Ang Blog na ito ay ekspression ng mga idea, saloobin at emosyon ng isang Certified Emotera since birth.

Mga idea, saloobin at emosyon na patungkol sa buhay, relasyon at kung anu-ano pa; na talaga namang may epekto at nakaapekto sa pagkatao ng manunulat.

Hangad ng blog na ito na kapulutan ng entertainment at ng aral ang mga posts na mababasa dito. Sana makibahagi kayong mambabasa. Welcome kayong mag-comment, mag-react at maki-simpatya :-)

Maraming Salamat! Enjoy Reading!

Search This Blog

Tuesday, June 9, 2009

Busyhan Daw Si Reyapot

Hayz.. kapagod the day that was. Indi lang physically ha, pati mentally at emotionally na din nung later part of the day. Umaga pa lang mejo antuk pa din ako, masakit pa mata ko. Di ko maintindihan kung baket. Di naman ako umiyak the night before, hehehe... kasi I was too tired para mag emote pa. Actually, parang last week pa ako tired. Mejo kapagod nga ang byahe sa bagong opis namin sa QC. Kaya nakakamiss din ang mag report sa Makati. Ang daming nangyayari ngayon sa opis. Hmmm.. kung sabagay madami naman talagang nangyayari sa opis simula pa, siguro ngayon kaya parang "feel" ko ang kaguluhan kasi nga galing ako sa bakasyon. Bumabalik na ako sa realidad...unti-unti. At tinatalaban na ako ng pagod.

Sa maghapon, kung ikukumpara ko sa handaan, napakadaming putahe kong tinikman. Mula sa simpleng pagbabasa ng emails, hanggang sa pakikipag usap sa isang opismeyt ko na talaga namang pinadudugo ang utak ko sa pag analyze ng proseso...hayz to the max. Halos sabunutan ko na yung ulo ko (kung katabi ko nga lang yung ka-miting ko eh baka pati sya nakalkal ko na din ang buhok) para lang maintindihan at makapag isip pa ng iba't ibang scenarios. Nakakahiya naman syempre sa opismeyt ko kung indi ko ayusin ang pag iisip ko at kung dadaanin ko lang sa pagpapacute. Kasi naman sya ang mananagot din sa kinauukulan pag mali ang kinalabasan ng ginagawa nya dahil sa maling input ko, whehehe....

Tapos may training pa kaninang umaga... na akala ko tapos na. Pag dating ng hapon, nakita ko yung trainor, syempre naalala ko yung tanung ko... kaya ayun, may extension. Nung bandang hapon naman, eh may mga rush na requests sa opis, buti na lang may kasama akong mawindang nung mga sandaling iyon. Kahit panu, nadadaan sa biruan ang pagod (at inis, dahil sa indi mo maintindihan kung anu ang uunahin mo - ang rush ba or ang urgent or ang now na! hehehe...), nakaraos naman kami.

Kaso, eto ang bawe, "tara kain tayo mc do!"... patay ang diet... pati ang budget whehehe... Sa McDo, usapang emosyonal naman ang drama namin ng opismeyt ko. May "sharing" kami, hehehe... Nung una, sya ang nagshare. Usapang puso. Nung nagtagal. Wala na kami mapag usapan, kaya naisip ko i-share sa kanya yung akin. Ayaw ko nga sana, kasi naisip ko habang pinag uusapan, lalong di mo maialis sa isip mo eh. At saka pakiramdam ko malulungkot na naman ako pag ikwento ko pa ulit. Parang mas mabuting ako na lang ang nakakaalam. Kaso, katulad ng opismeyt ko, di ko natiis. Di ko kayang sarilinin lang. So..kwento ang lola mo. Ayun, awa ng Diyos di naman ako naiyak..at in fairness, di na ako masyadong malungkot habang kinukwento ko sa kanya.

At ang ending nga ng araw na ito eh yung nakapagpapadugo ng utak na session ko sa opismeyt kong may inaayos na sistema para sa aming groups. Buti na lang matiyaga din syang nagpapaliwanag.. hehehe..

Anu naman kaya ang mangyayari bukas? Ay isa pa palang kaguluhan kanina, di ko maintindihan kung saan na ako magrereport bukas - Makati or QC? May meeting dito..may bisita dun... saan po ba ako ate? hehehe... Nitong nakakaraang araw, kasama pa ito sa kaguluhan ng buhay ko, hehehe... sa umaga kailangan ko pang i-remind ang sarili ko kung anung jip ang sasakyan ko kasi baka mapunta ako sa ibang opis! Hehehe... kaaliw di ba :-)

No comments:

Post a Comment

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails