Ang Blog na ito ay ekspression ng mga idea, saloobin at emosyon ng isang Certified Emotera since birth.

Mga idea, saloobin at emosyon na patungkol sa buhay, relasyon at kung anu-ano pa; na talaga namang may epekto at nakaapekto sa pagkatao ng manunulat.

Hangad ng blog na ito na kapulutan ng entertainment at ng aral ang mga posts na mababasa dito. Sana makibahagi kayong mambabasa. Welcome kayong mag-comment, mag-react at maki-simpatya :-)

Maraming Salamat! Enjoy Reading!

Search This Blog

Sunday, June 6, 2010

Butas at Takip

May natanggap akong mensahe mula sa isang malapit na kaibigan. Binabahagi nya ang isang magandang balita. Nagkaayos na daw sila ng boyfriend nya. At mukhang matutupad na daw ang matagal nyang hinihintay na paglagay sa tahimik. Nung nabasa ko yung message nya, napasambit ako ng maikling dasal. Sabi ko sana maayos na nga ng kaibigan ko ang mga concerns nya about her relationship with her boyfriend. Tapos bigla akong napaisip ng sa aking personal na saloobin. Nag pray din ako. Sabi ko, sana iparating Nya syo na kahit ano pa man ang nangyari at mangyayari, walang sinoman ang makakapag takip nung butas sa puso ko, kung hindi ikaw lang.

Sa pagkakataong ito, alam ko, kahit ano pang panalangin ko, hindi mangyayari ang gusto ko. May mga butas na tanging sya lang ang makakapagtakip. Yung takip nya eh swak. Sadyang ginawa para sa mga butas mo. Meron lang sigurong isa hanggang dalawang butas na swak ang takip na tangan ko. Na kahit subukan nyang gamitin ang takip nya, indi magkakasya. Dahil kagaya ng iba nyang takip na ginamit sa mga butas mo, ang mga takip ko eh sadyang ginawa lang para sa mga natatanging butas na natitira syo.

HIndi lang naman ako ang may takip na tinatago. Ikaw din meron. Ang mga natatanging takip sa mga natatanging butas ay tangan mo. Alam ko (at sana nga) iingatan mo yun. Darating din ang tamang panahon na maibabalik natin ang mga natatanging takip sa isa't-isa. Sana sa pagkakataong iyon tuluyan na nating matakpan at maisara ang mga butas.


LinkWithin

Related Posts with Thumbnails