kasi kulang sa tulog kaya naman nasobrahan ako ng paglalakad, lumampas ako! Nagulantang na lang ako nung napansin kong papunta na ako sa bus stop hehehe... eh mag e-MRT ako. Buti nga di ako nakarating sa overpass at tumawid sa megamall ;-)) Di ko talaga alam bakit bigla akong nawala sa sarili hehe.. pero in fairness di naman halatang mukha akong tangang lumampas bwehehe... mukha lang maarte ako kasi pinili ko yung maayos na daan (lusot! naks!)

Madami na akong katangahan at kawalan-sa-sarili-moments pag nasa kasalda ako. Buti na lang mabait si Lord, di ako napapahamak (thank you Lord :D) Madalas akong maligaw sa Cubao, dun sa area ng Araneta Center. Madalas din akong malito sa pag sakay ng bus, panu naman halos lahat ata ng bus may SM na nakalagay sa sign board! SM Fairview at SM North, tapos parehong dadaan sa SM Megamall. Minsan naman nadudulas ako pag nasa MRT Station, pero yun ay dahil sa wala ako sa sarili ko.. umuulan nun tapos nakalimutan ko palitan yung tsinelas na suot ko, eh madulas pa naman ang ilalim nun, kaya ayun para akong nag ice skating sa station ng MRT sa boni hehe... (toinks!) At ang nakakainis pa nito, nung bibili na ako ng ticket, sabi papuntang south lang daw ang byahe ng trains kasi nga sobrang lakas ng ulan! Eh di syempre nag mala-ice skating na naman akong maglakad papunta sa hagdan. Syet di ba.


Sunday, October 23, 2011

ImBAnd Recordings - Wild World



ImBAnd Recordings - Ako'y Iyo, Ika'y Akin



ImBAnd Recordings - Kapag Tumibok Ang Puso



ImBAnd Recordings - It Might Be You



ImBAnd Recordings - Someday We'll Know

ImBAnd Version of "Someday We'll Know"
(pinaka malinis na recording sa lahat hehehe..)




ImBAnd Recordings - I Love You, Goodbye

ImBAnd Version of "I Love You, Good Bye"
(Lasing Version)



Monday, September 19, 2011

Asumptionista

Tsinechek ko yung isang blog ko "Jhudiel's Journal" nung nakita ko yung item number#22 sa list - "do something random/spontaneous/crazy". Nung ni-click ko yung link, eto ang lumabas - link.

Tapos na-recall ko kung anung nangyari nung gabi na yun. At ngayon, na-realize ko... masyado pala kaming nag assume nung kasama ko hahaha... (Yan ang hirap eh!)


LinkWithin

Related Posts with Thumbnails