Ang Blog na ito ay ekspression ng mga idea, saloobin at emosyon ng isang Certified Emotera since birth.

Mga idea, saloobin at emosyon na patungkol sa buhay, relasyon at kung anu-ano pa; na talaga namang may epekto at nakaapekto sa pagkatao ng manunulat.

Hangad ng blog na ito na kapulutan ng entertainment at ng aral ang mga posts na mababasa dito. Sana makibahagi kayong mambabasa. Welcome kayong mag-comment, mag-react at maki-simpatya :-)

Maraming Salamat! Enjoy Reading!

Search This Blog

Monday, February 23, 2009

Pauwi Galing Opis

Maaga akong umuwi kanina. Panu kasi bibili pa ako ng cartolina na red at violet. At saka garter daw, sabi ng pamangkin ko. Cartolina na violet? Meron ba nun?? Gagamitin daw nila sa costume ng pagsayaw nila ng "bulaklak".

Pagdating sa bookstore, tama nga ang hinala ko, walang violet na cartolina. Kunwari, nag effort ako, tinanong ko ang miss - "Ate, meron po ba kayong violet na cartolina?" Sabi ni Ate, "kung anu lang po ang nasa shelves". Fine. Yun nga ang hinala kong sasabihin mo eh, hehe.. parang pag namimili ako ng damit at nag tatanung ng mas malaking size, ang sasabihin sa akin - "kung anu lang po nakalabas ma'am".

At dahil walang cartolina na violet, felt paper na violet ang binili ko. Mahirap na, baka walang gamitin ang pamangkin ko, magmukha syang bulaklak na ginamit na pang-she loves me; she loves me not.. yung bang walang talulot, hehehe...

Matapos kong magshopping ng talulot, este cartolina at felt paper at garter, umuwi ako. Nadaanan ko si Mang Lapid. Yung chicharon na Lapid. Bumili ako, kasi sabi ng nanay ko, wala kaming ulam. Ang kulet pa nga nya sa telepono. Tumawag sya nung bago ako umuwi. Hinoholdap ako! As if naman nabibigay ko ang salapi sa telepono, hayz... Kaya ang sabi ko na lang "Uwi na ako Mader, weyt por me der... babush!"

Anywey..umuwi na nga ako. Nagpunta ako ng bookstore at bumili ng chicharon. Tapos sumakay ng tricyle. Habang nasa pila, merong bagong trainee dun sa terminal ng tricycle... trainee na nangongotong.. este barker pala. Mukhang grade 6 pa lang ata si tutoy...pero infairness, angas sya ha. Di pa sya nagtatawag ng pasahero, nakasahod na sya kay kuyang driver. Ang nakakaaliw pa, proud pa ang ibang kuyang driver kay tutoy ha.

Nakaalis na ang tricycle at nakatawid na ako ng tulay. Sumakay ako ng jeep, sa isa pa uling terminal. Swerte, ganda ng jeep ko. Yung iba ang tawag sa jeep na ganito eh "patok". Lumipas ang ilang minuto, napuno na ang jeep. Kulang pa ng isa, kaso pinaalis na ng barker, kasi ang dupang daw :-D Syempre si kuyang driver eh na upset (naks!). Nasa likod pa naman nya ako... kaya naman dinig na dinig ko ang mga malulutong nyang pagmumura (sad face)... kawawa naman yung nanay nung minumura nya (sad, sad face)...

Habang nasa byahe, si kuya driver pala eh habit na yung may kasamang mura pag nagsasalita. Parang yung mga bata na nag "po" at "opo" pag kausap... kaso si kuyang driver instead na "po" at "opo" ang sa kanya eh puro mura.. namumulaklak ng mura.. hayz...

Buti na lang indi panaksak yung mga mura ni kuyang driver. Kasi kung nagkataon, sugatan at duguan..or baka nga may natigok na sa amin. Awa ni God, nakauwi naman ako ng matiwasay. Kaso, yung wallet ko, di nakaligtas kay mader ;-)

No comments:

Post a Comment

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails