Ang Blog na ito ay ekspression ng mga idea, saloobin at emosyon ng isang Certified Emotera since birth.

Mga idea, saloobin at emosyon na patungkol sa buhay, relasyon at kung anu-ano pa; na talaga namang may epekto at nakaapekto sa pagkatao ng manunulat.

Hangad ng blog na ito na kapulutan ng entertainment at ng aral ang mga posts na mababasa dito. Sana makibahagi kayong mambabasa. Welcome kayong mag-comment, mag-react at maki-simpatya :-)

Maraming Salamat! Enjoy Reading!

Search This Blog

Showing posts with label blogging. Show all posts
Showing posts with label blogging. Show all posts

Monday, September 19, 2011

Asumptionista

Tsinechek ko yung isang blog ko "Jhudiel's Journal" nung nakita ko yung item number#22 sa list - "do something random/spontaneous/crazy". Nung ni-click ko yung link, eto ang lumabas - link.

Tapos na-recall ko kung anung nangyari nung gabi na yun. At ngayon, na-realize ko... masyado pala kaming nag assume nung kasama ko hahaha... (Yan ang hirap eh!)


Friday, May 20, 2011

Unpublished Posts

December 20, 2009 - Libag at Tinga

Naranasan nyo na ba yung minsan habang naliligo kayu at nag hihilod, winiwish nyo na yung mga masasamang tao sa paligid nyo eh kagaya na lang ng libag na nalalaglag at bumibitiw sa balat nyo habang naghihilod kayu? Or yung habang nag toothbrush kayu, sila yung mga tinga na isang sungkit lang ng tooth brush eh tanggal na?

Minsan naman winiwish ko sana yung mga bad memories at pain sa puso ko eh parang libag lang na pwede kong hiludin para mawala sa systema ko.

November 13, 2009 - Ashtray





Monday, September 28, 2009

PBWeekend: Bonding with My Pamangkin

Photobucket


At dahil wala kaming magawa noong Sabado na malakas ang ulan at walang kuryente, napagtripan naming mag-Tita na mag piktyuran. Kasi yun na lang yung pwedeng makalikot na meron pang baterya, hehehe... At dahil madilim nga, nagkakatakutan pa kaming mag-Tita...

Pagkakataon ko na ding mag experiment sa pagkuha ng piktyur na gamit ang flash ng camera ko at yung macro feature nito. Di ko na lang i-share yung piktyur na kinuha ko na ginatin ko ng flash, hehehe... kasi mas mukhang nakakatakot sya kaysa sa mga piktyurs na ito hehehe... baka akalain nyo pa eh horror blog ito, whehehehe....



Lahat ng piktyurs na ito eh hindi ako gumamit ng flash, at ginamit ko yung macro feature. Tapos walang special na ilaw, aktually walang ilaw at all, hehehe... brownout nga po kasi.


'Ala po kaming kamalay-malay na yung ibang tao pala sa paligid namin eh nasa gitna ng matinding pagsubok. Yung malakas at walang tigil na pag buhos ng ulan nung mga oras na yun, ay may dalang kapahamakan para sa mga kababayan ko. Laking pasasalamat ko na lang na ligtas ang aking pamilya at mga kamag anak. At ang tanging maibibigay kong tulong sa aking mga kababayan ay dasal, na naway maging matatag sila at patuloy na magtiwala sa Panginoon.




Sunday, September 6, 2009

The Emotera Is Back

Inaamin ko, napabayaan ko na ang blog na ito. Guilty ako sa kaugalian ng Pinoy na hanggang simula lang. Eh kasi naman, mahirap yung araw-araw nag eemote ako! Kahit pa nga, araw-araw at gabi-gabi kong ginagawa ang pag eemote, di pa rin ako sanay hehehe... Ang ibig kong sabihin eh, mahirap isiwalat sa lahat ng pagkakataon ang nararamdaman mo, lalo pa nga at maselan na bagay or emosyon yun. And minsan, kailangan mo munang sarilinin, bago ka magkaroon ng lakas para i-share sa iba. Minsan pa nga, namimili ka din ng pagsheshare-ran. Kaya naman naisip ko, kahit indi pag eemote i-popost ko dito. Yung mga daily adventures ko sa buhay - in tagalog version nga lang. Mga adventures ko na sana, kapulutan ng aral or ng mabuting bagay, sa kabila ng mga emosyong siksik at liglig. Ganun po talaga ako - emosyonal na tao. At luka-luka pag minsan, ok! fine! parati na kung parati. Kagaya ngayon, nananahimik ang BFF ko, inaaatat ko ng pagiging emosyonal ko. Hayz... sana di sya naasar. Ibang kwento na yun. Saka na lang, antabayanan nyo na lng po hehehe (suspense.. para bumalik kayu ulit).

Anyway, abangan nyo na lang ang mga i-she-share kong experiences dito. Sana kahit panu, makatulong sa pagkatao nyo (wink, wink)


Sunday, June 7, 2009

Idol Ko Si Buraot

Kakabasa ko lang ng isang post ni Buraot. As usual, naka-relate na naman ako. Si Buraot ngLinka pala ay isang fren ko sa blogsphere.. kuya kung ituring ko sya. Fan na fan ako ng blog nyang I am Buraot. Mangyari kasi sobrang nakakarelate ako sa mga posts nya. At napakagaling nya sumulat ng ingles, grabe... pati tagalog din, kasi my mga blogs din syang tagalog. Anywei, natuwa lang din ako sa nabasa ko. Actually, kapag nagbabasa ako ng mga posts nya eh kakaiba ang pakiramdam. Natutuwa ako, kasi nakakarelate ako sa mga posts nya. Naisip ko, indi pala ako nag iisang emotera... hehehe... Si kuya emotera din, pero dahil magaling nga syang magsulat, sossy na emotera sya.. este emotero pala... kasi kuya sya eh :-)

Nakikita ko at nararamdaman ko sa mga posts nya, na siya din ay in search for answers. Pero di lang sya nagpapahalata, hehehe.. parang ako.. Pero minsan, obvious ata ako na walang kamalay-malay sa mga pinaggagagawa ko sa buhay ko. Si Kuya magaling talaga syang magsulat. Naeexpress nya ng todo ang nasa isip at kalooban nya in a very good and creative way. Indi ka lang mabibighani sa lalim ng pinang gagalingan nya... e-elib ka pa sa vocabulary nya at sa pamamaraan nya ng pag sulat. Gusto ko sana ganun ako. Pero simula't sapul, di ko magawa yun. Dagdagan pa ng kawalan ko ng tiwala sa sarili ko. Maniwala man kayu or indi.. nung college ako, nuknukan ako ng mahiyain at sobrang ober na wala akong tiwala sa sarili kong kakayahan. Na-culture shock ako nung pumasok ako sa uste nun. Para ba akong promdi na sinabak sa citi. Ngayong nagwork na lang ako, saka ako mejo nagkaroon ng kumpyansa sa sarili ko. Pero sabi pa din nung isang matalik kong kaibigan na opismeyt ko ngayon, minsan daw para akong tanga. Kasi di ko daw na-re-realize ang mga accomplishments ko.. ha? anu daw? meron daw ako nun...at madami "DAW". Indi po ako nagpapaka humble ha.. kasi sa tunay lng, ang sinasabi nyang accomplishments ko eh di ko ma-consider na ganun... kasi trabaho ko yun eh... expected sa akin na gawin ko yun... di ba? Eh basta..

Mabalik tyu kay Buraot. YUn nga... hapi ako kasi meron pang iba out there na may sentimental side pa at di sila nahihiyang i-share yun... di nga lng sentimyento eh, pati yung malawak nyang pag iisip at pang unawa :-)

Sana ako din, magkaroon ng kakayahan na mai-express yung sentimyento ko at pag iisip sa creative at magandang paraan...

Kuya, sulat ka pa ng madami ha :-)

Sunday, April 26, 2009

I'm Back Here

Akalain mo, mag iisang buwan na pala akong indi nakakapag emote dito. Indi dahil sa walang ka-emote-emote na nangyayari sa buhay ko sa nakalipas na isang buwan. Sa totoo lang, ang dami!!! Sa sobrang dami, halos maloka ang Babaylan na babaitang ito... kung alam nyo lang. Dangan nga lamang, indi ko naman pwedeng i-post dito yung mga sinasabi kong sandamakmak na pangyayaring yun na nakapag paikot ng puwet ko, nakapag paikot ng toyo ko sa utak (kaya lalong lumapot), at ang nakapagdurog ng puso kong tagpi-tagpi na nga. Hayz....

Anyway, kahit panu naman na eh nakakasulat na ako. At actually! Indi pa nga tapos ang mga kabanata ng torture sa puso ko. Meron pa din... at sa aking palagay, matatagalan bago mawala yun... Mejo nadurog ng husto eh, baka nga may nawala pang piraso... kaya possible na indi na mabuo. Mabuo man, madaming bakas ng peklat at possibleng may butas. Baka kailangan na ding palitan pag nag laon. Pero sa palagay, sa panahong iyon, mananatili itong manhid. Baka nga mas makaigi yun - deadma, in other words.

Pasensya na, kung di ko maipamahagi ang istorya ko... masyadong personal. Abangan nyo na lang sa MMK sa channel 2 or sa Dear Friend sa channel 7.


LinkWithin

Related Posts with Thumbnails