Ang Blog na ito ay ekspression ng mga idea, saloobin at emosyon ng isang Certified Emotera since birth.

Mga idea, saloobin at emosyon na patungkol sa buhay, relasyon at kung anu-ano pa; na talaga namang may epekto at nakaapekto sa pagkatao ng manunulat.

Hangad ng blog na ito na kapulutan ng entertainment at ng aral ang mga posts na mababasa dito. Sana makibahagi kayong mambabasa. Welcome kayong mag-comment, mag-react at maki-simpatya :-)

Maraming Salamat! Enjoy Reading!

Search This Blog

Thursday, May 14, 2009

Tuyo Nang Damdamin

Syempre indi papahuli ang EMOTERA sa mga favorite songs nya. Kaya naman, magkakaroon din ako ng mga posts ng mga titik ng awit na favorite ko, pero yung mga tagalog lang ang nandito, or yung tinatawag nating OPM. Kasi yung mga ingles ko na favorite songs ay nasa ibang blogs ko. Yung mga english songs na favorite ko at special sa akin ay pwede nyong makita sa My Life's Collection at sa Fragments of Thoughts..a Piece of Life.
Eto ang aking buena mano - Tuyo Nang Damdamin ng APO Hiking Society.

MINSAN KAHIT NA PILITIN MONG UMINIT ANG DAMDAMIN
DI SIYA SUSUNOD, AT DI MAGLALAMBING
MINSAN DI MO NA MAPIGIL MAPANSIN
NA TALAGANG WALA NANG NAIIWAN NA PAGMAMAHAL

AT KAHIT NA ANONG GAWIN
DI MO NA MAPILIT AT MADAYA
AMININ SA SARILI MO
NA WALA KA NG MABUBUGA

PARANG ‘SANG KANDILA NA NAGDADALA
NG ILAW AT LIWANAG
NAUUBOS RIN SA MAGDAMAG

DI NA MADAIG O MABALIK ANG DATING MATAMIS NA KAHAPON
PILITIN MA’Y TUYO NA’NG DAMDAMIN

Wednesday, May 13, 2009

Lumang Tula

Nakita ko 'to sa aking draft folder ng aking email. And petsa - July 10, 2007. Hehehe... mag dadalawang taon na pala sya. Iniisip ko ngayon tuloy, kung anu bang nangyari nung mga panahon na yun at naisulat ko ang tulang ito. Mamaya ko na lang iisiping mabuti. Siningit ko lang na magpost ngayon kasi lunch time :-)

Ang lapit mo, abot kamay na kita
Pero di kta mahawakan
Katabi na kita
Pero di kita mayakap

Pigil ang bawat pagnanasa
Na mahagkan ka
Pigil ang damdamin
Di masabing mahal kita

Di ko yata kaya
Sobrang sakit ang nadarama
Nangugulila, kahit katabi kita
Marahil mas mabuti pa
Na malayo ka
Na hindi kita katabi
Mas konti ang sakit
Sa konting pag luha ko lang
Naiibsan ang pagkasabik

Mahirap pigilin ang damdamin
Mahirap maging manhid sa bawat pagkakataon
At mahirap mag tiis sa bawat sandali

Sunday, May 3, 2009

Emote Muna Bago Matulog

Tatlong araw na walang pasok. Dapat bakasyon ako simula bukas hanggang sa Biyernes; pero nag request ako na i-postpone muna (yes, dedicated sa work - Akala nyo lang yun!), panu kasi mejo dami din akong pending na work; kailangang tapusin bago magrelaks. At isa pa, ayaw kong indi maging busy; kailangan kong maging busy.

Sabi ko sa isang blog ko, ang kalungkutan ay palayo na sa akin. Hindi na ako malungkot. Pero... di rin pala ako masaya. Anung pakiramdam ko? Hmmm... di ko din alam kung anung tawag dito. Manhid? Minsan masungit ako... ok fine.. parati akong masungit, lalo pag nasa bahay. Nagkataon pa eh meron ako, kaya naman ang mood swings ng babaylan, sobrang nagwawala... parang unggoy na inagawan ng saging kaya nagwala.

Napansin ko din. Hindi na nga ako umiiyak. Di ko alam kung dahil nga ba indi na ako malungkot? Or naubos na ang luha ko? Or dahil nga wala na akong pakiramdam?

Pero kanina, nung may nakita ako sa TV, nakapagpaalala sa akin ng isang bagay..nainis ako. Siguro indi pa naman ako ganun ka-manhid. Saka kanina, kausap ko yung kaibigan ko, may tinanung sya, nakaramdam ako ng galit. Indi pa din ako manhid.

Pero (ulit) may kakaiba pa din sa akin. Maaaring indi na nga ako malungkot, pero merong isang bagay na nawala din sa akin. Merong isang bagay na nabago sa akin. Indi ko matukoy kung ano, pero nararamdaman kong indi AKO ito. May kulang sa AKO.

Mamaya bago ako matulog, may babasahin ako. Baka sakali, dun ko makita yung sagot sa tanung ko.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails