At dahil wala kaming magawa noong Sabado na malakas ang ulan at walang kuryente, napagtripan naming mag-Tita na mag piktyuran. Kasi yun na lang yung pwedeng makalikot na meron pang baterya, hehehe... At dahil madilim nga, nagkakatakutan pa kaming mag-Tita...


Pagkakataon ko na ding mag experiment sa pagkuha ng piktyur na gamit ang flash ng camera ko at yung macro feature nito. Di ko na lang i-share yung piktyur na kinuha ko na ginatin ko ng flash, hehehe... kasi mas mukhang nakakatakot sya kaysa sa mga piktyurs na ito hehehe... baka akalain nyo pa eh horror blog ito, whehehehe....


Lahat ng piktyurs na ito eh hindi ako gumamit ng flash, at ginamit ko yung macro feature. Tapos walang special na ilaw, aktually walang ilaw at all, hehehe... brownout nga po kasi.

'Ala po kaming kamalay-malay na yung ibang tao pala sa paligid namin eh nasa gitna ng matinding pagsubok. Yung malakas at walang tigil na pag buhos ng ulan nung mga oras na yun, ay may dalang kapahamakan para sa mga kababayan ko. Laking pasasalamat ko na lang na ligtas ang aking pamilya at mga kamag anak. At ang tanging maibibigay kong tulong sa aking mga kababayan ay dasal, na naway maging matatag sila at patuloy na magtiwala sa Panginoon.
I hope you will include my family in your prayers.
ReplyDeletehehehe. that's the spirit. I am just glad that you and your loved ones are safe. Let us continue to pray for our kababayans and also that the Lord will calm the coming storm so it won't cause so much damage.
ReplyDelete