Ang Blog na ito ay ekspression ng mga idea, saloobin at emosyon ng isang Certified Emotera since birth.

Mga idea, saloobin at emosyon na patungkol sa buhay, relasyon at kung anu-ano pa; na talaga namang may epekto at nakaapekto sa pagkatao ng manunulat.

Hangad ng blog na ito na kapulutan ng entertainment at ng aral ang mga posts na mababasa dito. Sana makibahagi kayong mambabasa. Welcome kayong mag-comment, mag-react at maki-simpatya :-)

Maraming Salamat! Enjoy Reading!

Search This Blog

Showing posts with label masamang pakiramdam. Show all posts
Showing posts with label masamang pakiramdam. Show all posts

Sunday, May 22, 2011

Umuulan. Di ko alam kung dala ng ulan kung bakit nag iba na naman ang timpla ko. Or dala lang ng ibang bagay na naman. Pwede ding pareho. Ilang araw na din akong ganito. Grabe na naman ang mood swings, depende sa mga nakikita, naririnig, naiisip at naaalala ko. Eto na naman ako. Malamang isang araw magugulat na lang ako napakahabang araw na pala ang nakalipas, pero dahil sa busy ako sa pag mo-moment di ko na namalayan. Wala talaga akong kadala-dala. Napapagod na din ako. Di ko alam kung hanggang kailan ito at kung may hangganan ba or may katapusan or kung merong magandang patutunguhan. Hindi ko rin alam kung anung makapagpapatigil. Di ko rin alam kung paano. Di ko rin alam kung may paraan nga ba. Napakatagal na. Napapagod na din ako. Ganun pa man wala naman akong magawa. Di kaya ng kakayahan ko (kung meron man). Kung ito man ay pagsubok para sa ikabubuti ng marami, sana lang mapagtyagaan pa Nya ako hanggang sa pumasa ako. Napakatagal nang pagsubok nito. Sabi Nya siguro hindi pa din kasi ako natututo kaya paulit-ulit. Ang hirap kaya.

Sumasakit yung dibdib ko kanina pa. Di ko alam kung hangin or lamig lang. Iba na talaga nagkaka edad. Madaming nararamdaman. Di ko din alam kung dala din ng lungkot ko at sobrang pag iisip kaya may mga physical pains akong nararamdaman.

Kanina, sabay sa buhos ng ulan, naisip ko, sana wala ako ngayon sa kinatatayuan ko. Sumilip ako sa bintana. May parte sa banda doon na may sikat pa ang araw, walang makapal na ulap at mukhang maaliwalas pa yung paligid. May mga bundok din akong natanaw. Sana nga talaga nasa ibang lugar ako ngayon. Isang lugar na pwede kong makalimutan (kahit sandali lang) yung mga bagay at tao na ayaw ko munang maisip at maalala. Matagal ko ng gustong maranasan yun. Matagal ko ng gustong gawin. Dangan nga lamang walang pagkakataon. Sana dumating na yun. Sana.


Friday, May 20, 2011

Unpublished Posts

December 20, 2009 - Libag at Tinga

Naranasan nyo na ba yung minsan habang naliligo kayu at nag hihilod, winiwish nyo na yung mga masasamang tao sa paligid nyo eh kagaya na lang ng libag na nalalaglag at bumibitiw sa balat nyo habang naghihilod kayu? Or yung habang nag toothbrush kayu, sila yung mga tinga na isang sungkit lang ng tooth brush eh tanggal na?

Minsan naman winiwish ko sana yung mga bad memories at pain sa puso ko eh parang libag lang na pwede kong hiludin para mawala sa systema ko.

November 13, 2009 - Ashtray





Sunday, November 8, 2009

Emotera Thoughts 2 - Hay Buhay...

Hayzzz.. naku naman. Nakaramdam na ba kayu nung feeling na parang gusto mong lumayo sa lahat ng tao sa paligid mo? Yung mabubuhay ka ng bago, na iba kasama mo, sa ibang bahay ka nakatira, sa ibang kumpanya ka nagtatrabaho, iba at bagong tao ang mga kasama mo? Yung pakiramdam na gusto mong burahin yung alaala mo ng specific na bagay, tao, pangyayari at panahon? Yung gusto mong ibalik ang isang pagkakataon or pangyayari kasi gusto mong ulitin ng tama or gawing mas makabuluhan? Kung di pa, ang swerte mo kapatid. Magpasalamat ka ng marami kay Lord. Ibig sabihin lang nyan, mabait ka. You must have done something really good to deserve a life with no regrets. Kabaligtaran ng buhay ko. Hayz..

