Ang Blog na ito ay ekspression ng mga idea, saloobin at emosyon ng isang Certified Emotera since birth.

Mga idea, saloobin at emosyon na patungkol sa buhay, relasyon at kung anu-ano pa; na talaga namang may epekto at nakaapekto sa pagkatao ng manunulat.

Hangad ng blog na ito na kapulutan ng entertainment at ng aral ang mga posts na mababasa dito. Sana makibahagi kayong mambabasa. Welcome kayong mag-comment, mag-react at maki-simpatya :-)

Maraming Salamat! Enjoy Reading!

Search This Blog

Sunday, May 22, 2011

Umuulan. Di ko alam kung dala ng ulan kung bakit nag iba na naman ang timpla ko. Or dala lang ng ibang bagay na naman. Pwede ding pareho. Ilang araw na din akong ganito. Grabe na naman ang mood swings, depende sa mga nakikita, naririnig, naiisip at naaalala ko. Eto na naman ako. Malamang isang araw magugulat na lang ako napakahabang araw na pala ang nakalipas, pero dahil sa busy ako sa pag mo-moment di ko na namalayan. Wala talaga akong kadala-dala. Napapagod na din ako. Di ko alam kung hanggang kailan ito at kung may hangganan ba or may katapusan or kung merong magandang patutunguhan. Hindi ko rin alam kung anung makapagpapatigil. Di ko rin alam kung paano. Di ko rin alam kung may paraan nga ba. Napakatagal na. Napapagod na din ako. Ganun pa man wala naman akong magawa. Di kaya ng kakayahan ko (kung meron man). Kung ito man ay pagsubok para sa ikabubuti ng marami, sana lang mapagtyagaan pa Nya ako hanggang sa pumasa ako. Napakatagal nang pagsubok nito. Sabi Nya siguro hindi pa din kasi ako natututo kaya paulit-ulit. Ang hirap kaya.

Sumasakit yung dibdib ko kanina pa. Di ko alam kung hangin or lamig lang. Iba na talaga nagkaka edad. Madaming nararamdaman. Di ko din alam kung dala din ng lungkot ko at sobrang pag iisip kaya may mga physical pains akong nararamdaman.

Kanina, sabay sa buhos ng ulan, naisip ko, sana wala ako ngayon sa kinatatayuan ko. Sumilip ako sa bintana. May parte sa banda doon na may sikat pa ang araw, walang makapal na ulap at mukhang maaliwalas pa yung paligid. May mga bundok din akong natanaw. Sana nga talaga nasa ibang lugar ako ngayon. Isang lugar na pwede kong makalimutan (kahit sandali lang) yung mga bagay at tao na ayaw ko munang maisip at maalala. Matagal ko ng gustong maranasan yun. Matagal ko ng gustong gawin. Dangan nga lamang walang pagkakataon. Sana dumating na yun. Sana.


No comments:

Post a Comment

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails