Ang Blog na ito ay ekspression ng mga idea, saloobin at emosyon ng isang Certified Emotera since birth.

Mga idea, saloobin at emosyon na patungkol sa buhay, relasyon at kung anu-ano pa; na talaga namang may epekto at nakaapekto sa pagkatao ng manunulat.

Hangad ng blog na ito na kapulutan ng entertainment at ng aral ang mga posts na mababasa dito. Sana makibahagi kayong mambabasa. Welcome kayong mag-comment, mag-react at maki-simpatya :-)

Maraming Salamat! Enjoy Reading!

Search This Blog

Sunday, May 22, 2011

Umuulan. Di ko alam kung dala ng ulan kung bakit nag iba na naman ang timpla ko. Or dala lang ng ibang bagay na naman. Pwede ding pareho. Ilang araw na din akong ganito. Grabe na naman ang mood swings, depende sa mga nakikita, naririnig, naiisip at naaalala ko. Eto na naman ako. Malamang isang araw magugulat na lang ako napakahabang araw na pala ang nakalipas, pero dahil sa busy ako sa pag mo-moment di ko na namalayan. Wala talaga akong kadala-dala. Napapagod na din ako. Di ko alam kung hanggang kailan ito at kung may hangganan ba or may katapusan or kung merong magandang patutunguhan. Hindi ko rin alam kung anung makapagpapatigil. Di ko rin alam kung paano. Di ko rin alam kung may paraan nga ba. Napakatagal na. Napapagod na din ako. Ganun pa man wala naman akong magawa. Di kaya ng kakayahan ko (kung meron man). Kung ito man ay pagsubok para sa ikabubuti ng marami, sana lang mapagtyagaan pa Nya ako hanggang sa pumasa ako. Napakatagal nang pagsubok nito. Sabi Nya siguro hindi pa din kasi ako natututo kaya paulit-ulit. Ang hirap kaya.

Sumasakit yung dibdib ko kanina pa. Di ko alam kung hangin or lamig lang. Iba na talaga nagkaka edad. Madaming nararamdaman. Di ko din alam kung dala din ng lungkot ko at sobrang pag iisip kaya may mga physical pains akong nararamdaman.

Kanina, sabay sa buhos ng ulan, naisip ko, sana wala ako ngayon sa kinatatayuan ko. Sumilip ako sa bintana. May parte sa banda doon na may sikat pa ang araw, walang makapal na ulap at mukhang maaliwalas pa yung paligid. May mga bundok din akong natanaw. Sana nga talaga nasa ibang lugar ako ngayon. Isang lugar na pwede kong makalimutan (kahit sandali lang) yung mga bagay at tao na ayaw ko munang maisip at maalala. Matagal ko ng gustong maranasan yun. Matagal ko ng gustong gawin. Dangan nga lamang walang pagkakataon. Sana dumating na yun. Sana.


Saturday, May 21, 2011

Pag Nag Sawa - Gupit!

"Pag nag sawa, gupit!" 'yan yung reply ko kanina sa comment nung kaibigan ko from high school sa aking bagong kulot na buhok. Tinanung nya kasi kung permanent ang aking kulot. At as usual, naging malikot na naman ang aking magulong utak at naisipan kong magsulat. Maganda kasi pala syang pakinggan - "Pag nag sawa - gupit!". Pwede mo ding gawing patakaran sa buhay. Parang katipo lang ng "Kung ayaw mo, wag mo!" at "Kung di ukol, di bubukol!". Di ba, di ba? (wink, wink). "Pag nag sawa - gupit!" - para mo ding sinabing kung ayaw mo na kalusin mo na. Sana din kung gaano ka-simple mo binitawan ang mga katagang yun, ganun din kasimple ang umayaw; sana kasing dali ng pag gupit ng buhok na pinagsawaan ang pag limot sa mga bagay-bagay na naging bahagi ng buhay mo once upon a time.


Friday, May 20, 2011

Cinderella - Bato Sa Buhangin

Share ko lang yung lyrics at music ng kantang "Bato Sa Buhangin" ng Cinderella. Pagkagising ko kasi kanina eto na yung umaalingaw-ngaw sa ulo ko. At habang naghuhugas ako ng galon ng tubig ng aming buena mano for the day (sana maganda syang buena mano, indi kagaya nung kahapon, matumal), eh kumakanta-kanta ako ng bato sa buhangin (big grin). Kaya pagtapos ko mag benta ng tubig, nag you tube na ako hehe.. at habang sinusulat ko tong post na ito eh nagpe-play sya sa background hehehe... Paborito ko din kasi syang kanta, kahit luma na. Sikat ata ito nung 70's, 1976 ata, matanda pa sa akin (ng isang taon nga lang hehe..). Sana maenjoy nyo din sya. Ganda kasi lahat - lyrics, melody saka boses nung mga kumakanta.



Ang Pagbabalik (ng emotera)

At ako ay nagbabalik dito. Matagal na din akong di nagsusulat dito. Matagal na din pala akong di nag eemote sa tagalog (big grin). Ngayon na lang ulit. Dun ko sana sa english na blog i-share ito eh, kaso di ko na feel mag english kaya dito na lang. Patulog na sana ako, kaso may mga naalala ako, at nag moment* na naman ako [*moment - eto yung pagkakataon na para kang na time and space warp kagaya ni annie at shaider. yun bang bigla ka na lang natutulala sa kinauupuan mo pero yung isip at imagination mo eh kung san na nagwander. yun ang moment]. Naglakbay na naman ang utak ko sa kung saang lupalop. Sa una masaya eh. Pero nung nagtagal hindi na, unti-unti bumabalik ako sa realidad. Toinks! Lalo lang akong nadagukan at nasampal-sampal ng katotohanan sabay sabi ng "talagang hanggang 'in your dreams' ka na lang". Buset di ba. Tapos wala pang masyadong masayang nangyari ngayong araw. Bukod sa kunti lang ang benta [may balat ata sa pwet yung nagbuena mano kanina sa tindahan], eh may mga episode pa dito sa bahay namin na talaga namang pang MMK. Lalo pa akong nalungkot (at nainis) dahil parang multong susulpot, naalala ko ang aking namumukod tangi na sa tagal na panahon eh tinuring kong - "inspirasyon", "happiness", "light at the end of the tunnel", "best friend" at dinededikate-tan ng kung anu-anong love songs - eh wala na. Buset talaga di ba. Mas lamang yung inis ko kanina. Napalitan na ata kasi ng galit yung dating maganda kong emosyon. Nagsasawa na din siguro ako. Pagod na.

Unpublished Posts

December 20, 2009 - Libag at Tinga

Naranasan nyo na ba yung minsan habang naliligo kayu at nag hihilod, winiwish nyo na yung mga masasamang tao sa paligid nyo eh kagaya na lang ng libag na nalalaglag at bumibitiw sa balat nyo habang naghihilod kayu? Or yung habang nag toothbrush kayu, sila yung mga tinga na isang sungkit lang ng tooth brush eh tanggal na?

Minsan naman winiwish ko sana yung mga bad memories at pain sa puso ko eh parang libag lang na pwede kong hiludin para mawala sa systema ko.

November 13, 2009 - Ashtray





LinkWithin

Related Posts with Thumbnails