Pakiramdam ko ngayon, gusto kong matapos na itong chapter ng buhay ko. Mag the end na ba. Tapos kung magkaka-sequel man, pwede ring ako pa din ang character. Pero sa pagkakataong ito, madami akong babaguhin sa script ko. Mga dialogue ko, mga pag arte ko, mga desisyon kong palpak, at sisiguraduhin kong walang oras na masasayang. Kung sakaling ang sequel ay ibang pagkatao na, pipilitin kong maging tama ang mga dialogue ko, magiging professional ako para walang masayang na oras, at gagalingan ko sa lahat ng bagay - pag arte at pag deliver ng dialogue ko. Hindi ko naman hangad na maging best actress... gusto ko lang sana yung sequel hapi ang the end. Kulang ata ako sa pag aaral ng script ko, kaya ako ganito. Kulang din yata ako sa tapang para baguhin ang naunang script ko. Kaya siguro ganito ako. Flop ang buhay ko.

Gusto ko lang ng hapi ending. Yun lang. Yun lang pero napakahirap makuha. Ang tagal ko ng hinihintay. Ang tagal kong pinaghahandaan. Hanggang ngayon di ko pa din maramdaman.

Gusto ko ng sequel, baka kasi nakatulog lang ako nung nagbigay ng abiso kaya hindi ko namalayan. Baka kasi nabulagan ako sa sobrang pagkaabala sa mga bagay sa paligid ko. Sinubukan kong balikan kahit na nasa kasalukuyan na ako. Pero sadyang di ko pa din maintindihan. Nananatili akong ligaw. Nananatili ang butas; unti unting lumalaki. At pakiramdam ko, darating ang panahon (malapit na), wala nang matitira. Tuluyang magiging isang malaki, malalim na kawalan.


Thursday, October 22, 2009

Kasinungalingan

Anung gagawin mo pag nalaman mong nagsinungaling na naman syu yung taong mahal mo? Papatawarin mo ba sya ulit? Bibigyan mo ba sya ng isa pang pagkakataon?

Paano kung hindi nya alam na alam mong nagsinungaling sya? Sasabihin mo ba sa kanya na alam mong nagsinungaling na naman sya? Paano kung kaya lang sya nagsinungaling kasi alam nyang mas masasaktan ka pag nalaman mo yung katotohanan? "Valid" ba yung pagsisinungaling nya? At dahil "valid" yun, papatawarin mo ba sya?

Hanggang kailan mo sya iintindihin? At dahil alam mong "normal" na sa kanya ang magsinungaling, hanggang kailan mo sya patatawarin?

Kasinungalingan. Kahit minsan ba, hindi mo naisip, na ang lahat ay isang malaking KASINUNGALINGAN lang.

Sunday, September 13, 2009

Its Complicated

Naranasan nyo na ba yung feeling ng pagkagulo ng sarili mo kasi di mo alam kung saan ka susuot na sulok ng mundo dahil sa sobrang gusto mo nang layasan at kalimutan yung mga tao, bagay at pangyayari na nagdudulot ng feeling ng pagkagulo ng sarili mo? Swerte ka kung indi. Kasi indi sya ordinaryong feeling. Sa pagdescribe ko pa lang, complicated na eh... yung maexperience mo pa kaya? Ganyan ang pakiramdam ko kaninang umaga. Asar di ba. Umaga pa. Di man lang sinimulan ng hapon ot gabi na para pwede ko na lang itulog. Sa pagtulog ko lang nakakalimutan ang lahat, di ko naiisip, kasi nga tulog ako; wala akong nadidinig at nakikita, kasi nga tulog ako. At sa panaginip ko lang nakakapiling ang tanging nagbibigay ng kaligayahan sa masalimuot na buhay sa earth.

Pasensya na pero di ko maeelaborate dito ang dahilan ng pagkagulo ng sarili. Kasi pag ginawa ko yun, para ko na ding kinuwento ang talambuhay ko. Na para bang buhay ni Rosalinda, masalimuot, madrama, at possible ding mabaliw ako kung indi ako nakaalis ng bahay kanina.

Pinag isipan ko pa ang paglabas ng bahay; para dramatic ang effect. Ayun, successful naman ako. Noong nasa labas na ako, napaisip ako... san kaya ako pupunta? Tatawagan ko ba ang mga frendships ko? Pero gusto kong mapag isa. Pag tinawagan ko sila, di na ako nag iisa. As usual, sa mall ako napadpad. Naisip ko pa, sana pala nagdala ako ng libro, dito ako nagbasa. Masyado akong nag isip kung paano ako lalabas ng bahay, di ko naman napagplanuhan kung saan ako pupunta at ano ang gagawin ko. Tangengot noh? Kaya siguro napakasalimuot ng layp ko, kasi nga tangengot ako paminsan-minsan. Habang nasa sasakyan papunta mall, nag isip na ako ng pwedeng gawin sa mall. Ang naisip ko yung mga gamit na kailangan kong bilhin, gaya ng shampoo ko, sabon, toothbrush at mga pagkaing makapagpapasaya sa akin or yung tinatawag kong comfort foods, hehehe...

