Ang Blog na ito ay ekspression ng mga idea, saloobin at emosyon ng isang Certified Emotera since birth.

Mga idea, saloobin at emosyon na patungkol sa buhay, relasyon at kung anu-ano pa; na talaga namang may epekto at nakaapekto sa pagkatao ng manunulat.

Hangad ng blog na ito na kapulutan ng entertainment at ng aral ang mga posts na mababasa dito. Sana makibahagi kayong mambabasa. Welcome kayong mag-comment, mag-react at maki-simpatya :-)

Maraming Salamat! Enjoy Reading!

Search This Blog

Showing posts with label sweldo. Show all posts
Showing posts with label sweldo. Show all posts

Friday, September 11, 2009

Talent Manager

Noong Tuesday, kakaiba ang araw ko sa opis. May kakaiba o unusual na activity na nangyari sa opisina. At ang inyo pong lingkod ang nag coordinate ng nasabing activity. Nabigyan kasi ng pagkakataon ang aming company na maging isa sa mga magbibigay ng testimonial sa isang service provider ng telecoms. At kailangan ng piktyuran para sa brochure na ilalabas nila. Kaya ang Emotera, naging Talent Discoverer at Manager, hehehe..

Mejo mahirap noong una, kasi nahihiya akong i-approach yung mga empleyado namin. Yung iba naman kasi di ko naman ganun ka-close or kakilala. Kaya naman mejo shy ako. Pero nakabuo naman ako ng 11 na talents. Kaso mo noong araw ng photo shoot, meron sa mga Talents na nakalimutang mag suot ng business attire, yung isa nagkasakit, yung iba naman talagang ayaw na nila magparticipate. Syempre ang Emoterang Lola mo nagpapanic na. Para ba akong Pelican na nakatanaw sa dagat at sumisipat-sipat ng isda sa tubig, habang sinusuyod ko ng tingin ang work area ng mga Software Engineers namin; pinipili kung sino ang pwedeng maging modelo. Napansin ko, ang unang hinahanap ko eh yung mga nakapolo or yung nakabusiness attire na damit; pangalawa, kung mabait ba sya at pwedeng pakiusapan na magparticipate; pangatlo, magugustuhan ba sya ng photographer at director.

Sa awa naman ni Lord, nakaraos kami. Siguro inabot ng 2 oras ang piktyuran. At sa loob ng 2 oras na yun, kung ilang ulit yata akong sinumpa ng mga "talents" ko... hehehe.. Sa bawat "click" ng camer, ang madidinig mo - "Ms.Emotera, anu ba itong napasok ko"; sa bawat puna ng director na "ipaling mo yung mukha mo sa kaliwa" sa mga talents, sasagot ang talent ng - "Ms. Emotera, lagot ka sa akin mamaya" or ng "Ms. Emotera naman eh!"... at sa mga sandaling iyon, tawa ako ng tawa, hehhehe... ang sama ko ba? :-D kasi naaliw ako sa kanila, ang cute kaya nilang panoodin habang nagphoto shoot. Pero syempre kahit panu, may halong nahihiya din ako, at pinapalakas ko ang loob nila, "ok lang yan, exposure yan.."

Pero sa awa pa rin ni Lord eh di naman nila ako ginulpi or binugbog pagtapos ng photo shoot... hehehe.. di ko alam kung dahil pinamerienda naman namin sila or sadya lang na mababait ang mga empleyado namin :-)



Thursday, June 11, 2009

Sweldo Na!

Swelduhan na naman. Excited na malungkot ako. Excited kasi may sweldo na, malungkot kasi dadaan lang sa palad ko ang sweldo ko, hayz.. Pag minsan nagtatagal naman sya sa wallet ko ng isang magdamag; or pag halimbawa umaga pa lang ay nakawithdraw na ako, syempre maghapon at magdamag syang nakituloy sa wallet ko. Ngayon, pag halimbawang sa gabi na pag uwi ko gising pa nanay ko, malamang indi na sya aabutin ng umaga sa wallet ko - so one day lang syang nanuluyan dun, hehehe... Minsan naman nagtatagal din naman sya ng more than a day; pero mas madalas na ganyan ang drama ng sweldo ko at wallet ko. Opps, weyt a minute kapeng mainit, di ako nagrereklamo ha. Kahit panu naman tanggap ko nang ganun ang drama ng buhay ko. Siguro pag nanalo ako sa lotto saka lang sya maiiba, kaso ang problema di ako nataya ng lotto. Naishe-share ko lang naman sa inyo (at sa tingin ko, indi lang ako nag iisang ganito sa mundong ibabaw).

Kagaya ngayong gabi. Nagsweldo na kami. Masaya ako kasi yung ibang opis meyt ko wala pa hehehe... ako meron na. Nabibilang ako sa mga favorite child hehehe... chika lang. Mangyari kasi nalipat nga ako sa opis namin sa QC, eh iba ang proseso ng payroll dun, kaya kami nauuna. Anyway, syempre kunwari excited ako sa pagcheck sa ATM, kahit pa nga alam ko na kung magkano ang laman ng ATM ko. Nagulat pa daw ako kunwari - "uy, may sweldo na!". Isip ako kung magkano kukunin ko muna, ayaw ko kung lahat, baka sakali mangitlog yung perang ititira ko sa ATM ko. Pagka kuha ko ng pera, pakiramdam ko isa akong magandang bulaklak na pinagkakaguluhan ng bubuyog. YUng bubuyog eh yung mga bayarin ko; na imagine kong lumilipad lipad sila sa paligid ko. Hanggang sa unti-unti akong nawawalan ng bango, kasi nasighot na lahat ng bubuyog. Pinipilit kong wag muna sila isipin (ang mga bayarin); kaso mo di pwede deadmahin.

Pagdating sa bahay, di ko napigilan sarili ko. Syempre nag emote ako sa nanay ko. Wala lang feel ko lang mag emote sa kanya na indi mag sound like nagrereklamo ako. Parang warning lang na ako ay hikahos at mejo dama ko sya ngayon, feel na feel ko. Panu naman nagkasabay sabay ang gastos ko at bayarin. Nagpagamot pa ako. Ang mahal ng gamot, huhuhu... pag naaalala ko lalong sumasakit ang tyan ko. Mukha namang naintindihan ni Mama, kasi di sya nag cry (ma-drama kasi nanay ko eh, parang ako, hehehe...) at infairness, di siya nagalit. Nakaraos ako ng emote pero naubos pa din pera ko, hahaha... pero oks lang. Yun naman ang purpose ng pera. Kanina lang talagang "it really got into me". Siguro kasi nakadagdag yung panibagong gagawing gastos bukas - mamimili na ng school supplies.

Mabuti na lang din kahit panu may iba pa akong pinagkakakitaan - etong mga blogs ko, saka yung sideline kong Natasha, Avon at Milk & Co. Hehehe.. i-advertise daw ba :-) Meron din akong celphone loads. Hehehe... Mahirap talaga ang buhay ngayon. Lalo na siguro sa mga mag asawa na nagsisimula pa lang. Minsan tuloy naisip ko, baka kaya di pa ako makapag asawa kasi kailangan pa ako ng pamilya ko. Mahirap na syempre kung married na ako. Hayz... kUng anuman plano ni Lord.. accept ko lang :-)
-Unang Naki-Emote-

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails