Ang Blog na ito ay ekspression ng mga idea, saloobin at emosyon ng isang Certified Emotera since birth.

Mga idea, saloobin at emosyon na patungkol sa buhay, relasyon at kung anu-ano pa; na talaga namang may epekto at nakaapekto sa pagkatao ng manunulat.

Hangad ng blog na ito na kapulutan ng entertainment at ng aral ang mga posts na mababasa dito. Sana makibahagi kayong mambabasa. Welcome kayong mag-comment, mag-react at maki-simpatya :-)

Maraming Salamat! Enjoy Reading!

Search This Blog

Showing posts with label piktyur. Show all posts
Showing posts with label piktyur. Show all posts

Tuesday, October 13, 2009

Ang Bago Kong "Meow"

Pangatlong gabi ko na mamaya na gamit ang bago kong unan. Hayz... Nakakatulog naman ako ng maayos. Mas masarap actually tulugan ang bagong unan ko kaysa sa mga luma kong unan. Mas malambot. Mas comfortable at hindi ako inaatake ng allergies ko. Sabi nung sales lady, hypho allergenic daw yung pillows. Kaso mo, wala syang amoy. Wala yung amoy ng dati kong unan. Hayz... yun ang sad part, kaya binibilang ko kung nakakailang araw ko na syang nagagamit. Ibig sabihin, kasing dami din nun ang araw na indi ko naaamoy yung favorite unan ko, huhuhu...

Kinailangan kong palitan na ang luma kong "meow" (as in yung meow ng pusa). Yun ang tawag ko sa unan ko na madalas kong yakap. Yun kasi tinawag ng Nanay ko sa kanya. Nung maliit pa ako, sasabihin ng Nanay ko pag pinapahiga na nya ako para matulog, "O, nasan na meow mo?" Yung "meow" ko, yun yung unan na yakap ko pag natutulog. Di ako makatulog ng wala yun. Natandaan ko pa, nung di pa ako nag aaral, minsan lalabas ako naka pajama tapos may dala akong supot ng holen sa kanang kamay, at yung meow ko sa kabilang kamay. Ready na ako nun maglaro ng holen, kasama ko si "meow", hehehe...

Kaya naman yung habit na may yakap akong unan, nadala ko hanggang ngayon. At everytime na magpapalit ako ng "meow", ganito ako. Parang lutang. Nakakatulog pero may pakiramdam na kulang.

Natandaan ko dati, nung nagpalit ako ng unan. Sa kagustuhan kong kumapit yung amoy na gusto ko sa bago kong unan, binalutan ko ng damit ko yung bagong unan. Tapos inispreyan ko ng sandamakmak na cologne ko. Dati kasi yung amoy ng unan ko eh yung pabango ko at pawis ko... at saka konting panis na laway, hehehe... okay! Fine! Madaming panis na laway!

Pero sa pagkakataong ito, parang mas nahihirapan ako. OA ko ba? Hehehe... Opcors not! Emotera ako, indi ako OA (lol). Anyway, itutuloy ko na ang pag eemote ko (ngising malaki). Itong huling unan na pinalitan ko, itong huling "meow" na pinalitan ko eh malapit kasi sa puso ko. Hayz... basta. Kailangan ko na syang itapon kasi magkakasakit naman ako pag di ko tinapon. Ganun ata talaga ang buhay, paminsan-minsan kailangan mong magtapon ng bagay na napamahal na sa'yo or may sentimental value, lalo pa nga kung ikapapahamak mo or magdudulot ng sakit syo. Kailangan mong bumitiw, para mas makausad ka palayo. Kailangan mong magtiis at unti-unting i-kundisyon ang sarili mo sa bagong direksyon na nilalakaran mo... sa bagong unan na tutuluan mo ng laway...

Hayz, sige na nga. Ang bagong unan ko na ang tutuluan ko ng laway. Sya na rin ang magpapahid ng mga luha; at makikinig sa mga hikbi; at ang magiging kayakap, kadamay sa pagtulog ko. Ba-bye na nga. Antok na ako eh.


Sunday, October 11, 2009

Akwaryum ni Caloy

Ang friendship kong si Caloy ay may bagong aquarium. At indi lang sya ordinaryong aquarium ha, salt water aquarium sya! Sosyal ng friendship ko noh?? Hehehe...


Matagal nya ng pina-project ang salt water aquarium na ito. Mejo natagalan nga sya sa pag set up kasi talagang pinag aralan nya muna yung pag set up. Indi kasi ganun ka-simple ang pag set up ng salt water aquarium. Mejo maselan at mabusisi.

Anyway highway, eto na yung ilang pictures na pindala ni Caloy. Pictures ng napaka ganda at malaking aquarium nya. Sabi ni Caloy 165 gallons daw yung aquarium. At ang daming isda!!! Nandun si nemo at ang mga kapatid nya. Yung mga friends ni Nemo, kagaya nitong nasa babang picture, ang Lion Fish.



Nainggit tuloy ako (sad face). Matagal ko na ding binabalak na mag set up ng aquarium ko, pero indi salt water ha, purita (poor) lang ako. Di kagaya nung iba dyan (ahem! caloy!) dami pera, dami pambili ng salt water fish! Pautang nga! Whehehe...

CLICK HERE for more Salt Water Aquarium Pictures.

and HERE TOO!




Monday, September 28, 2009

PBWeekend: Bonding with My Pamangkin

Photobucket


At dahil wala kaming magawa noong Sabado na malakas ang ulan at walang kuryente, napagtripan naming mag-Tita na mag piktyuran. Kasi yun na lang yung pwedeng makalikot na meron pang baterya, hehehe... At dahil madilim nga, nagkakatakutan pa kaming mag-Tita...

Pagkakataon ko na ding mag experiment sa pagkuha ng piktyur na gamit ang flash ng camera ko at yung macro feature nito. Di ko na lang i-share yung piktyur na kinuha ko na ginatin ko ng flash, hehehe... kasi mas mukhang nakakatakot sya kaysa sa mga piktyurs na ito hehehe... baka akalain nyo pa eh horror blog ito, whehehehe....



Lahat ng piktyurs na ito eh hindi ako gumamit ng flash, at ginamit ko yung macro feature. Tapos walang special na ilaw, aktually walang ilaw at all, hehehe... brownout nga po kasi.


'Ala po kaming kamalay-malay na yung ibang tao pala sa paligid namin eh nasa gitna ng matinding pagsubok. Yung malakas at walang tigil na pag buhos ng ulan nung mga oras na yun, ay may dalang kapahamakan para sa mga kababayan ko. Laking pasasalamat ko na lang na ligtas ang aking pamilya at mga kamag anak. At ang tanging maibibigay kong tulong sa aking mga kababayan ay dasal, na naway maging matatag sila at patuloy na magtiwala sa Panginoon.




Friday, September 11, 2009

Talent Manager

Noong Tuesday, kakaiba ang araw ko sa opis. May kakaiba o unusual na activity na nangyari sa opisina. At ang inyo pong lingkod ang nag coordinate ng nasabing activity. Nabigyan kasi ng pagkakataon ang aming company na maging isa sa mga magbibigay ng testimonial sa isang service provider ng telecoms. At kailangan ng piktyuran para sa brochure na ilalabas nila. Kaya ang Emotera, naging Talent Discoverer at Manager, hehehe..

Mejo mahirap noong una, kasi nahihiya akong i-approach yung mga empleyado namin. Yung iba naman kasi di ko naman ganun ka-close or kakilala. Kaya naman mejo shy ako. Pero nakabuo naman ako ng 11 na talents. Kaso mo noong araw ng photo shoot, meron sa mga Talents na nakalimutang mag suot ng business attire, yung isa nagkasakit, yung iba naman talagang ayaw na nila magparticipate. Syempre ang Emoterang Lola mo nagpapanic na. Para ba akong Pelican na nakatanaw sa dagat at sumisipat-sipat ng isda sa tubig, habang sinusuyod ko ng tingin ang work area ng mga Software Engineers namin; pinipili kung sino ang pwedeng maging modelo. Napansin ko, ang unang hinahanap ko eh yung mga nakapolo or yung nakabusiness attire na damit; pangalawa, kung mabait ba sya at pwedeng pakiusapan na magparticipate; pangatlo, magugustuhan ba sya ng photographer at director.

Sa awa naman ni Lord, nakaraos kami. Siguro inabot ng 2 oras ang piktyuran. At sa loob ng 2 oras na yun, kung ilang ulit yata akong sinumpa ng mga "talents" ko... hehehe.. Sa bawat "click" ng camer, ang madidinig mo - "Ms.Emotera, anu ba itong napasok ko"; sa bawat puna ng director na "ipaling mo yung mukha mo sa kaliwa" sa mga talents, sasagot ang talent ng - "Ms. Emotera, lagot ka sa akin mamaya" or ng "Ms. Emotera naman eh!"... at sa mga sandaling iyon, tawa ako ng tawa, hehhehe... ang sama ko ba? :-D kasi naaliw ako sa kanila, ang cute kaya nilang panoodin habang nagphoto shoot. Pero syempre kahit panu, may halong nahihiya din ako, at pinapalakas ko ang loob nila, "ok lang yan, exposure yan.."

Pero sa awa pa rin ni Lord eh di naman nila ako ginulpi or binugbog pagtapos ng photo shoot... hehehe.. di ko alam kung dahil pinamerienda naman namin sila or sadya lang na mababait ang mga empleyado namin :-)



Sunday, August 23, 2009

Piktyuran with Lanie

Share ko lang pictures namin ni Lanie kaninang hapon sa bahay ng Tito ko. Actually, dapat mag papafacial kaming dalawa. Eh kaso hapon na kami nagkita, naka pramis ako sa Tito ko na pupunta ako sa bahay nila ulit ngayon, para mag ingay at pumalaghoy ng todo.. at nagsama pa ako ng bak-up songer ko, si Lanie. Nagpunta muna kami sa parlor, nagpalinis ng kuko sa paa, bago kami tumuloy sa bahay nila Tito. Sempre nagpakabusog muna kami bago kami nag magic sing. Kaso mo, may bisita si Tito sa baba ng bahay, mga pamangkin nya sa side nya. Yung Tito ko kasing toh eh asawa ng Tita ko na kapatid ng Nanay ko. Si Tita na kapatid ni Mommy eh kasama na ni Lord sa heaven. Kaya si Tito byudo na. May dalawa syang anak, yung mga pinsan ko. Yung isa nasa isteyts na; yung isa dito lang. Si Tito eh actually nagbabakasyon lang dito, may inayos syang mga bagay-bagay na kailangan ng face-value hehehe... namimiss ata sya nung mga tao dun sa Government Agency na may "atraso" sa kanya. Anywei, paalis na si Tito this week, kaya naman halos every weekend at nitong mga holidays eh invited ako sa house nila. At ayaw ako pauwiin! Gusto akong mag sleep over... feeling nasa states pa din si Tito... whehehe... O? Malinaw na ba? Gud...

Mabalik tayu sa piktyurs namin ni Lanie na friend ko.. (di ko na explain ha, hahaba lang ulit, read nyo na lang ito to know more about my fren Lanie).

Ito ang tinatawag daw na wacky picture. Nung pinakita ko 'to sa pamangkin kong 2nd year college, ang sabi nya, "Tita para kayung mga high school!". Di ba? Mukha kaming mga high school na may topak hehehe... Actually, wala naman talaga nabago sa kakulitan naming dalawa ni Lanie. Nung high school pa kami, mga baliw na talaga kaming dalawa. May pagkakataon pa na maghapon na kaming magkasama sa galaan, tapos pag dating namin sa kanya-kanyang bahay, nag uusap naman kami sa telepono hanggang alas dos ng madaling araw. Di kami masyadong close di ba? At di rin kami masyado nag spend ng time together. Kaya naman pag nagkikita kami, parang wala ng bukas. Nagagalit na nga sa akin ang boypren nya eh, whehehe.... kasi parang wala na daw bukas kung lumabas kaming dalawa ni Lanie.


Eto naman. Yung solo piktyur ko, sabi ni Lanie, yun daw ang mga itsura or pose ng mga grade 1 pag pinipiktyuran ng pang ID nila. Kulang pa nga yan eh, dapat naka pig tail pa ako, kaso wala kami panali sa buhok. Yung second piktyur, na kaming dalawa ang magkasama, yun naman daw ang itsura ng mga grade 4 pag nagpapapiktyur, whehehe... adik noh? :-D

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails