Ang Blog na ito ay ekspression ng mga idea, saloobin at emosyon ng isang Certified Emotera since birth.

Mga idea, saloobin at emosyon na patungkol sa buhay, relasyon at kung anu-ano pa; na talaga namang may epekto at nakaapekto sa pagkatao ng manunulat.

Hangad ng blog na ito na kapulutan ng entertainment at ng aral ang mga posts na mababasa dito. Sana makibahagi kayong mambabasa. Welcome kayong mag-comment, mag-react at maki-simpatya :-)

Maraming Salamat! Enjoy Reading!

Search This Blog

Tuesday, June 30, 2009

Linggo, June 28

Hindi na sana ako mag oopen ng netbook ko, plano ko talaga matulog ng maaga ngayong gabi. Gusto ko pa nga sanang manuod ng Kapuso Anniversary Celebration, pero sabi ko ‘wag na lang kasi nga baka antukin ako sa office bukas. Lunes pa naman. At isa pa, madami akong dapat tapusin, bawal topakin sa office. Last week, mejo wala na ako sa mood pagpasok ng Martes pa lang. Pinilit kong ‘wag masyado mag paapekto kasi nga dami akong kailangang tapusin, kaso “it got me”. At pakiramdam ko, hanggang ngayong weekend dala ko pa din sya. Kahit nga nung Friday na nanunuod kami ng transformers, iniisip ko pa din. Pumapasok sya sa isip ko habang pinapanuod kong makipaglaban si Optimus Prime para ipagtanggol si Sam. Pambihira ang epekto sa akin ano? Hehe.. di ko nga din maintindihan eh kung bakit ganun na lang. Siguro kasi nagsama-sama na sya, nag patong-patong na. Anyway, ang plano kong matulog ng maaga, obviously eh indi ko natupad. Paano naman, yung kapitbahay naming, may party. Sabi ng kasambahay naming bininyagan daw ang apo. May videoke sila. At sa buong maghapon, mahigit 10 beses ko na ata narinig kinanta yung My Love Will See You Through ni Marco Sison. Okay lang sana kung iba-ibang tao ang kumakanta, kaso mo… iisang boses lang ang nadidinig kong kumakanta nung kantang yun!!! Hallerrrr! Di ko alam kung nagpapractice sya sa amateur contest. At ngayon-ngayon lang, bago ako mag netbook, kumanta ulit sya. Patawarin! Kaya naman, sabi ko, magsusulat na lang ako, kaysa tumunganga ako sa madilim kong kwarto at pakinggan yung kanta ni Marco Sison.

Madami din kasi akong gustong isulat at ishare sa blog ko. Kaso di ko alam kung anung uunahin ko. Saka yung iba, alanganin akong ikwento. Masyadong personal. Nahihiya ako, hehe.. meron pa din ako nun kahit kunti.

Simulan ko sa mga random thoughts ko –

Nung Sabado, habang nanunuod akong Eat Bulaga, anu kaya lumapit ako kay Allan K; humingi ako ng break. Kasi nakakatawa naman ako eh. Nakakatawa daw ako kahit indi ako nagpapatawa. Yun ang sabi ng officemates ko. Minsan nga seryoso ako pero tinatawanan nila ako. Labo noh. Hehehe… Naisip ko lang na sabihin kay Allan K, “pwede mo ba akong i-guest sa Klown? Kunwari iinterview-hin mo ako. Sasagot lang ako ng normal.” Kasi sa office, normal ako sumagot at magsalita pero tinatawanan nila ako. Labo talaga noh. Naisip ko tuloy, baka akala ko normal ako.ngiiiii…. sabi ko na nga ba di ako normal. Hays…

Tapos naisip kong bumili ng almonds. Kaso wala sa palengke. Sosyal kasing mani yun eh. Kaya naman, wait ako ng sweldo para makatakbo sa supermarket at bibili ako ng almonds.

May interview ako dapat nung Saturday. Kaso masama pakiramdam ko, kay nagtext ako at nagparesched. Pumayag naman. Nag aapply kasi ako ng part time job eh. Kailangang rumaket. Kulang ang kinikita. Pansin nyo, kailangan ko pang mag antay ng sweldo para lang makabili ng almonds… pathetic anu. Well, ganyan talaga ang mga hamak na empleyado lamang. Di ako kagaya ng iba na kumikita ng trentamil sa isang buwan tapos wala namang ginawa kung di mag internet, mag merienda minu-minuto at magkunwaring busy sila. Mas pathetic ‘ata yung ganun.
Nanuod lang ako ng TV maghapon. Kapag ang palabas ay yung mga tourist spots sa Pinas at sa ibang bansa, nililipat ko. Nalulungkot lang ako eh. Frustrated traveler ako. Huhuhu… at isa pa, it brings back memories… and more frustrations.

Kaninang tanghali gusto ko ng Maling.. yung luncheon meat. Nakaamoy ako nung niluluto sa tapat na tindahan… sabi ko amoy Maling…sabi ng Nanay ko baliw daw ako, di daw Maling yung niluluto, turon! Magkasing amoy ba ang Maling at turon? Ewan ko ba!? Labo ng ilong ko noh? Hehehe…

Uy, tumahimik na ang kapit bahay namin. Sleep na nga ako. Tama na muna sa mga crazy thoughts ko. Dami pa yan. Yung iba kasi iisipin ko pa kung i-share ko senyo.

Babush! Habang tahimik na ang kapit bahay namin.

Nakuh! Di pa pala!!!! O syet! Namili lang yata ng kanta. Monaliza na ang kinakanta nya, Syet.

Pero babay na ako. Nyt!


No comments:

Post a Comment

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails