Ang Blog na ito ay ekspression ng mga idea, saloobin at emosyon ng isang Certified Emotera since birth.

Mga idea, saloobin at emosyon na patungkol sa buhay, relasyon at kung anu-ano pa; na talaga namang may epekto at nakaapekto sa pagkatao ng manunulat.

Hangad ng blog na ito na kapulutan ng entertainment at ng aral ang mga posts na mababasa dito. Sana makibahagi kayong mambabasa. Welcome kayong mag-comment, mag-react at maki-simpatya :-)

Maraming Salamat! Enjoy Reading!

Search This Blog

Saturday, February 21, 2009

Pusong May Tinik

May ilang linggo na din akong mejo malungkot (pero sabi ng kasamahan ko sa opisina, parati naman daw talaga akong malungkot), at may dinaramdam. Meron akong saloobin, na pasensya na po at di ko pwedeng ibahagi sa inyo, masyado ng personal (wala pa akong lakas ng loob kagaya ng kay Nicole-hiyala) para i-share ang buong istorya.

Noong nakaraang linggo, Miyerkules ata yun, dumaan ako sa chapel na malapit sa opisina namin. Doon ako nagdarasal at nagsisimba. Doon ako nagmumukmok sa harap ng rebulto ni Sacred Heart; kinakausap ko sya at naglalambing ako minsan. Dalawa silang dinadalaw ko dun, si Sacred Heart at ang Birhen ng Guadalupe. Nung araw na yun, naabutan ko pa ang misa. Pero ayos lang, sa totoo lang, mas gusto ko pa ang magkipag usap at nagdarasal ng "personal", mas nararamdaman ko, mas totoo.

Anyway, pagkatapos ng misa, nagdasal na ako. Nakipagchikahan sa birhen ng guadalupe at pagkatapos eh kay Sacred Heart of Jesus. Habang nakatayo ako sa harap Niya, napansin ko yung sacred heart Nya - yung pusong nakalabas sa dibdib ni Jesus. Maraming sugat, maraming bahid ng dugo at higit pa dun, napaikutan ang puso Nya ng tinik. Doon ko naisip, bakit nga ba ako masyadong nalulungkot? Bakit nga ba ako masyadong nagpapaapekto sa mga di magaganda at masasakit na nangyayari ngayon sa akin? Naisip ko yung pelikula na Passion of Christ. Naikumpara ko yung pinagdaanan ni Jesus sa pinagdaraanan ko. Walang-wala. Nakita ko ulit ang pusonfg may sugat at tinik; walang wala yung sugat ko sa puso, parang kasing laki lng sya nung isang kudlit ng sugat sa puso ng Sacred Heart. Nahiya ako sa sarili ko, nahiya ako sa Kanya. Naramdaman ko ang pag gaan ng pakiradam ko. Yun ata ang sinasabi nilang "moment" na nakikipag usap syo ang Big Boss. Akalain mo, may "moment" na din pala ako.

Normal na masaktan ako, masakit masaktan, pero di ko kailangang manatili doon sa punto na umiiyak ako at iniinda ng todo ang sakit na nararanasan ko. Kung nadapa man ako, nasugatan, iiyak, magdaramdam. Pero kailangan ko tumayo, pahirin ang luha, linisin ang sugat at gamutin, kung kailangang takpan, para pansamantalang makalimutan, at para hindi na lumala. Dapat ding ihanda ang sarili na tanggapin na sa pagtanggal ng takip at sa paghilom ng sugat, may maiiwan na marka. May peklat. Okay lang may peklat tingin ko, lalo na para sa akin, mahilig akong mangolekta ng alaala.

Natapos ang linggo na mejo maayos na ang pakiramdam ko. Paglabas ko kasi ng chapel, itinanim ko sa isip at puso ko na ang lahat ng gagawin ko ngayon at sa mga susunod na mga araw ay para sa Kanya, all for His Glory. At may naisip pa ako eh, pero sa ibang post ko na itutuloy (kindat).

No comments:

Post a Comment

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails