Ang Blog na ito ay ekspression ng mga idea, saloobin at emosyon ng isang Certified Emotera since birth.

Mga idea, saloobin at emosyon na patungkol sa buhay, relasyon at kung anu-ano pa; na talaga namang may epekto at nakaapekto sa pagkatao ng manunulat.

Hangad ng blog na ito na kapulutan ng entertainment at ng aral ang mga posts na mababasa dito. Sana makibahagi kayong mambabasa. Welcome kayong mag-comment, mag-react at maki-simpatya :-)

Maraming Salamat! Enjoy Reading!

Search This Blog

Thursday, June 11, 2009

Maskara at Kalasag

Sa sobrang pagod, di na nya namalayan panu sya nakatulog. Bigla na lang syang napabalikwas, sinilip ang oras, alas singko ng umaga. Maaga pa. Pwede pang mag inin sa kama. Habang tinatantya ang sarili kung babangon na ba o babalik sa pag tulog, namutawi ang panalangin sa isipan nya. Nagpasalamat sa panibagong araw at pag asa na ibinigay ulit sa kanya ng Panginoon. Pinagpasalamat din ang pamilya at humiling na naway parating patnubayan at ilayo sa kapahamakan. Naalala nya ang taong pinakatatangi at pinakamamahal. Ilang sandali syang natigilan, sinubukang pigilan ang pagdaloy ng mga alala ng nakaraan. Pagkatapos nun, binulong sa Maykapal, "hangad ko ang kaligayahan nya". Pinilit nyang matulog ulit, kaya lang ang matinding emosyon na dulot ng alaala ng nakaraan ay ganap ng nilamon ang antok nya.

Nagdesisyon syang maghanda na para sa pagpasok sa opisina. Alam nya sa sarili nya na ang araw na ito ay magiging mahaba. Ang hangin sa paligid nya ay may dalang kalungkutan. Kailangan nyang labanan yun, kung gusto nyang marami syang matapos sa opisina. Baka sakali sa pagligo nya, sumama sa tubig yung masamang hangin na kumapit sa katawan nya. Ang kaso mo, lalo yatang lumala. Pagkatapos nyang maligo, naupo sya sa gilid ng kama. Tahimik na nag iisip. Basa pa ang buhok na may maliliit na patak na tumutulo sa kanyang mukha at leeg. Di nya namalayan, luha na pala yung mainit na tubig na gumuguhit sa kanyang pisngi. Kasabay ng pagdaloy ng luha nya, naramdaman nya ang matinding pagod. Pagod ng katawan, ng isip at ng puso.

Pagod ng katawan. Masyadong madaming trabaho ngayon sa opisina. Pati ang resistensya ng katawan nya ay indi na makaya, indi kagaya dati. Pagod ng isip at puso. Pilit nyang tinatago ang kahinaan at kalungkutan. Sa pagtatago na iyon akala nya mas madaling mawawala ang sakit ng damdamin. Akala nya mas madaling maghihilom ang sugat. Hindi pala. Mali sya. Sa pagpilit nyang maging matatag, nakakapagod pala. Pakiramdam nyang malapit na syang sumuko. Pansamantala, tinanggal nya ang nakangiting maskara, hinubad ang kalasag at inilabas ang matinding emosyon na matagal na din nyang kinubli. Sa bawat patak ng luha nya, kalakip ang panalangin. Ilang sandali pa, unti-unti, bumabalik na ang sigla. Kailangan na nyang isuot muli ang maskara at kalasag. Kailangan na nya ulit harapin ang giyera ng kanyang buhay.

No comments:

Post a Comment

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails