Hayzzz.. naku naman. Nakaramdam na ba kayu nung feeling na parang gusto mong lumayo sa lahat ng tao sa paligid mo? Yung mabubuhay ka ng bago, na iba kasama mo, sa ibang bahay ka nakatira, sa ibang kumpanya ka nagtatrabaho, iba at bagong tao ang mga kasama mo? Yung pakiramdam na gusto mong burahin yung alaala mo ng specific na bagay, tao, pangyayari at panahon? Yung gusto mong ibalik ang isang pagkakataon or pangyayari kasi gusto mong ulitin ng tama or gawing mas makabuluhan? Kung di pa, ang swerte mo kapatid. Magpasalamat ka ng marami kay Lord. Ibig sabihin lang nyan, mabait ka. You must have done something really good to deserve a life with no regrets. Kabaligtaran ng buhay ko. Hayz..
Pakiramdam ko ngayon, gusto kong matapos na itong chapter ng buhay ko. Mag the end na ba. Tapos kung magkaka-sequel man, pwede ring ako pa din ang character. Pero sa pagkakataong ito, madami akong babaguhin sa script ko. Mga dialogue ko, mga pag arte ko, mga desisyon kong palpak, at sisiguraduhin kong walang oras na masasayang. Kung sakaling ang sequel ay ibang pagkatao na, pipilitin kong maging tama ang mga dialogue ko, magiging professional ako para walang masayang na oras, at gagalingan ko sa lahat ng bagay - pag arte at pag deliver ng dialogue ko. Hindi ko naman hangad na maging best actress... gusto ko lang sana yung sequel hapi ang the end. Kulang ata ako sa pag aaral ng script ko, kaya ako ganito. Kulang din yata ako sa tapang para baguhin ang naunang script ko. Kaya siguro ganito ako. Flop ang buhay ko.
Gusto ko lang ng hapi ending. Yun lang. Yun lang pero napakahirap makuha. Ang tagal ko ng hinihintay. Ang tagal kong pinaghahandaan. Hanggang ngayon di ko pa din maramdaman.
Gusto ko ng sequel, baka kasi nakatulog lang ako nung nagbigay ng abiso kaya hindi ko namalayan. Baka kasi nabulagan ako sa sobrang pagkaabala sa mga bagay sa paligid ko. Sinubukan kong balikan kahit na nasa kasalukuyan na ako. Pero sadyang di ko pa din maintindihan. Nananatili akong ligaw. Nananatili ang butas; unti unting lumalaki. At pakiramdam ko, darating ang panahon (malapit na), wala nang matitira. Tuluyang magiging isang malaki, malalim na kawalan.