Ganun nga ginawa ko pagdating ko sa mall. Pero di pa ako bumili ng comfort foods ko. Nag tingin din ako ng damit, kaso naisip ko saka na lang. Saka wala ding magandang damit na pwedeng bilhin. Halatang wala ako sa tamang pag iisip, kasi puro gastos ang nasa isip ko! Minsan yung pag shopping, nakakatulong to make me feel better, hehehe. Pero sa pagkakataong ito, parang di tumalab sa akin. Or baka dahil lang din wala akong type sa mga nakikita ko.

Nakaka isang oras pa lang akong nasa labas. Wala na akong maisip gawin. Naalala ko ulit ang libro, sana nagdala ako para nakatambay sana ako sa mga nakalat na coffee shop sa mall at dun magpalipas ng oras with my book at favorite coffee drink. Kaso nga engot ako. Naisipan ko bumili ng bagong libro, kaya go ang lola mo sa PowerBooks. Wala ako type. Yung gusto ko, ang mahal. Di ko pa feel na i-invest ang salapi ko sa kanya. Saka may e-book na ako nun eh, hehehe...

Kumain kaya ako? Busog pa ako. Saka di ko pala feel kumain mag isa; baka malungkot lang ako lalo. Finally, nung nag CR ako, dun ako nag ka idea kung saan ako pupunta at kung anu ang pwede kong gawin. Nakita ko kasi yung ilong ko sa salamin ng compact face powder ko, namumutakti sa whiteheads at blackheads; kailangan na ng professional help, whehe.. Kaya nag pafacial ako :-D

Tapos sa derma clinic, bumili na ako ng comfort foods ko. Tapos umuwi na ako. Pinagplanuhan ko din ang pag pasok sa bahay namin. Successful din naman. At ngayon nga, pakiramdam ko pa din na minsan syet ang buhay; pero di naman ibig sabihin eh di ako thankful sa buhay ha... minsan lang nauubusan ako ng lakas para makipagsabayan sa buhay; nagiging manipis na ako para sa mga suntok at dagok; malapit ng akong maging duguan. Kaya naman, tama lang na nagpa facial ako; magapi man ako ng buhay, masugatan pa ulit ako at magdugo ako, atleast, malinis ang mukha ko, wala akong black heads at white heads.

Sunday, July 5, 2009

Nasa Bahay.. Di Pumasok

Kagabi ko pa naiisip na 'wag pumasok sa office ngayon. Eto na nga, di na ako pumasok. Sabi ko masama ang pakiramdam ko, na totoo naman. Mejo mabigat ang katawan ko today, at mejo meron talagang masamang pakiramdam inside. Pisikal at emosyonal na sakit. Inaaatake ako ng emotitis ko, kagabi pa. Eto yung something na pwede ko namang labanan, but i chose not to. Siguro kasi pagod na din ako. Kailangan ko din siguro ng pahinga. Kaya instead na labanan ko, hinayaan ko lang na mag "take over" sya.

Parang ganun ka simple di ba. Parang ang simple lang ng eksplanasyon ng nararamdaman ko ngayon. Sana nga ganun lang sa tunay na buhay. Kaso indi. Its more complicated than the words I used to describe it.


Sunday, March 8, 2009

Malikot na Pag iisip ni Reyapot

Naranasan mo na ba yung pagdasal mo na sana dumating na yung mga aliens tapos pasabugin na yung earth (parang yung sa librong Hitchhikers Guide to the Galaxy)? Or ipagdasal na mangyari yung isang possibleng epekto ng global warming sa earth na bigla na lang itong sisindi sa kalawakan na parang ulo ng posporo na kiniskis para mag apoy?

Isang beses na nagkakwentuhan kami ng kaibigan kong kapwa ko babaylan, nakwento ko sa kanya, na may pagkakataon na parang gusto kong ipagdasal yung ganung bagay. Or minsan naman, iniisip ko - "bakit ang tagal ng mga taga outer space na ito? parang mga pinoy na pulitiko din, makupad magpa-implement ng plano, or minsan puro plano lang!"

Ang sabi ng frend kong babaylan - "depress ka nga."

Hmm... di naman masyado. Minsan ko lang naman maisip eh; saka minsan lang naman ako mainip.

Ang sama ko ba?

Naisip ko kasi, atleast pag ganun, makakapagsimula ka ulit ng panibago. Tingin ko kasi pag nawala ang earth, gagawa ulit si Lord ng bago. Yun nga lang, syempre di ka sure kung kasama ka pa sa bagong earth na yun. Pero win-win situation din naman kasi yun para syo kung sakali. Kasi tignan mo ha.. kung maglaho man ang mundo, maglalaho din kung anuman ang problema mo, kung anuman yung sitwasyon na kinalalagyan mo sa kasalukuyan.. mawawala na lahat, pati ikaw. Eh di tapos na di ba. Ngayon, kung sakali man na naglaho ang mundo at gumawa nga si Lord ulit ng bagong earth at kasama ka... eh di ayos din, kasi makakasimula ka ng bagong buhay.

May sense ba ang logic ko? Hehehe... di ko alam.. at wala akong paki kung meron man or wala. Naisip ko lang naman. At binabahagi ko lang.

Pero lam nyo, di malayong mangyari yung sinasabi ko about global warming. Tingin ko possible na isang araw eh magliyab na lang ang earth sa kalawakan na parang ulo ng palito ng posporo.

Yung mga dolphins na naligaw.. yung mga sabing possibleng nag-iba ng ruta?? Hmm... tantya ko, may kinalaman ang global warming doon. Scary di ba??

Meron akong binasabang libro, yung Hitch hikers Guide to the Galaxy. Nakakatuwa sya. Maganda. Kakaaliw. So far, aliw na aliw ako at bilib ako sa writer. Grabe ang imahinasyon nya. Kaya siguro ganito na din kakaiba ang imahinasyon ko... but kahit pa ganun... di ko sya titigilang basahin :-p

Monday, March 2, 2009

emoterang may saket

Masama ang pakiramdam ng emotera ngayon. Para akong nilalagnat at masakit ang mga maskels (muscles) ko. Hindi ko alam kung dahil ba sa panahon.. sobrang init na ngayon! Or dahil sa naligo ako ng malamig na tubig... ay, di pala malamig... yung galing diretso sa gripo (noong December at January, malamig ang tubig na diresto sa gripo... para bang yung gripo namin sa banyo eh nakakabit sa freezer ng ref.. ganun sya kalamig, kaya naman nag papainit pa ako ng tubig. Pero ngayon, di na uubra yun. Kasi pag naligo ka ng maligamgam na tubig, nagsasabon ka pa lang ng katawan mo, pinagpapawisan ka na. Kaya naman nitong nakakaraang araw, dehins na ako naliligo ng maligamgam... tingin ko tuloy baka yun ang dahilan ng pagsama ng pakiramdam ko... huh??? Ibig sabihin ba nun eh sanay ang katawan kong pagpawisan habang nagsasabon pa lang?? Wirdo (weird) talaga ako...

Parang ngayon, kasabay ng sama ng katawan ko ang sama din ng ugali ko. May ginawa na naman akong kasalanan... at dalawa pa! Hayz... ang masakit nito... mali, ang PINAKA MASAKIT nito, may nasaktan akong taos (taos - madaming tao kasi, kaya taos); at hindi lang tao... pati yung BIG BOSS ng lahat nasaktan ko (na naman).

Sa sobrang sama ng pagkakatingin ko sa sarili ko, parang gusto kong magaya dun sa character ni Angel Locsin sa last episode ng Maalaala Mo Kaya... yung babaeng nabaliw... hayz...

Tapos kanina, kausap ko ang aking ina... sabi ko sa kanya out of the blue habang nakahiga kami sa sofa (yes, nagkasya kami sa sofa... sya yung nakaunan sa arm rest ng sofa, ako naman nakaunan sa wetpu nya... di naman kami matangkad ng nanay ko kaya kasya kami sa sofa), "Mader, magmadre na lang kaya ako?" wika ko napunong-puno ng confidence.

Sumagot si Mader, "Naku may bayad ang pag pasok sa kumbento!"

"Ha??? May bayad???"
syempre na-shock ako. Sumagot din ang hipag ko, sabi nya wala. Mahaba pa yung usapan kasi may pinsan pala si hipag na nagmadre.

Enyweiz, ayun nga.. yan ang mga bunga ng malikot kong isip at bagabag na damdamin; nakakaisip ako na sana mabaliw na lang ako para maging madali ang pag iisip at pag gawa ng tama.. actually, di ka na nga nag iisip ng tama kasi nga baliw ka... at dahil dun wala ka na ding pakialam kung tama ba or mali ang ginagawa mo. Nakakaisip pa akong mag madre... sige, tawa pa, katawa tawa naman kasi yung naisip ko na yun eh... na kung susuriin mo isa lang syang paraan ng pag TAKAS.

Naku naman talaga! Ayan! Naisip ko pa ang isa kong kahinaan..! Sabi ko na nga ba, duwag ako....

Tama na nga, baka magdagdagan ang iniisip ko.. makaisip na naman ako ng ibang paraan para "tumakas"... eh baka magawi pa ako sa ang magiging resulta eh mababawasan ng emotera a mundo.

Babush muna... pagdasal nyo ko.. tenks!

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails