Ang Blog na ito ay ekspression ng mga idea, saloobin at emosyon ng isang Certified Emotera since birth.

Mga idea, saloobin at emosyon na patungkol sa buhay, relasyon at kung anu-ano pa; na talaga namang may epekto at nakaapekto sa pagkatao ng manunulat.

Hangad ng blog na ito na kapulutan ng entertainment at ng aral ang mga posts na mababasa dito. Sana makibahagi kayong mambabasa. Welcome kayong mag-comment, mag-react at maki-simpatya :-)

Maraming Salamat! Enjoy Reading!

Search This Blog

Saturday, March 28, 2009

Emoterang Signature



Ang ganda ng signature ko di ba? Hehehe.. Emoterang-emotera ang mga letra, nagpapapadjak pa... meron ding parang kinakagat ng langgam sa wetpu... na indi mapakali.. hehehe... Galing yan sa glitter-graphics.com.

Ang taray noh!!??


Wednesday, March 25, 2009

atake

pambihira. inaatake na naman ako. madami akong tanung syo. kaso di ko naman maitanung; bakit ko pa itatanong? wala naman na akong magagawa tungkol dun; indi ko na din naman mababago. at ayaw ko din namang baguhin ng ako lang; gusto ikaw din; kusa mo; di pilit; galing sa puso.

masaya ako kasi nakaalala ka. at may bonus pa! pero, nung nanuot na sa akin yung mga sinabi mo, bigla akong nabalisa. eto na. sabi ko na nga ba. pambihira talaga. inaatake na naman ako. naisip ko tuloy, baka mas nakabuti pa, na indi ka nakaalala. baka mas mabuti pa na indi ko alam. sabi nga nila, pag indi mo alam, di ka masasaktan. natatakot ako. panu kung mangyari ulit yung dati? di ko na ata kakayanin ulit yun. baka ika-wala ko na.

inaatake na naman ako. anu bang dahilan mo? bakit mo ginagawa ito? ngayon ko naiisip, at kahit panu eh eto na ata ang patunay na madamot ka nga pala talaga. kadamutan na pwedeng ang dahilan ay sobrang pagmamahal o di kaya naman eh sadyang madamot ka lang at sarili mo lang ang iniisip mo. yung ang isang bagay pa na kailangan kong alamin. at tiyak ko, matatagalan bago ko makuha ang tunay na kasagutan.

hay... anu ba talaga? pilitin ko mang ituring na simpleng bagay lang ang lahat, indi ko magawa. Nahihirapan ako. Pakiramdam ko, nawawala ang pagkatao ko kapag ituturing kong simple lang ang bagay na iniisip ko. Indi ako AKO. Eh gusto ko pa naman yung AKO...

o eh di paano? ganun na lang? dito na lang muna. sa ngayon, gusto kong matulog ng mahaba.. pag gising ko, sana, matapang na ako... at kaya ko na harapin lahat.. kahit na anung atake pa sapitin ko.


Monday, March 23, 2009

Kaduwagan nga ba?

Duwag pala ako. Yun ang naiisip ko ngayon. Nalilito ako. Eto yung matagal ko ng dasal. Indi man eksaktong eksakto, pero kahit paano eh sapul. Noong una excited ako. Totoo ba ito? Maka ilang ulit akong nag tanung. At iisa ang sagot - Oo.

Dalawa ang nasagot ng tugon na natanggap ko. Sino ba naman ang di matutuwa dun? Kaya lang. Nung nagtagal, habang unti-unting nanunuot sa laman at buto ko yung mga tugon na yun, meron akong naisip na indi man lang sumagi sa unang pagkakataon pa lang. Marahil nabulag ako ng kasiyahan. May kapalit pala ang mga tugon na yun. At indi madaling ibigay ang mga kapalit. Akala ko lang madali lang, yun pala mali ako. At ngayon nga, naduduwag ako.

Kung susuriin kong mabuti. Indi naman sa kapalit ako naduduwag. Ang dahilan kung bakit ako naduduwag ay... dahil alam kong mahina ako. Na sa pag tanggap ko ng tugon na yun, alam kong inilalantad ko na naman ang sarili ko sa giyera. Para akong sundalo na sumugod sa giyera na alam kong 50/50 ang chance kong manalo. Para akong sundalo na sumugod na may dalang baril pero walang sapat na bala para lumaban ng matagalan. Na alam kong darating ang pagkakataong mauubos ang bala ko at susuko din ako. Yun ang kinakatakot ko, ang sumuko. Hayzz.. bakit ba napaka hirap ng buhay. Napaka hirap mabuhay. Buti pa minsan ang mga bata. Minsan gusto kong ibalik yung ka-inosentehan ko.

Sa ngayon, malilito ang isip ko. May tinig na nagsasabi na ituloy ko, at wag alisin sa isip na ang pagsugod ko sa giyera eh ginagawa ko para sa sarili ko at indi para kanino pa man. May tinig din namang nagsasabi na, eto na ang pagkakataon ko para matakasan ang giyerang matagal ko ng pinagsasalihan. Na ito na din ang mag puputol ng kung anumang takot na nararamdaman ko.

Ayan, ngayon ngayon lang... may isang epal na boses na naman ang nagsalita. Bakit ko daw hahayaan na lang? Gusto ko ba daw na parati kong maisip ang mga possibleng mangyari or nangyari kung indi ako naduwag?

Oh syet! Pambihira!


Friday, March 13, 2009

"Malaya Ka Na"

Kanina, umiiyak yung isang kaibigan ko sa office. Tinanung ko sya, bakit sya umiiyak. May pinabasa syang sulat sa akin, galing sa isang "old friend". Ang mensahe ng sulat - "malaya ka na".

Tinanung ko ulit sya kung bakit sya umiiyak. Kasi ang mensaheng "malaya ka na" ay isang masayang mensahe, di ba? Sino ba ang ayaw na maging "malaya".

Ang sabi nya, nalulungkot daw sya. Oo, hiniling nya ang kalayaan nya. Kaso, kung tama ang intindi ko sa kanya, malungkot sya kasi yung kalayaan na binigay sa kanya eh napag decision-nan nung nagbigay na mali ang intindi kung bakit nya hiniling na maging malaya sya.

Kanina, nung nabasa ko yung sulat na nagpaiyak sa kanya, ang pakiramdam ko, masaya ako para sa kaibigan ko. Sabi ko pa nga sa kanya, "ang haba ng hair mo! wagi ka!" At may hirit pang, "buti narealize nya na gago sya!".

Kanina, pride ang nanaig sa akin. Pride ng isang babae. YUng pakiramdam na - "o loko! eh di natauhan ka!" Pero syempre nirerespeto ko naman din yung pakiramdam ng kaibigan ko na malungkot sya, may maganda syang dahilan para malungkot ng ganun.

Ngayon, habang iniisip ko yung pangyayari kanina... ngayon ako nalungkot. Sabi ko nga sa kanya kanina, "sana dumating na din ako sa puntong ganyan". At ang ibig ko sabihin ng "puntong ganyan" eh yung mahaba ang hair ko at narealize na nung taong nagpapahaba ng hair ko na gago sya. Punto na nababalot ng pride ng isang babae.

Ngayon, gusto ko pa ding makarating sa "puntong ganyan". Pero sa pagkakataong ito, ang puntong tinutukoy ko eh "closure". Mas madali matanggap ang kalayaan mo kung ibibigay yun alang-alang sa ikatatahimik mo... maaaring malungkot ka... pero nandun yung katahimikan ng kalooban mo. Mas masarap maging malaya kung meron ka ding payapang loob.

Tuesday, March 10, 2009

bugnot na reyapot

hayzz.. bad trip-bad tripan na naman ang ganda ko (beauty ko). pag uwi ko sa bahay, oks naman ako, natuwa pa nga ako kay poochie, kasi ang ingay nya kumahol, para bang gusto nyang sabihin - "nandito na ang amo ko! nandito na ang amo ko! iniwan ako nito maghapon, di man lang sya nag babay kanina!" tapos nung pagkakain ko ng mainit na mami, bigla akong nainis. masarap naman yung mami, kaya malamang indi ang mami ang dahilan kung bakit ako nainis.
pag alis ko ng opis, mejo malungkot na ang ganda ko. di ko alam kung dahil ba mag isa lang ako maglalakad pauwi... na halos gabi gabi ko namang ginagawa kung bakit ba nalulungkot pa ako... (ako lang mag isa kasi ang sasakay sa direksyong papuntang jupiter). ewan ko kung bakit ako malungkot (uy kunwari pa di alam ang dahilan ng kalungkutan nya - kunsensya).
nung nasa bahay na nga ako at matapos or habang kumakain ako ng mami, nabugnot na ako. basta... di ko na idedetalye... basta kaya ako nabugnot kasi feeling ko ayaw akong pagpahingahin muna.. kahit sa pagkain kailangan di ko ma-enjoy.. mami na nga lang ang dinner ko eh (na choice ko naman din kasi nga nagbabawas ako ng taba, masyado na akong mayaman dun..di ko na sya need) pero di ba.. anu ba naman yung 10 minuto na i-enjoy ko ang mami ko.. na indi ako iisip ng tungkol sa trabaho sa opis or ng dapat tupusin sa bahay or kung anumang naging problema nila sa maghapon... kasi unang-una, wala ako! Nasa opis nga ako eh, nasa work.. kaya malamang pagod.... hayzz...
napapagod na ang ganda ko. para mami lang..na 10 minuto kaya kong ubusin di ko pa ma-enjoy...
gusto nyong dagdagan ko pa drama ko?
alam ba nila na malungkot ako?

Sunday, March 8, 2009

Malikot na Pag iisip ni Reyapot

Naranasan mo na ba yung pagdasal mo na sana dumating na yung mga aliens tapos pasabugin na yung earth (parang yung sa librong Hitchhikers Guide to the Galaxy)? Or ipagdasal na mangyari yung isang possibleng epekto ng global warming sa earth na bigla na lang itong sisindi sa kalawakan na parang ulo ng posporo na kiniskis para mag apoy?

Isang beses na nagkakwentuhan kami ng kaibigan kong kapwa ko babaylan, nakwento ko sa kanya, na may pagkakataon na parang gusto kong ipagdasal yung ganung bagay. Or minsan naman, iniisip ko - "bakit ang tagal ng mga taga outer space na ito? parang mga pinoy na pulitiko din, makupad magpa-implement ng plano, or minsan puro plano lang!"

Ang sabi ng frend kong babaylan - "depress ka nga."

Hmm... di naman masyado. Minsan ko lang naman maisip eh; saka minsan lang naman ako mainip.

Ang sama ko ba?

Naisip ko kasi, atleast pag ganun, makakapagsimula ka ulit ng panibago. Tingin ko kasi pag nawala ang earth, gagawa ulit si Lord ng bago. Yun nga lang, syempre di ka sure kung kasama ka pa sa bagong earth na yun. Pero win-win situation din naman kasi yun para syo kung sakali. Kasi tignan mo ha.. kung maglaho man ang mundo, maglalaho din kung anuman ang problema mo, kung anuman yung sitwasyon na kinalalagyan mo sa kasalukuyan.. mawawala na lahat, pati ikaw. Eh di tapos na di ba. Ngayon, kung sakali man na naglaho ang mundo at gumawa nga si Lord ulit ng bagong earth at kasama ka... eh di ayos din, kasi makakasimula ka ng bagong buhay.

May sense ba ang logic ko? Hehehe... di ko alam.. at wala akong paki kung meron man or wala. Naisip ko lang naman. At binabahagi ko lang.

Pero lam nyo, di malayong mangyari yung sinasabi ko about global warming. Tingin ko possible na isang araw eh magliyab na lang ang earth sa kalawakan na parang ulo ng palito ng posporo.

Yung mga dolphins na naligaw.. yung mga sabing possibleng nag-iba ng ruta?? Hmm... tantya ko, may kinalaman ang global warming doon. Scary di ba??

Meron akong binasabang libro, yung Hitch hikers Guide to the Galaxy. Nakakatuwa sya. Maganda. Kakaaliw. So far, aliw na aliw ako at bilib ako sa writer. Grabe ang imahinasyon nya. Kaya siguro ganito na din kakaiba ang imahinasyon ko... but kahit pa ganun... di ko sya titigilang basahin :-p

Saturday, March 7, 2009

Dala Ng Init

Ilang araw ka ng biglang sumusulpot sa isip ko (actually, parati naman eh). Pero itong mga huling araw, mas may tama ang pagsulpot mo. Para ba akong kinagat ng lamok.. minsan naman langgam. Depende kasi sa sakit na dulot ng pagsulpot mo.

Noong isang beses, nung nagpapintura ako ng mga kuko sa kamay at paa, habang naglalakad ako sa gitna ng kalye, tirik ang araw.. sa sobrang tindi ng init, naaamoy mo na ang araw. Yung ihip ng hangin, yung init ng sikat ng araw at ang amoy ng araw, biglang nag paalala sa akin noong araw na bumisita ka. Ganung oras din yun, kaso indi ako papunta sa pinturahan ng kuko nun, pumunta ako sa pinsan ko para makipagkulitan. Eksakto namang pag alis ko sa bahay, dumating ka pala. Sumunod ka sa bahay ng pinsan ko, pero syempre kasama mo kuya ko. Syempre, nagulat ako. Pero wala pa ata akong masyadong malisya noon sa'yo. Pero syempre natutuwa ako noon. Kasi di ka nakakalimot. Yung ihip ng hangin, yung amoy ng araw, yung init ng sikat nito.. dala ang alaala mo.

Sa bawat ihip ng mainit na hangin, may dalang alikabok ng pag asa. Naisip ko pa... anu kaya, habang nagpapapintura ako ng kuko, ihatid ka ulit ng kuya ko sa lugar na kung nasaan ako. Hay... Nasunog na ata ng sikat ng araw ang utak ko...

Kanina naman, namasyal ako. Kasama ko yung besfren kong kapwa ko babaylan. Actually, nag lunch lang kami. Ang taray noh, akala mo naman may pera kami, whehehe... may usong pang gastos kasi sa kumunidad ng babaylan, ang plastik na salapi (credit card). Ganyan talaga ang mga babaylan pag inaatake ng emotitis tapos malayo pa sweldo, gumagamit ng power card! (hehehe... nadala ko na yung "power!!" ni sarah geronimo, pero di ko sya napanood ha, kasi nga ang mahal ng sine ngayon!).

Sumakay akong jip papunta MRT, at dahil tanghalian, syempre mainit. Ayan na naman ang mainit na hangin, ang matinding sikat ng araw, at ang amoy ng init nito. Naalala na naman kita. Napuwing ako ng alikabok na dala ng mainit na hangin.. mahapdi saa mata. Di mapigilang maluha.

Sa MRT ganun din. Habang tinatanaw ko yung mga building, puno, tulay at bus na mabilis na dumadaan sa harapan ko, ikaw lang ang nasa isip ko. Napadaan pa ang tren sa lugar nyo. Sa pag takbo ng tren, pilit kong tinatanaw ang bubong ng bahay nyo (as if naman, makikita kita dun).

Naalala ko yung araw na nandun ako. Yung araw na bumaba ako dun sa istasyon na yun.. nung tumawag ako syo, kasi naliligaw na ata ako. Yung araw na lutang ako. Yung araw na hindi ko alam kung matatandaan ko pa ang bahay nyo.

Ngayon ko lang naisip. Naiba pala yung huling pagkikita natin. Ako naman ang pumunta sa inyo. Nakapadjama ka pa, whehehe.. at halatang matutulog ka pa nga lang... kung di ka ba naman kasi sobrang gimikero..

Yung sikat ng araw sa mukha ko.. parehong sikat ng araw sa mukha ko nung nasa tapat ako gate nyo. Pag bukas mo, syempre nakasinghal ako - "ang tagal mo! ang init kaya dito!"

Akalain mo, yung sikat ng araw na yun ang magpapaalala sa akin ng mga sandaling una tyong nagkita muli, matapos ang ilang taon.

Sana sa susunod na lumabas ako, at umihip ang mainit na hangin, habang matindi ang sikat ng araw... na sa sobrang init nito, naamoy mo na ang araw, kasunod noon, ang tawag mo sa telepono ko at sasabihin mong - "bruja, nandito ako sa bahay nyo!"

Friday, March 6, 2009

Emoterang 'Di Matulog

Balik opis na ako bukas. Oo, bukas, Biernes, babalik na ako ng opis. Bakasyon kasi ako simula noong Lunes. Di ko lang na-chika dito, pero sa isang blog ko, dun ko ni-announce. Pero itong post na ito eh sa Friday ng gabi ko pa maipo-post. Bakit kamo? Eh kasi, nung sinusulat/tinatype ko 'to, wala ng internet ang laptop ko. Tulog na kasi ang pamangkin ko. Anu relasyon?? Patay na ang router ko. Di mo pa din magets ang relasyon?? Panu kasi yung kable ng internet namin na dsl eh nasa kwarto ng pamangkin ko. Since nandun ang internet, malamang nandun ang modem, at nandun din ang router. At dahil yung pamangkin ko ang taga bukas at patay ng modem at router ko, kaya pag tulog na sya, di ko na iniistorbo... well, minsan lang... hehehe... pero yun eh pabor din sa kanya..kasi pag madaling araw nag aaral sya... pang gising nya ang miskol na ginagawa ko sa madaling araw. Ayan! Alam nyo na kung panu ako nakakaconnect sa internet. As if makabuluhan sa inyo yun.

Henywei, asan na ba ako? Ayun, babalik na ako ng opis bukas. Alam ko alanganin, pero kailangan eh, syempre utos ng boss :-) hehehe... pero oks lang naman sa akin, di naman ako nagrereklamo. Ako pa! Sabi ko nga sa isang opismate ko, ok lang yun, kasi trabaho ko yun eh. Yun ang aking job description, kasama yun. Dapat mong punan yun. Ngayon kung pasaway ka, tigas ng mukha mo, hehehe. At baka dapat, mag isip isip ka na, kung tama ba kinalalagyan mo. Unang una, namamasukan ka, natural may boss! At natural na dapat mong sundin ang boss... pag marunong ka pa sa boss at pasaway ka eh mag isip-isip ka na, baka dapat magtayo ka ng sarili mong kumpanya.

Henywei ulit, dapat talaga, maaga ako matutulog. Kaya nga patay na ang internet ko. Kaso, kinakati ang mga daliri ko. Noong una, sabi ko, magbabasa na lang ako ng libro ng tungkol sa mga aliens hanggang sapakin ako ng antok. Kaso pagtapos ko ayusin ang bag ko. Iba yung nakalikot ko. Ay di pala, nag day dream muna ako... hehehe... kaso gabi na... night dream? Anu nga ba tawag dun? Basta iniisip ko yung mga possible na mangyayari in the near future... hmmm... nagpaplano? .. nanghuhula? hehehe... alam ko na... nangangarap! Whehehe... oo nga noh! Ilusyunada pala talaga akong tunay!

Matapos ko mangarap at mag ilusyon. Di pa din maalis ang kati ng daliri ko. Kaya ang kinalikot ko ay ang aking celphone. Actually, yung celphone na provided ng opis ang kinalikot ko. May feature na chat. Kaya ang tsi-chat ko si Iyatot, yung may hawak ng isang celphone ng opis na same provider para libre ang pag experiment, hehehe... aba..naaliw ako.. I'm sure si Iya din naaliw.

Matapos yun, yung sarling celphone ko naman ang kinalkal ko. Naalala ko, may isa akong sim na di ko ulit na check kung buhay pa. Ayun! May kakalkalin ako. Habang kuha ko yung sim sa wallet ko, nakita ko yung call card na binili ko nung January. Para sana kay Caloy yun saka kay Jentot. Kaso di ko na sila natawagan. Ayun na! Ayan na naman si Kalungkutan, babatukan na naman ako... Pilit ko syang tinaboy... “tsupi! busy pa ako... kakalkalin ko pa ang celphone ko!! Alis!!”

Kalikot. Kalkal. Kalikot. Ayan! Buo pa ang sim. Kaso walang load. Hehehe... Balik ulit ang dating sim na may load.....

Hala! Anak ng Kambing!!! Ayaw na ma-open ang celphone ko! Oh syet!! Not now!! Ubos na ang budget! Wala akong pamalet syo! Alam kong nagmamakaawa na ang celphone kong i-mercy killing ko na sya, kaya naman nakiki usap ako na wag muna ngayon, kasi nga wala pa akong pambili ng kapalit. HuHuHU.... I tried CPR.... 1, 1000, 2, 1000, 3, 1000, 4, 1000, 5, 1000... No! Don't give up on me! 1, 1000, 2, 1000, 3, 1000, 4, 1000, 5, 1000...

Inipit ko ang isang sim sa ibabaw ng battery at takip para sumikip... ayun! Hehehe... nabuhay sya ulit...

Hayzzz... Kinabahan ako... akala ko mawawalan na ng power ang celphone ko. Di pa naman pa ako ready. Pero plano ko na syang paghandaan. Nasa pang #3 na sya ng aking priority list ng pagkakagastusan. Hanep! May ganung list! Ganun talaga pag walang pang gastos hehehe... kailangan may order of priority.

Binalik ko na ang sim sa wallet ko, at syempre nakita ko na naman ang call card... at kadikit nyang parang sticker si Kalungkutan. Hayzzz, miss ko na ang mga friendships ko sa abord!

Ang lola mo, naiyak. Tinext ko si Jentot. Yung isa di ko matext... saka ayaw ko din talaga. Promise. O sige na nga. Basta...

At dahil malamang tulog pa sila. Deadma. Eh di syempre, nalungkot ulit ang beauty ko. Nahiga na lang ako sa kama ng wala sa ayos. Pasaway ba.. yung ulo nasa paahan, yung paa nasa uluhan... Napansin ko tuloy yung bintana kong isa, di ko pa pala nakakabit yung kurtina. Pero oks lng, wala naman makakasilip sa akin dun kung di mga kalapati na nakatambay sa kable ng kuryente. Yun pa eh kung matyempuhan nilang bukas ang bintana ko. Parati kasi sarado yun.

Sarado ang ilaw sa kwarto ko. Ang liwanag lang eh yung galing sa poste na pinagkakabitan ng kable na tambayan ng mga kalapati. Kaya naman nung namatay yung ilaw ng poste, eh pansin na pansin ko. Napukyaw ang aking pag eemote. Naalala ko si Dumbledor. Kilala nyo ba si Prof Dumbledor? Sya yung Master ng School sa Harry Potter na books. Nung nandun kasi sya sa street ni Harry Potter sa daigdig ng mga muggles (ordinary people), pinatay nya yung ilaw ng poste sa daraanan nya. Kaya naman pag namamatay yung ilaw ng poste, sya agad ang naiisip kong dumaraan or dumating.

Kaya eto ako, nag tatype ng kung anu-ano. Sa dami ng pasakalye ko, nakalimutan ko yung talagang isusulat ko. Kakainis di ba?? Di muna kasi gumawa ng outline... akala maaalala lahat. Lalo pa ngayon, palyado ng sobra ang memory ko....

Hikab. Kamot. Inat. Hikab.

Antok na ako. Di ko maalala yung gusto kong i-write about. Bukas ulit siguro, maaalala ko. Naisip ko na actually, kaso, di ko alam kung panu ko isusulat.... na maiintindihan ng babasa.

Saka na ulit. Pag naisip ko ng mabuti ang punto ko. Basta sa ngayon, malungkot ako. Pakiramdam ko, masama akong tao. Na ako ay isang tupang ligaw. Ligaw na engot pa. Kung sabagay, engot naman talaga ang mga tupa.

O sya, paalam na. Nyt!

Tuesday, March 3, 2009

Makabagong Dyosa

Ngayon ko napuna
Para pala akong bampira

Kanina, ka-text ko ang matalik kong kaibigan
Ang tanung nya, "Kumusta ka na?"
May karugtong pa na, "Ok ka na ba?"

Pinakiramdaman ko ang sarili ko
Ano ba ito?
Bakit naiba?
Wari ko wala na ang pangamba...

Hindi ako ganito kagabi
Sobrang lungkot ko
Di ako mapakali
Puso at isip magulo

Di ko sigurado kung bakit ganito
Baka kasi ako'y busy sa umaga
Kaya lungkot ko
Di masyadong iniinda

Sumagot ako sa text nya
Malayo sa tanung nya
Pahapyaw kong nasabi
Nalulungkot ako pag gabi

Doon ko naisip
Anu ako? Transformers??

Parang lalaki sa umaga.. babae sa gabi?
O di kaya eh... boy sa umaga... sa gabi naman ay beybi?

Sa pagkakaalam ko, Dyosa ako
Ang totoo nito
Kasapi ko
Ang kaibigan ko...
Naramdaman nya yata
Nanghihina ang powers ko

Ay teka...
Di na pala kami "Dyosa"
Ang tawag sa amin ngayon ay iba na

Kami ang mga "Babaylan"
Tinaguriang Makabagong Dyosa
Mga Babaeng di pangkaraniwan

Monday, March 2, 2009

emoterang may saket

Masama ang pakiramdam ng emotera ngayon. Para akong nilalagnat at masakit ang mga maskels (muscles) ko. Hindi ko alam kung dahil ba sa panahon.. sobrang init na ngayon! Or dahil sa naligo ako ng malamig na tubig... ay, di pala malamig... yung galing diretso sa gripo (noong December at January, malamig ang tubig na diresto sa gripo... para bang yung gripo namin sa banyo eh nakakabit sa freezer ng ref.. ganun sya kalamig, kaya naman nag papainit pa ako ng tubig. Pero ngayon, di na uubra yun. Kasi pag naligo ka ng maligamgam na tubig, nagsasabon ka pa lang ng katawan mo, pinagpapawisan ka na. Kaya naman nitong nakakaraang araw, dehins na ako naliligo ng maligamgam... tingin ko tuloy baka yun ang dahilan ng pagsama ng pakiramdam ko... huh??? Ibig sabihin ba nun eh sanay ang katawan kong pagpawisan habang nagsasabon pa lang?? Wirdo (weird) talaga ako...

Parang ngayon, kasabay ng sama ng katawan ko ang sama din ng ugali ko. May ginawa na naman akong kasalanan... at dalawa pa! Hayz... ang masakit nito... mali, ang PINAKA MASAKIT nito, may nasaktan akong taos (taos - madaming tao kasi, kaya taos); at hindi lang tao... pati yung BIG BOSS ng lahat nasaktan ko (na naman).

Sa sobrang sama ng pagkakatingin ko sa sarili ko, parang gusto kong magaya dun sa character ni Angel Locsin sa last episode ng Maalaala Mo Kaya... yung babaeng nabaliw... hayz...

Tapos kanina, kausap ko ang aking ina... sabi ko sa kanya out of the blue habang nakahiga kami sa sofa (yes, nagkasya kami sa sofa... sya yung nakaunan sa arm rest ng sofa, ako naman nakaunan sa wetpu nya... di naman kami matangkad ng nanay ko kaya kasya kami sa sofa), "Mader, magmadre na lang kaya ako?" wika ko napunong-puno ng confidence.

Sumagot si Mader, "Naku may bayad ang pag pasok sa kumbento!"

"Ha??? May bayad???"
syempre na-shock ako. Sumagot din ang hipag ko, sabi nya wala. Mahaba pa yung usapan kasi may pinsan pala si hipag na nagmadre.

Enyweiz, ayun nga.. yan ang mga bunga ng malikot kong isip at bagabag na damdamin; nakakaisip ako na sana mabaliw na lang ako para maging madali ang pag iisip at pag gawa ng tama.. actually, di ka na nga nag iisip ng tama kasi nga baliw ka... at dahil dun wala ka na ding pakialam kung tama ba or mali ang ginagawa mo. Nakakaisip pa akong mag madre... sige, tawa pa, katawa tawa naman kasi yung naisip ko na yun eh... na kung susuriin mo isa lang syang paraan ng pag TAKAS.

Naku naman talaga! Ayan! Naisip ko pa ang isa kong kahinaan..! Sabi ko na nga ba, duwag ako....

Tama na nga, baka magdagdagan ang iniisip ko.. makaisip na naman ako ng ibang paraan para "tumakas"... eh baka magawi pa ako sa ang magiging resulta eh mababawasan ng emotera a mundo.

Babush muna... pagdasal nyo ko.. tenks!

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails