Ang Blog na ito ay ekspression ng mga idea, saloobin at emosyon ng isang Certified Emotera since birth.

Mga idea, saloobin at emosyon na patungkol sa buhay, relasyon at kung anu-ano pa; na talaga namang may epekto at nakaapekto sa pagkatao ng manunulat.

Hangad ng blog na ito na kapulutan ng entertainment at ng aral ang mga posts na mababasa dito. Sana makibahagi kayong mambabasa. Welcome kayong mag-comment, mag-react at maki-simpatya :-)

Maraming Salamat! Enjoy Reading!

Search This Blog

Sunday, November 8, 2009

Emotera Thoughts 2 - Hay Buhay...

Hayzzz.. naku naman. Nakaramdam na ba kayu nung feeling na parang gusto mong lumayo sa lahat ng tao sa paligid mo? Yung mabubuhay ka ng bago, na iba kasama mo, sa ibang bahay ka nakatira, sa ibang kumpanya ka nagtatrabaho, iba at bagong tao ang mga kasama mo? Yung pakiramdam na gusto mong burahin yung alaala mo ng specific na bagay, tao, pangyayari at panahon? Yung gusto mong ibalik ang isang pagkakataon or pangyayari kasi gusto mong ulitin ng tama or gawing mas makabuluhan? Kung di pa, ang swerte mo kapatid. Magpasalamat ka ng marami kay Lord. Ibig sabihin lang nyan, mabait ka. You must have done something really good to deserve a life with no regrets. Kabaligtaran ng buhay ko. Hayz..

Pakiramdam ko ngayon, gusto kong matapos na itong chapter ng buhay ko. Mag the end na ba. Tapos kung magkaka-sequel man, pwede ring ako pa din ang character. Pero sa pagkakataong ito, madami akong babaguhin sa script ko. Mga dialogue ko, mga pag arte ko, mga desisyon kong palpak, at sisiguraduhin kong walang oras na masasayang. Kung sakaling ang sequel ay ibang pagkatao na, pipilitin kong maging tama ang mga dialogue ko, magiging professional ako para walang masayang na oras, at gagalingan ko sa lahat ng bagay - pag arte at pag deliver ng dialogue ko. Hindi ko naman hangad na maging best actress... gusto ko lang sana yung sequel hapi ang the end. Kulang ata ako sa pag aaral ng script ko, kaya ako ganito. Kulang din yata ako sa tapang para baguhin ang naunang script ko. Kaya siguro ganito ako. Flop ang buhay ko.

Gusto ko lang ng hapi ending. Yun lang. Yun lang pero napakahirap makuha. Ang tagal ko ng hinihintay. Ang tagal kong pinaghahandaan. Hanggang ngayon di ko pa din maramdaman.

Gusto ko ng sequel, baka kasi nakatulog lang ako nung nagbigay ng abiso kaya hindi ko namalayan. Baka kasi nabulagan ako sa sobrang pagkaabala sa mga bagay sa paligid ko. Sinubukan kong balikan kahit na nasa kasalukuyan na ako. Pero sadyang di ko pa din maintindihan. Nananatili akong ligaw. Nananatili ang butas; unti unting lumalaki. At pakiramdam ko, darating ang panahon (malapit na), wala nang matitira. Tuluyang magiging isang malaki, malalim na kawalan.


Thursday, October 22, 2009

Kasinungalingan

Anung gagawin mo pag nalaman mong nagsinungaling na naman syu yung taong mahal mo? Papatawarin mo ba sya ulit? Bibigyan mo ba sya ng isa pang pagkakataon?

Paano kung hindi nya alam na alam mong nagsinungaling sya? Sasabihin mo ba sa kanya na alam mong nagsinungaling na naman sya? Paano kung kaya lang sya nagsinungaling kasi alam nyang mas masasaktan ka pag nalaman mo yung katotohanan? "Valid" ba yung pagsisinungaling nya? At dahil "valid" yun, papatawarin mo ba sya?

Hanggang kailan mo sya iintindihin? At dahil alam mong "normal" na sa kanya ang magsinungaling, hanggang kailan mo sya patatawarin?

Kasinungalingan. Kahit minsan ba, hindi mo naisip, na ang lahat ay isang malaking KASINUNGALINGAN lang.

Monday, October 19, 2009

Emotera Thoughts 1 - Langgam

Last week ko pa gusto i-share itong something na bumabagabag sa isip ko eh. Pero mejo busy lang ako sa kaka-emote kaya indi ako makapagsulat. But inspite of my being busy sa pag iinarte sa buhay, eh di pa din maalis sa isip ko ang katanungang - "Bakit kaya walang superhero na langgam?"

Sa tingin nyo? Bakit nga ba?

Na-share ko yung tanung na ito sa friend ko, and sagot nya - "Anu bang kakaiba sa langgam para maging superhero?". Masipag kaya ang langgam! Di ba pwedeng trait yun ng isang super hero? Saka malakas sya. Sabi nung isang officemate ko, ang isang langgam daw ay nakakabuhat ng 1600 times ng weight nya. Imaginin mo yun? Ikaw ba makakabuhat ka ng sing-bigat mo? Sya kaya, 1600 times pa ng bigat nya! Taray di ba? Di ba isa sa trait ng superhero ang super power? Di ba ma-coconsider na super powers yung makalift ka ng 1600 times ng weight mo???

Ang mga insekto daw ay malalakas, sabi din yata ng friend ko yun. Si Spiderman bakit sya super hero? Kasi malakas din sya. Kaya yung langgam, pwede ding maging superhero yun, di ba??

Kung halibawang ang langgam ay maging superhero, anu kaya tawag sa kanya?
Super Langgam or Super L or Super Ant

Tapos pag mag transform sya to super hero, ang sisigaw nya - "ANTMAN!" Aba! pwede rin palang Antman ang name nya.. Hmm...

Tapos ang name nya pag orinaryong langgam na sya ay - LANGdo, ANTonio, ANTgam...
Sana may makabasa nitong post ko na into comics writting or script writting, tapos magdevelop ng character sa comics na starring yung Langgam or di kaya telenovela na ang superhero eh langgam. Opps, teka, meron pa palang isang trait ang langgam na pwede ring i-consider na super trait ha... masakit sila mangagat ever!

Tuesday, October 13, 2009

Ang Bago Kong "Meow"

Pangatlong gabi ko na mamaya na gamit ang bago kong unan. Hayz... Nakakatulog naman ako ng maayos. Mas masarap actually tulugan ang bagong unan ko kaysa sa mga luma kong unan. Mas malambot. Mas comfortable at hindi ako inaatake ng allergies ko. Sabi nung sales lady, hypho allergenic daw yung pillows. Kaso mo, wala syang amoy. Wala yung amoy ng dati kong unan. Hayz... yun ang sad part, kaya binibilang ko kung nakakailang araw ko na syang nagagamit. Ibig sabihin, kasing dami din nun ang araw na indi ko naaamoy yung favorite unan ko, huhuhu...

Kinailangan kong palitan na ang luma kong "meow" (as in yung meow ng pusa). Yun ang tawag ko sa unan ko na madalas kong yakap. Yun kasi tinawag ng Nanay ko sa kanya. Nung maliit pa ako, sasabihin ng Nanay ko pag pinapahiga na nya ako para matulog, "O, nasan na meow mo?" Yung "meow" ko, yun yung unan na yakap ko pag natutulog. Di ako makatulog ng wala yun. Natandaan ko pa, nung di pa ako nag aaral, minsan lalabas ako naka pajama tapos may dala akong supot ng holen sa kanang kamay, at yung meow ko sa kabilang kamay. Ready na ako nun maglaro ng holen, kasama ko si "meow", hehehe...

Kaya naman yung habit na may yakap akong unan, nadala ko hanggang ngayon. At everytime na magpapalit ako ng "meow", ganito ako. Parang lutang. Nakakatulog pero may pakiramdam na kulang.

Natandaan ko dati, nung nagpalit ako ng unan. Sa kagustuhan kong kumapit yung amoy na gusto ko sa bago kong unan, binalutan ko ng damit ko yung bagong unan. Tapos inispreyan ko ng sandamakmak na cologne ko. Dati kasi yung amoy ng unan ko eh yung pabango ko at pawis ko... at saka konting panis na laway, hehehe... okay! Fine! Madaming panis na laway!

Pero sa pagkakataong ito, parang mas nahihirapan ako. OA ko ba? Hehehe... Opcors not! Emotera ako, indi ako OA (lol). Anyway, itutuloy ko na ang pag eemote ko (ngising malaki). Itong huling unan na pinalitan ko, itong huling "meow" na pinalitan ko eh malapit kasi sa puso ko. Hayz... basta. Kailangan ko na syang itapon kasi magkakasakit naman ako pag di ko tinapon. Ganun ata talaga ang buhay, paminsan-minsan kailangan mong magtapon ng bagay na napamahal na sa'yo or may sentimental value, lalo pa nga kung ikapapahamak mo or magdudulot ng sakit syo. Kailangan mong bumitiw, para mas makausad ka palayo. Kailangan mong magtiis at unti-unting i-kundisyon ang sarili mo sa bagong direksyon na nilalakaran mo... sa bagong unan na tutuluan mo ng laway...

Hayz, sige na nga. Ang bagong unan ko na ang tutuluan ko ng laway. Sya na rin ang magpapahid ng mga luha; at makikinig sa mga hikbi; at ang magiging kayakap, kadamay sa pagtulog ko. Ba-bye na nga. Antok na ako eh.


Sunday, October 11, 2009

Akwaryum ni Caloy

Ang friendship kong si Caloy ay may bagong aquarium. At indi lang sya ordinaryong aquarium ha, salt water aquarium sya! Sosyal ng friendship ko noh?? Hehehe...


Matagal nya ng pina-project ang salt water aquarium na ito. Mejo natagalan nga sya sa pag set up kasi talagang pinag aralan nya muna yung pag set up. Indi kasi ganun ka-simple ang pag set up ng salt water aquarium. Mejo maselan at mabusisi.

Anyway highway, eto na yung ilang pictures na pindala ni Caloy. Pictures ng napaka ganda at malaking aquarium nya. Sabi ni Caloy 165 gallons daw yung aquarium. At ang daming isda!!! Nandun si nemo at ang mga kapatid nya. Yung mga friends ni Nemo, kagaya nitong nasa babang picture, ang Lion Fish.



Nainggit tuloy ako (sad face). Matagal ko na ding binabalak na mag set up ng aquarium ko, pero indi salt water ha, purita (poor) lang ako. Di kagaya nung iba dyan (ahem! caloy!) dami pera, dami pambili ng salt water fish! Pautang nga! Whehehe...

CLICK HERE for more Salt Water Aquarium Pictures.

and HERE TOO!




Saturday, October 3, 2009

Ayaw Ko Na, Sawa Na Ako

At dahil nga may panibagong bagyo na naman sa Pinas, mas mabuti ngang mag stay sa bahay, kaysa mastranded at maanod sa baha. Although mejo nakakainip, pero oks lang din. More time mag blogging at more time makipag chika sa instant messaging. Wag lang sana mawalan ng kuryente.

At dahil nga nasa bahay lang ako, madami akong pagkakataong matulog, humilata sa kama at mag isip. Hobby ko na nga ata ang mag isip, lalo na ang mag emote habang nag iisip. Emotera nga eh ;-)

Naramdaman nyo na ba yung feeling ng nagsasawa? Madami siguro sa atin nararamdaman yun sa pagkain or sa bagay. Yung dating trip mong kainin, nagsawa ka na, ayaw mo ng matikman. Yung dating favorite mong shirt, nagsawa ka na, ayaw mo ng isuot. Madami siguro dyan naranasan na yun, naramdaman na yun. Eh yung magsawa ka sa tao, naramdaman nyo na ba yun? Or sa isang bagay na gustong-gusto mong gawin? Naranasan nyo na ba yun? Naranasan nyo na bang magbitiw ng salita na kagaya ng - "Ayaw ko na syo!" or ng "Sawa na ako syo!" or pwedeng parejo nyong sinabi - "Ayaw ko na! Sawa na ako syo!"

Bakit nga ba nakakaramdam ng pag ayaw or pag sawa ang isang tao? Halimbawa sa pagkain. Siguro kasi nasobrahan na sya ng pagkain nun? Lamon kasi ang ginawa? Hehehe... Pwede ding nagkaroon sya ng di magandang alala habang kumakain sya nun or noong kinain nya yun.

Ako siguro, magsasawa ako kung paulit-ulit, tapos wala namang patutunguhan. Akala mo umuusad, yun pala umikot ka lang, and you are back where you started. Lalo pa nga, at matagal na panahon mo na ding ginagawa yun, matagal na panahon ka ng umuusad pero umiikot lang pala sa isang lugar, sa iisang sitwasyon.

Wednesday, September 30, 2009

Happiness!

Pwede po bang magpakababaw muna ako? Hehe.. Happiness naman talaga. Ang bait talaga ni Lord (Tenk you po Lord). Akala ko kasi galit ang BFF ko, whehe.. di pala. As usual, ang malikot kong pag iisip na naman ang may kagagawan ng kalokohang ito , bwahehehe... Sabi ko na nga ba (at tama si BFF), ang malikot na isip ko ang magpapahamak sa akin, hihihi...

Anyway, basta happiness ever na. Pramis di na maaaning (wink, wink).

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails