Ang Blog na ito ay ekspression ng mga idea, saloobin at emosyon ng isang Certified Emotera since birth.

Mga idea, saloobin at emosyon na patungkol sa buhay, relasyon at kung anu-ano pa; na talaga namang may epekto at nakaapekto sa pagkatao ng manunulat.

Hangad ng blog na ito na kapulutan ng entertainment at ng aral ang mga posts na mababasa dito. Sana makibahagi kayong mambabasa. Welcome kayong mag-comment, mag-react at maki-simpatya :-)

Maraming Salamat! Enjoy Reading!

Search This Blog

Sunday, June 7, 2009

Idol Ko Si Buraot

Kakabasa ko lang ng isang post ni Buraot. As usual, naka-relate na naman ako. Si Buraot ngLinka pala ay isang fren ko sa blogsphere.. kuya kung ituring ko sya. Fan na fan ako ng blog nyang I am Buraot. Mangyari kasi sobrang nakakarelate ako sa mga posts nya. At napakagaling nya sumulat ng ingles, grabe... pati tagalog din, kasi my mga blogs din syang tagalog. Anywei, natuwa lang din ako sa nabasa ko. Actually, kapag nagbabasa ako ng mga posts nya eh kakaiba ang pakiramdam. Natutuwa ako, kasi nakakarelate ako sa mga posts nya. Naisip ko, indi pala ako nag iisang emotera... hehehe... Si kuya emotera din, pero dahil magaling nga syang magsulat, sossy na emotera sya.. este emotero pala... kasi kuya sya eh :-)

Nakikita ko at nararamdaman ko sa mga posts nya, na siya din ay in search for answers. Pero di lang sya nagpapahalata, hehehe.. parang ako.. Pero minsan, obvious ata ako na walang kamalay-malay sa mga pinaggagagawa ko sa buhay ko. Si Kuya magaling talaga syang magsulat. Naeexpress nya ng todo ang nasa isip at kalooban nya in a very good and creative way. Indi ka lang mabibighani sa lalim ng pinang gagalingan nya... e-elib ka pa sa vocabulary nya at sa pamamaraan nya ng pag sulat. Gusto ko sana ganun ako. Pero simula't sapul, di ko magawa yun. Dagdagan pa ng kawalan ko ng tiwala sa sarili ko. Maniwala man kayu or indi.. nung college ako, nuknukan ako ng mahiyain at sobrang ober na wala akong tiwala sa sarili kong kakayahan. Na-culture shock ako nung pumasok ako sa uste nun. Para ba akong promdi na sinabak sa citi. Ngayong nagwork na lang ako, saka ako mejo nagkaroon ng kumpyansa sa sarili ko. Pero sabi pa din nung isang matalik kong kaibigan na opismeyt ko ngayon, minsan daw para akong tanga. Kasi di ko daw na-re-realize ang mga accomplishments ko.. ha? anu daw? meron daw ako nun...at madami "DAW". Indi po ako nagpapaka humble ha.. kasi sa tunay lng, ang sinasabi nyang accomplishments ko eh di ko ma-consider na ganun... kasi trabaho ko yun eh... expected sa akin na gawin ko yun... di ba? Eh basta..

Mabalik tyu kay Buraot. YUn nga... hapi ako kasi meron pang iba out there na may sentimental side pa at di sila nahihiyang i-share yun... di nga lng sentimyento eh, pati yung malawak nyang pag iisip at pang unawa :-)

Sana ako din, magkaroon ng kakayahan na mai-express yung sentimyento ko at pag iisip sa creative at magandang paraan...

Kuya, sulat ka pa ng madami ha :-)

1 comment:

  1. nakanaks. me link na, me PR pa. hehehe. tenkyu po reyapots sa mga compliments. you are one in five na regular readers ko. at ok na yun kahit lima lang. ibig sabihin me kasangga ako na naintindihan yung mga pinagsasa sabi ko. hehehhe.

    tenkyu ulet.

    ReplyDelete

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails