Ang Blog na ito ay ekspression ng mga idea, saloobin at emosyon ng isang Certified Emotera since birth.

Mga idea, saloobin at emosyon na patungkol sa buhay, relasyon at kung anu-ano pa; na talaga namang may epekto at nakaapekto sa pagkatao ng manunulat.

Hangad ng blog na ito na kapulutan ng entertainment at ng aral ang mga posts na mababasa dito. Sana makibahagi kayong mambabasa. Welcome kayong mag-comment, mag-react at maki-simpatya :-)

Maraming Salamat! Enjoy Reading!

Search This Blog

Sunday, September 13, 2009

Its Complicated

Naranasan nyo na ba yung feeling ng pagkagulo ng sarili mo kasi di mo alam kung saan ka susuot na sulok ng mundo dahil sa sobrang gusto mo nang layasan at kalimutan yung mga tao, bagay at pangyayari na nagdudulot ng feeling ng pagkagulo ng sarili mo? Swerte ka kung indi. Kasi indi sya ordinaryong feeling. Sa pagdescribe ko pa lang, complicated na eh... yung maexperience mo pa kaya? Ganyan ang pakiramdam ko kaninang umaga. Asar di ba. Umaga pa. Di man lang sinimulan ng hapon ot gabi na para pwede ko na lang itulog. Sa pagtulog ko lang nakakalimutan ang lahat, di ko naiisip, kasi nga tulog ako; wala akong nadidinig at nakikita, kasi nga tulog ako. At sa panaginip ko lang nakakapiling ang tanging nagbibigay ng kaligayahan sa masalimuot na buhay sa earth.

Pasensya na pero di ko maeelaborate dito ang dahilan ng pagkagulo ng sarili. Kasi pag ginawa ko yun, para ko na ding kinuwento ang talambuhay ko. Na para bang buhay ni Rosalinda, masalimuot, madrama, at possible ding mabaliw ako kung indi ako nakaalis ng bahay kanina.

Pinag isipan ko pa ang paglabas ng bahay; para dramatic ang effect. Ayun, successful naman ako. Noong nasa labas na ako, napaisip ako... san kaya ako pupunta? Tatawagan ko ba ang mga frendships ko? Pero gusto kong mapag isa. Pag tinawagan ko sila, di na ako nag iisa. As usual, sa mall ako napadpad. Naisip ko pa, sana pala nagdala ako ng libro, dito ako nagbasa. Masyado akong nag isip kung paano ako lalabas ng bahay, di ko naman napagplanuhan kung saan ako pupunta at ano ang gagawin ko. Tangengot noh? Kaya siguro napakasalimuot ng layp ko, kasi nga tangengot ako paminsan-minsan. Habang nasa sasakyan papunta mall, nag isip na ako ng pwedeng gawin sa mall. Ang naisip ko yung mga gamit na kailangan kong bilhin, gaya ng shampoo ko, sabon, toothbrush at mga pagkaing makapagpapasaya sa akin or yung tinatawag kong comfort foods, hehehe...

Ganun nga ginawa ko pagdating ko sa mall. Pero di pa ako bumili ng comfort foods ko. Nag tingin din ako ng damit, kaso naisip ko saka na lang. Saka wala ding magandang damit na pwedeng bilhin. Halatang wala ako sa tamang pag iisip, kasi puro gastos ang nasa isip ko! Minsan yung pag shopping, nakakatulong to make me feel better, hehehe. Pero sa pagkakataong ito, parang di tumalab sa akin. Or baka dahil lang din wala akong type sa mga nakikita ko.

Nakaka isang oras pa lang akong nasa labas. Wala na akong maisip gawin. Naalala ko ulit ang libro, sana nagdala ako para nakatambay sana ako sa mga nakalat na coffee shop sa mall at dun magpalipas ng oras with my book at favorite coffee drink. Kaso nga engot ako. Naisipan ko bumili ng bagong libro, kaya go ang lola mo sa PowerBooks. Wala ako type. Yung gusto ko, ang mahal. Di ko pa feel na i-invest ang salapi ko sa kanya. Saka may e-book na ako nun eh, hehehe...

Kumain kaya ako? Busog pa ako. Saka di ko pala feel kumain mag isa; baka malungkot lang ako lalo. Finally, nung nag CR ako, dun ako nag ka idea kung saan ako pupunta at kung anu ang pwede kong gawin. Nakita ko kasi yung ilong ko sa salamin ng compact face powder ko, namumutakti sa whiteheads at blackheads; kailangan na ng professional help, whehe.. Kaya nag pafacial ako :-D

Tapos sa derma clinic, bumili na ako ng comfort foods ko. Tapos umuwi na ako. Pinagplanuhan ko din ang pag pasok sa bahay namin. Successful din naman. At ngayon nga, pakiramdam ko pa din na minsan syet ang buhay; pero di naman ibig sabihin eh di ako thankful sa buhay ha... minsan lang nauubusan ako ng lakas para makipagsabayan sa buhay; nagiging manipis na ako para sa mga suntok at dagok; malapit ng akong maging duguan. Kaya naman, tama lang na nagpa facial ako; magapi man ako ng buhay, masugatan pa ulit ako at magdugo ako, atleast, malinis ang mukha ko, wala akong black heads at white heads.

2 comments:

  1. Hay, maraming pagkakataon na ganyan din ang feeling ko, but I'm not a quitter so kahit anong plano kong mag suicide hindi natutuloy because of Jollibee. Masaya kase don, pero not most of the time. Don't worry everything will turn out fine with you. You will again find that spark in your life. Yun nga lang, life is (still) a bitch as they say.

    ReplyDelete
  2. hi sis, thanks sa pag eemote mo ha.. at mabuti alam ko na ngayon that I am not alone hehehe...

    see u ulit..

    ReplyDelete

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails