Ang Blog na ito ay ekspression ng mga idea, saloobin at emosyon ng isang Certified Emotera since birth.

Mga idea, saloobin at emosyon na patungkol sa buhay, relasyon at kung anu-ano pa; na talaga namang may epekto at nakaapekto sa pagkatao ng manunulat.

Hangad ng blog na ito na kapulutan ng entertainment at ng aral ang mga posts na mababasa dito. Sana makibahagi kayong mambabasa. Welcome kayong mag-comment, mag-react at maki-simpatya :-)

Maraming Salamat! Enjoy Reading!

Search This Blog

Showing posts with label kwentong emotera. Show all posts
Showing posts with label kwentong emotera. Show all posts

Thursday, January 26, 2012

Blooper

I am back here! Feel ko lang i-share ang isa na namang blooper ko sa pag byahe. May mga moment akong ganito pag bumibyahe ako. Kung indi mali yung jeep or bus na nasakyan ko, muntik akong madulas sa MRT, or di kaya naman naglalakad ako sa maling direksyon hehe.. pwedeng di ko sadya at pwedeng sadyang naliligaw talaga ako! :D

Kanina di ko alam kung dahil di pa ako nag aalmusal or dahil lutang ako kasi kulang sa tulog kaya naman nasobrahan ako ng paglalakad, lumampas ako! Nagulantang na lang ako nung napansin kong papunta na ako sa bus stop hehehe... eh mag e-MRT ako. Buti nga di ako nakarating sa overpass at tumawid sa megamall ;-)) Di ko talaga alam bakit bigla akong nawala sa sarili hehe.. pero in fairness di naman halatang mukha akong tangang lumampas bwehehe... mukha lang maarte ako kasi pinili ko yung maayos na daan (lusot! naks!)

Madami na akong katangahan at kawalan-sa-sarili-moments pag nasa kasalda ako. Buti na lang mabait si Lord, di ako napapahamak (thank you Lord :D) Madalas akong maligaw sa Cubao, dun sa area ng Araneta Center. Madalas din akong malito sa pag sakay ng bus, panu naman halos lahat ata ng bus may SM na nakalagay sa sign board! SM Fairview at SM North, tapos parehong dadaan sa SM Megamall. Minsan naman nadudulas ako pag nasa MRT Station, pero yun ay dahil sa wala ako sa sarili ko.. umuulan nun tapos nakalimutan ko palitan yung tsinelas na suot ko, eh madulas pa naman ang ilalim nun, kaya ayun para akong nag ice skating sa station ng MRT sa boni hehe... (toinks!) At ang nakakainis pa nito, nung bibili na ako ng ticket, sabi papuntang south lang daw ang byahe ng trains kasi nga sobrang lakas ng ulan! Eh di syempre nag mala-ice skating na naman akong maglakad papunta sa hagdan. Syet di ba.


Monday, September 19, 2011

Asumptionista

Tsinechek ko yung isang blog ko "Jhudiel's Journal" nung nakita ko yung item number#22 sa list - "do something random/spontaneous/crazy". Nung ni-click ko yung link, eto ang lumabas - link.

Tapos na-recall ko kung anung nangyari nung gabi na yun. At ngayon, na-realize ko... masyado pala kaming nag assume nung kasama ko hahaha... (Yan ang hirap eh!)


We Say Things Because...

Minsan, we say things that we don't really mean. We say them because we have to. And para sa ikakabuti ng lahat (or ng isa lang. But atleast may isang napabuti). Minsan din we say things that we don't mean to cover up something. May mga salita tayong binibitawan as defense mechanism. Depensa kasi may kasalanan ka or guilty ka. Depensa kasi alam mong hindi mo deserve ang isang bagay, and yet binibigay syo (haba ng hair!... ganda ng abs!). Depensa para mabawasan ang guilty feeling.

Minsan din we say things because that is how we really feel (and think). Oh well, truth is, people never ran out of things to say. They always have something to say about everything. Parang itong post na ito hehehe..


Sunday, May 22, 2011

Umuulan. Di ko alam kung dala ng ulan kung bakit nag iba na naman ang timpla ko. Or dala lang ng ibang bagay na naman. Pwede ding pareho. Ilang araw na din akong ganito. Grabe na naman ang mood swings, depende sa mga nakikita, naririnig, naiisip at naaalala ko. Eto na naman ako. Malamang isang araw magugulat na lang ako napakahabang araw na pala ang nakalipas, pero dahil sa busy ako sa pag mo-moment di ko na namalayan. Wala talaga akong kadala-dala. Napapagod na din ako. Di ko alam kung hanggang kailan ito at kung may hangganan ba or may katapusan or kung merong magandang patutunguhan. Hindi ko rin alam kung anung makapagpapatigil. Di ko rin alam kung paano. Di ko rin alam kung may paraan nga ba. Napakatagal na. Napapagod na din ako. Ganun pa man wala naman akong magawa. Di kaya ng kakayahan ko (kung meron man). Kung ito man ay pagsubok para sa ikabubuti ng marami, sana lang mapagtyagaan pa Nya ako hanggang sa pumasa ako. Napakatagal nang pagsubok nito. Sabi Nya siguro hindi pa din kasi ako natututo kaya paulit-ulit. Ang hirap kaya.

Sumasakit yung dibdib ko kanina pa. Di ko alam kung hangin or lamig lang. Iba na talaga nagkaka edad. Madaming nararamdaman. Di ko din alam kung dala din ng lungkot ko at sobrang pag iisip kaya may mga physical pains akong nararamdaman.

Kanina, sabay sa buhos ng ulan, naisip ko, sana wala ako ngayon sa kinatatayuan ko. Sumilip ako sa bintana. May parte sa banda doon na may sikat pa ang araw, walang makapal na ulap at mukhang maaliwalas pa yung paligid. May mga bundok din akong natanaw. Sana nga talaga nasa ibang lugar ako ngayon. Isang lugar na pwede kong makalimutan (kahit sandali lang) yung mga bagay at tao na ayaw ko munang maisip at maalala. Matagal ko ng gustong maranasan yun. Matagal ko ng gustong gawin. Dangan nga lamang walang pagkakataon. Sana dumating na yun. Sana.


Saturday, May 21, 2011

Pag Nag Sawa - Gupit!

"Pag nag sawa, gupit!" 'yan yung reply ko kanina sa comment nung kaibigan ko from high school sa aking bagong kulot na buhok. Tinanung nya kasi kung permanent ang aking kulot. At as usual, naging malikot na naman ang aking magulong utak at naisipan kong magsulat. Maganda kasi pala syang pakinggan - "Pag nag sawa - gupit!". Pwede mo ding gawing patakaran sa buhay. Parang katipo lang ng "Kung ayaw mo, wag mo!" at "Kung di ukol, di bubukol!". Di ba, di ba? (wink, wink). "Pag nag sawa - gupit!" - para mo ding sinabing kung ayaw mo na kalusin mo na. Sana din kung gaano ka-simple mo binitawan ang mga katagang yun, ganun din kasimple ang umayaw; sana kasing dali ng pag gupit ng buhok na pinagsawaan ang pag limot sa mga bagay-bagay na naging bahagi ng buhay mo once upon a time.


Friday, May 20, 2011

Ang Pagbabalik (ng emotera)

At ako ay nagbabalik dito. Matagal na din akong di nagsusulat dito. Matagal na din pala akong di nag eemote sa tagalog (big grin). Ngayon na lang ulit. Dun ko sana sa english na blog i-share ito eh, kaso di ko na feel mag english kaya dito na lang. Patulog na sana ako, kaso may mga naalala ako, at nag moment* na naman ako [*moment - eto yung pagkakataon na para kang na time and space warp kagaya ni annie at shaider. yun bang bigla ka na lang natutulala sa kinauupuan mo pero yung isip at imagination mo eh kung san na nagwander. yun ang moment]. Naglakbay na naman ang utak ko sa kung saang lupalop. Sa una masaya eh. Pero nung nagtagal hindi na, unti-unti bumabalik ako sa realidad. Toinks! Lalo lang akong nadagukan at nasampal-sampal ng katotohanan sabay sabi ng "talagang hanggang 'in your dreams' ka na lang". Buset di ba. Tapos wala pang masyadong masayang nangyari ngayong araw. Bukod sa kunti lang ang benta [may balat ata sa pwet yung nagbuena mano kanina sa tindahan], eh may mga episode pa dito sa bahay namin na talaga namang pang MMK. Lalo pa akong nalungkot (at nainis) dahil parang multong susulpot, naalala ko ang aking namumukod tangi na sa tagal na panahon eh tinuring kong - "inspirasyon", "happiness", "light at the end of the tunnel", "best friend" at dinededikate-tan ng kung anu-anong love songs - eh wala na. Buset talaga di ba. Mas lamang yung inis ko kanina. Napalitan na ata kasi ng galit yung dating maganda kong emosyon. Nagsasawa na din siguro ako. Pagod na.

Sunday, August 29, 2010

Suntok sa Buwan by Eraserheads

Share ko lang itong video ng kanta ng EraserHeads na "Suntok Sa Buwan". Ito ay original ng Apo Hiking Society. Ni-revive lang ni Ely Buendia ng EraserHeads. Isa ito sa mga all-time favorites ko. Para sa akin, ang kanta na ito ang simbolo ng tiyaga at pag-asa. Pag napapakinggan ko ito para bang pakiramdam ko walang impossible. Na lahat ay pwedeng mangyari; lahat ay pwede kong gawin; lahat ng panalangin at natutugunan basta wag ka lang mawawalan ng pag asa at pananampalataya.

Sana pag napakinggan nyo to, mapuno din kayo ng pag asa. Pag asa na lahat possibleng mangyari at matupad, basta matiyaga ka at nagmamahal ;-)







LinkWithin

Related Posts with Thumbnails