Ang Blog na ito ay ekspression ng mga idea, saloobin at emosyon ng isang Certified Emotera since birth.

Mga idea, saloobin at emosyon na patungkol sa buhay, relasyon at kung anu-ano pa; na talaga namang may epekto at nakaapekto sa pagkatao ng manunulat.

Hangad ng blog na ito na kapulutan ng entertainment at ng aral ang mga posts na mababasa dito. Sana makibahagi kayong mambabasa. Welcome kayong mag-comment, mag-react at maki-simpatya :-)

Maraming Salamat! Enjoy Reading!

Search This Blog

Tuesday, October 13, 2009

Ang Bago Kong "Meow"

Pangatlong gabi ko na mamaya na gamit ang bago kong unan. Hayz... Nakakatulog naman ako ng maayos. Mas masarap actually tulugan ang bagong unan ko kaysa sa mga luma kong unan. Mas malambot. Mas comfortable at hindi ako inaatake ng allergies ko. Sabi nung sales lady, hypho allergenic daw yung pillows. Kaso mo, wala syang amoy. Wala yung amoy ng dati kong unan. Hayz... yun ang sad part, kaya binibilang ko kung nakakailang araw ko na syang nagagamit. Ibig sabihin, kasing dami din nun ang araw na indi ko naaamoy yung favorite unan ko, huhuhu...

Kinailangan kong palitan na ang luma kong "meow" (as in yung meow ng pusa). Yun ang tawag ko sa unan ko na madalas kong yakap. Yun kasi tinawag ng Nanay ko sa kanya. Nung maliit pa ako, sasabihin ng Nanay ko pag pinapahiga na nya ako para matulog, "O, nasan na meow mo?" Yung "meow" ko, yun yung unan na yakap ko pag natutulog. Di ako makatulog ng wala yun. Natandaan ko pa, nung di pa ako nag aaral, minsan lalabas ako naka pajama tapos may dala akong supot ng holen sa kanang kamay, at yung meow ko sa kabilang kamay. Ready na ako nun maglaro ng holen, kasama ko si "meow", hehehe...

Kaya naman yung habit na may yakap akong unan, nadala ko hanggang ngayon. At everytime na magpapalit ako ng "meow", ganito ako. Parang lutang. Nakakatulog pero may pakiramdam na kulang.

Natandaan ko dati, nung nagpalit ako ng unan. Sa kagustuhan kong kumapit yung amoy na gusto ko sa bago kong unan, binalutan ko ng damit ko yung bagong unan. Tapos inispreyan ko ng sandamakmak na cologne ko. Dati kasi yung amoy ng unan ko eh yung pabango ko at pawis ko... at saka konting panis na laway, hehehe... okay! Fine! Madaming panis na laway!

Pero sa pagkakataong ito, parang mas nahihirapan ako. OA ko ba? Hehehe... Opcors not! Emotera ako, indi ako OA (lol). Anyway, itutuloy ko na ang pag eemote ko (ngising malaki). Itong huling unan na pinalitan ko, itong huling "meow" na pinalitan ko eh malapit kasi sa puso ko. Hayz... basta. Kailangan ko na syang itapon kasi magkakasakit naman ako pag di ko tinapon. Ganun ata talaga ang buhay, paminsan-minsan kailangan mong magtapon ng bagay na napamahal na sa'yo or may sentimental value, lalo pa nga kung ikapapahamak mo or magdudulot ng sakit syo. Kailangan mong bumitiw, para mas makausad ka palayo. Kailangan mong magtiis at unti-unting i-kundisyon ang sarili mo sa bagong direksyon na nilalakaran mo... sa bagong unan na tutuluan mo ng laway...

Hayz, sige na nga. Ang bagong unan ko na ang tutuluan ko ng laway. Sya na rin ang magpapahid ng mga luha; at makikinig sa mga hikbi; at ang magiging kayakap, kadamay sa pagtulog ko. Ba-bye na nga. Antok na ako eh.


No comments:

Post a Comment

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails