Ang Blog na ito ay ekspression ng mga idea, saloobin at emosyon ng isang Certified Emotera since birth.

Mga idea, saloobin at emosyon na patungkol sa buhay, relasyon at kung anu-ano pa; na talaga namang may epekto at nakaapekto sa pagkatao ng manunulat.

Hangad ng blog na ito na kapulutan ng entertainment at ng aral ang mga posts na mababasa dito. Sana makibahagi kayong mambabasa. Welcome kayong mag-comment, mag-react at maki-simpatya :-)

Maraming Salamat! Enjoy Reading!

Search This Blog

Monday, February 23, 2009

Pauwi Galing Opis

Maaga akong umuwi kanina. Panu kasi bibili pa ako ng cartolina na red at violet. At saka garter daw, sabi ng pamangkin ko. Cartolina na violet? Meron ba nun?? Gagamitin daw nila sa costume ng pagsayaw nila ng "bulaklak".

Pagdating sa bookstore, tama nga ang hinala ko, walang violet na cartolina. Kunwari, nag effort ako, tinanong ko ang miss - "Ate, meron po ba kayong violet na cartolina?" Sabi ni Ate, "kung anu lang po ang nasa shelves". Fine. Yun nga ang hinala kong sasabihin mo eh, hehe.. parang pag namimili ako ng damit at nag tatanung ng mas malaking size, ang sasabihin sa akin - "kung anu lang po nakalabas ma'am".

At dahil walang cartolina na violet, felt paper na violet ang binili ko. Mahirap na, baka walang gamitin ang pamangkin ko, magmukha syang bulaklak na ginamit na pang-she loves me; she loves me not.. yung bang walang talulot, hehehe...

Matapos kong magshopping ng talulot, este cartolina at felt paper at garter, umuwi ako. Nadaanan ko si Mang Lapid. Yung chicharon na Lapid. Bumili ako, kasi sabi ng nanay ko, wala kaming ulam. Ang kulet pa nga nya sa telepono. Tumawag sya nung bago ako umuwi. Hinoholdap ako! As if naman nabibigay ko ang salapi sa telepono, hayz... Kaya ang sabi ko na lang "Uwi na ako Mader, weyt por me der... babush!"

Anywey..umuwi na nga ako. Nagpunta ako ng bookstore at bumili ng chicharon. Tapos sumakay ng tricyle. Habang nasa pila, merong bagong trainee dun sa terminal ng tricycle... trainee na nangongotong.. este barker pala. Mukhang grade 6 pa lang ata si tutoy...pero infairness, angas sya ha. Di pa sya nagtatawag ng pasahero, nakasahod na sya kay kuyang driver. Ang nakakaaliw pa, proud pa ang ibang kuyang driver kay tutoy ha.

Nakaalis na ang tricycle at nakatawid na ako ng tulay. Sumakay ako ng jeep, sa isa pa uling terminal. Swerte, ganda ng jeep ko. Yung iba ang tawag sa jeep na ganito eh "patok". Lumipas ang ilang minuto, napuno na ang jeep. Kulang pa ng isa, kaso pinaalis na ng barker, kasi ang dupang daw :-D Syempre si kuyang driver eh na upset (naks!). Nasa likod pa naman nya ako... kaya naman dinig na dinig ko ang mga malulutong nyang pagmumura (sad face)... kawawa naman yung nanay nung minumura nya (sad, sad face)...

Habang nasa byahe, si kuya driver pala eh habit na yung may kasamang mura pag nagsasalita. Parang yung mga bata na nag "po" at "opo" pag kausap... kaso si kuyang driver instead na "po" at "opo" ang sa kanya eh puro mura.. namumulaklak ng mura.. hayz...

Buti na lang indi panaksak yung mga mura ni kuyang driver. Kasi kung nagkataon, sugatan at duguan..or baka nga may natigok na sa amin. Awa ni God, nakauwi naman ako ng matiwasay. Kaso, yung wallet ko, di nakaligtas kay mader ;-)

Saturday, February 21, 2009

Pusong May Tinik

May ilang linggo na din akong mejo malungkot (pero sabi ng kasamahan ko sa opisina, parati naman daw talaga akong malungkot), at may dinaramdam. Meron akong saloobin, na pasensya na po at di ko pwedeng ibahagi sa inyo, masyado ng personal (wala pa akong lakas ng loob kagaya ng kay Nicole-hiyala) para i-share ang buong istorya.

Noong nakaraang linggo, Miyerkules ata yun, dumaan ako sa chapel na malapit sa opisina namin. Doon ako nagdarasal at nagsisimba. Doon ako nagmumukmok sa harap ng rebulto ni Sacred Heart; kinakausap ko sya at naglalambing ako minsan. Dalawa silang dinadalaw ko dun, si Sacred Heart at ang Birhen ng Guadalupe. Nung araw na yun, naabutan ko pa ang misa. Pero ayos lang, sa totoo lang, mas gusto ko pa ang magkipag usap at nagdarasal ng "personal", mas nararamdaman ko, mas totoo.

Anyway, pagkatapos ng misa, nagdasal na ako. Nakipagchikahan sa birhen ng guadalupe at pagkatapos eh kay Sacred Heart of Jesus. Habang nakatayo ako sa harap Niya, napansin ko yung sacred heart Nya - yung pusong nakalabas sa dibdib ni Jesus. Maraming sugat, maraming bahid ng dugo at higit pa dun, napaikutan ang puso Nya ng tinik. Doon ko naisip, bakit nga ba ako masyadong nalulungkot? Bakit nga ba ako masyadong nagpapaapekto sa mga di magaganda at masasakit na nangyayari ngayon sa akin? Naisip ko yung pelikula na Passion of Christ. Naikumpara ko yung pinagdaanan ni Jesus sa pinagdaraanan ko. Walang-wala. Nakita ko ulit ang pusonfg may sugat at tinik; walang wala yung sugat ko sa puso, parang kasing laki lng sya nung isang kudlit ng sugat sa puso ng Sacred Heart. Nahiya ako sa sarili ko, nahiya ako sa Kanya. Naramdaman ko ang pag gaan ng pakiradam ko. Yun ata ang sinasabi nilang "moment" na nakikipag usap syo ang Big Boss. Akalain mo, may "moment" na din pala ako.

Normal na masaktan ako, masakit masaktan, pero di ko kailangang manatili doon sa punto na umiiyak ako at iniinda ng todo ang sakit na nararanasan ko. Kung nadapa man ako, nasugatan, iiyak, magdaramdam. Pero kailangan ko tumayo, pahirin ang luha, linisin ang sugat at gamutin, kung kailangang takpan, para pansamantalang makalimutan, at para hindi na lumala. Dapat ding ihanda ang sarili na tanggapin na sa pagtanggal ng takip at sa paghilom ng sugat, may maiiwan na marka. May peklat. Okay lang may peklat tingin ko, lalo na para sa akin, mahilig akong mangolekta ng alaala.

Natapos ang linggo na mejo maayos na ang pakiramdam ko. Paglabas ko kasi ng chapel, itinanim ko sa isip at puso ko na ang lahat ng gagawin ko ngayon at sa mga susunod na mga araw ay para sa Kanya, all for His Glory. At may naisip pa ako eh, pero sa ibang post ko na itutuloy (kindat).

Monday, February 16, 2009

Kwik [Quick] Post Bago Magtrabaho

Kanina na naman, nagising na naman ako ng alas 4 ng umaga. Hayz... Nung naalimpungatan ako at bumalik ang ulirat mula sa pagkakahimbing, ayaw ko na nga sana tignan ang oras, ayaw ko ng alamin kung alas 4 na nga ng umaga. Pero syempre tinignan ko pa din ('lam mo naman ako, makulit). Ayun, 4 na nga ng umaga...

Kung ilang linggo na akong ganito. Biglang nagugulantang... biglang bumabalik ang ulirat ko sa kalagitnaan ng mahimbing ko pagtulog. At iisa ang unang bagay na unang pumapasok sa isip ko sa sandaling daluyan ng dugo ang ugat ko sa utak... syempre, ayaw kong sabihin, hehehe... bitin ba kayo? O sige na nga, eh di syempre, sino pa ba??? Eh di s'ya!

May pagkakataon noon na na-i-re-relate ko sa 4am. (naks! parang kanta ni Gwen Steffani 'toh, hehehe...) In other words, meron kasi kaming moment na nangyari ng 4am.... Hoy! Teka! 'Wag madumi ang isip ha! Baka ibang moment ang pumasok sa isip n'yo. Ang moment namin eh mejo pang telenovela. Ayaw ko ikwento ang buong detalye, pero sabihin ko na lang na nagkaroon kami ng di pagkakaintindihan at sa loob ng 3-4 na araw eh tumatawag sya ng 4 ng madaling araw. Ayan... secret 'yan ha.

Hindi ko alam kung tama na i-relate ko yung pagkakagising ko ng biglaan sa tuwing 4 ng umaga. Baka naman din namimiss ko lang s'ya? (pero miss ko talaga sya, no question about it). Or baka din naman may maingay sa paligid ko tuwing 4am na indi ko lang napapansin na yun ang gumising sa akin, kasi nga puro sya yung nasa isip ko?

Kung anu pa man yun... isa lang ang katotohanan sa mga pangyayaring ito... alam nyo kung anu? Naiistorbo ang pagtulog ko! (belat!)

Sunday, February 15, 2009

EmOTeRa by ReYaPoT

Matagal ko ng balak na gumawa ng blog na tagalog ang laman. 'Di ko alam kung bakit ngayon ko lang naisakatuparan ang balak na 'yun. Ngayon pa na kakagawa ko lang ng isa pang english blog (My Life's Collection) at kasalukuyang pinaghihirapan ko pa ang pag papataas ng traffic at pag lalagay ng makabuluhang posts para naman hindi nakakahiya sa mga bisita ko. Hmmm... Siguro dahil na-inspire ako ni Buraot. Ang dami niyang blog, may english at may tagalog. Kwela ang blog pag tagalog. Saka mas naipaparating mo ang gusto mong iparating; naipapaintindi mo ang nais mong ipaintindi sa mga mambabasa. Siguro kasi, wala kang inaalala na maling grammar o di kaya eh 'di ka na magnonose bleed sa kakaisip ng tamang terminology pag nagsusulat ka.

Basta ngayon, ang nasa isip ko lang na dahilan kung bakit ako gumawa ng tagalog na blog ay para ma-i-share ko sa mga mambabasa ang mga saloobin ko at kung anumang tumatakbo sa malikot kong utak at madalas na bulabog na emosyon. Isa kasi akong aning na binibini at ma-dramang babaita. Naniniwala ako na ang pagsusulat ay isang magandang outlet ng saloobin, isipin at kung anu ano pang "in" na pwedeng pagmulan ng pagkakagulo ng utak at damdamin. Ayun - damdamin - "in" din yun.

Alam ko na, may naisip pa ako. Siguro kasi, yung sa dalawang blog ko, lalo na sa una kong blog na Fragments Of Thoughts..A Piece Of Life, nahaluan na sya ng ibang purpose. Nagagawa pa din naman nya yung main purpose nya - na ma-i-express ko doon ang mga pag eemote ko sa buhay; kaso mo nahaluan ng ibang purpose kasi eh.

Dito sa Emotera by ReYaPoT, mananatiling isa lang ang dahilan kung bakit ko siya ginawa sa kabila ng magulo kong schedule at kakulangan ng oras. At iyon ay para ipamahagi ang mga pag eemote ko sa mga iba't-ibang bagay na dala ng buhay.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails