Ang Blog na ito ay ekspression ng mga idea, saloobin at emosyon ng isang Certified Emotera since birth.

Mga idea, saloobin at emosyon na patungkol sa buhay, relasyon at kung anu-ano pa; na talaga namang may epekto at nakaapekto sa pagkatao ng manunulat.

Hangad ng blog na ito na kapulutan ng entertainment at ng aral ang mga posts na mababasa dito. Sana makibahagi kayong mambabasa. Welcome kayong mag-comment, mag-react at maki-simpatya :-)

Maraming Salamat! Enjoy Reading!

Search This Blog

Friday, September 11, 2009

Talent Manager

Noong Tuesday, kakaiba ang araw ko sa opis. May kakaiba o unusual na activity na nangyari sa opisina. At ang inyo pong lingkod ang nag coordinate ng nasabing activity. Nabigyan kasi ng pagkakataon ang aming company na maging isa sa mga magbibigay ng testimonial sa isang service provider ng telecoms. At kailangan ng piktyuran para sa brochure na ilalabas nila. Kaya ang Emotera, naging Talent Discoverer at Manager, hehehe..

Mejo mahirap noong una, kasi nahihiya akong i-approach yung mga empleyado namin. Yung iba naman kasi di ko naman ganun ka-close or kakilala. Kaya naman mejo shy ako. Pero nakabuo naman ako ng 11 na talents. Kaso mo noong araw ng photo shoot, meron sa mga Talents na nakalimutang mag suot ng business attire, yung isa nagkasakit, yung iba naman talagang ayaw na nila magparticipate. Syempre ang Emoterang Lola mo nagpapanic na. Para ba akong Pelican na nakatanaw sa dagat at sumisipat-sipat ng isda sa tubig, habang sinusuyod ko ng tingin ang work area ng mga Software Engineers namin; pinipili kung sino ang pwedeng maging modelo. Napansin ko, ang unang hinahanap ko eh yung mga nakapolo or yung nakabusiness attire na damit; pangalawa, kung mabait ba sya at pwedeng pakiusapan na magparticipate; pangatlo, magugustuhan ba sya ng photographer at director.

Sa awa naman ni Lord, nakaraos kami. Siguro inabot ng 2 oras ang piktyuran. At sa loob ng 2 oras na yun, kung ilang ulit yata akong sinumpa ng mga "talents" ko... hehehe.. Sa bawat "click" ng camer, ang madidinig mo - "Ms.Emotera, anu ba itong napasok ko"; sa bawat puna ng director na "ipaling mo yung mukha mo sa kaliwa" sa mga talents, sasagot ang talent ng - "Ms. Emotera, lagot ka sa akin mamaya" or ng "Ms. Emotera naman eh!"... at sa mga sandaling iyon, tawa ako ng tawa, hehhehe... ang sama ko ba? :-D kasi naaliw ako sa kanila, ang cute kaya nilang panoodin habang nagphoto shoot. Pero syempre kahit panu, may halong nahihiya din ako, at pinapalakas ko ang loob nila, "ok lang yan, exposure yan.."

Pero sa awa pa rin ni Lord eh di naman nila ako ginulpi or binugbog pagtapos ng photo shoot... hehehe.. di ko alam kung dahil pinamerienda naman namin sila or sadya lang na mababait ang mga empleyado namin :-)



Monday, September 7, 2009

BFF - Best Friends Forever

May topak na naman ako. Yung BFF ko na nananahimik sa kabilang lupalop ng mundo, ginugulo ko. BFF? Best Friends Forever. Anu ba? Hehehe... Yan ang tawag nya sa amin. Noong una, nababaduyan ako. Pero ngayon, mejo carry ko na sya. Anyway, ang masasabi ko lang, adik ako. Para akong yung telenovela sa GMA na Adik Syo nila Jolina at Jennica. Isa akong certified emotera na..adik pa. Hayz... magkaroon ka ba ng BFF na kagaya ko, anung pakiramdam mo kaya? Sana lang, napagpasensyahan pa ako ng BFF ko kanina. Alam ko (saka sabi nya), kahit kailan di sya magagalit o makukulitan sa akin. Ang pakahulugan ko doon, lagi nya akong maiintindihan. Siguro kasi alam nyang napaka emosyonal kong tao. At luka-luka.

Nagugulumihan lang kasi ako. Sabi ko nga, ako ang may problema. Saka ko na i-share problema ko. Pero isang patunay na "disturbed" na naman ako eh ang mga pinag gagagawa ko maghapon -
- hindi ako kumain ng matinong pagkain. simula pa kagabi puro chips (chitchiria) ang kinain ko. sinimulan ko ng potato chips, pringles, piknik, pringles ulit and finally sponge crunch. wala akong grocery store sa kwarto ko. binili ko lahat yun kahapon, matapos ko manuod ng sine with my pamangkins.
- yun pa isa, wala sa budget ang panunuod ng sine (at higit sa lahat, ang mag grocery ng junk foods) pero lumabas pa din kami. isang paraan ng pang aliw sa sarili.
- gusto ko magpa-facial. kahit wala pa sa budget ulit. pwede pa namang makuha ng cream na pang exfoliate, pero pinaplano ko pa din ang magpafacial. next week na lang siguro.
- nilabas ko ulit ang mga books ko ni Walt Whitman. Tamang makata naman ako ngayon. Binalikan ang mga favorite poems ko.
- nilabas ang mga books ni Bob Ong. Bumili pala ako ng 2 books kahapon. Kumpleto na sana ako, kaso yung nawawalang book ni erap, di ko pa talaga makita kung nasaan.
- natapos ko basahin yung isang bagong libro ni Bob Ong na kakabili ko lang kahapon.
- nasa kwarto lang ako maghapon. lumalabas lang ako para jumingle at kumuha ng tubig. yung kwarto ko nga amoy pringles na sour cream onion. pero in fairness, naligo ako nung after lunch, hehehe... minsan kasi di ako naliligo pag walang pasok (ssshhhh.. secret yun..)
- at ngayon, nag uupdate ng blog na 'to na matagal ko ng indi napopostan. Naisip ko, dito ko na lang ibuhos ang lahat. Kaysa inaatat ko yung BFF ko na baka nauubusan na ng pasensya at pagmamahal sa akin (kunti na nga lang yung love eh, mawawala pa)

Mananahimik muna ako. Mag iisip na mag isa. Di na idadamay ang taong nananahimik at ginagawa ang lahat para maintindihan ako at para maparamdam sa akin na mahalaga ako sa buhay nya; kahit pa indi ako bahagi nito sa paraan na gusto ko. Atleast, bahagi pa din ako. Alam kong naroon ang pagmamahal; nandun yung effort para maparamdam yun. At malaki ang pasasalamat ko; at lalong humanga at napapamahal. Sana patuloy nya akong intindihin; patuloy na pagpasensyahan. Patuloy na mahalin, sa kabila ng kakulitan at kabaliwan.


Sunday, September 6, 2009

The Emotera Is Back

Inaamin ko, napabayaan ko na ang blog na ito. Guilty ako sa kaugalian ng Pinoy na hanggang simula lang. Eh kasi naman, mahirap yung araw-araw nag eemote ako! Kahit pa nga, araw-araw at gabi-gabi kong ginagawa ang pag eemote, di pa rin ako sanay hehehe... Ang ibig kong sabihin eh, mahirap isiwalat sa lahat ng pagkakataon ang nararamdaman mo, lalo pa nga at maselan na bagay or emosyon yun. And minsan, kailangan mo munang sarilinin, bago ka magkaroon ng lakas para i-share sa iba. Minsan pa nga, namimili ka din ng pagsheshare-ran. Kaya naman naisip ko, kahit indi pag eemote i-popost ko dito. Yung mga daily adventures ko sa buhay - in tagalog version nga lang. Mga adventures ko na sana, kapulutan ng aral or ng mabuting bagay, sa kabila ng mga emosyong siksik at liglig. Ganun po talaga ako - emosyonal na tao. At luka-luka pag minsan, ok! fine! parati na kung parati. Kagaya ngayon, nananahimik ang BFF ko, inaaatat ko ng pagiging emosyonal ko. Hayz... sana di sya naasar. Ibang kwento na yun. Saka na lang, antabayanan nyo na lng po hehehe (suspense.. para bumalik kayu ulit).

Anyway, abangan nyo na lang ang mga i-she-share kong experiences dito. Sana kahit panu, makatulong sa pagkatao nyo (wink, wink)


Insekyur na Emotera

Noong Biyernes, maaga kammi nag out sa office ng kasama kong si Yatot (yun ang tawag namin sa kanya kasi payat sya, pero in fairness, sexy ang bruha kahit payat). Mejo unusual para sa aming dalawa ang umuwi ng maaga; kaya naman nung nakita kami ni kuya guard na pauwi na, indi sya makapaniwala. At feeling ko pa gusto nya kaming tanungin kung sigurado ba kaming mag out na kami. Ang sabi ko na lang, manunuod kasi kami ng sine. Kikitain namin sa trinomma yung isang opismeyt naming si Cute na galing sa Makati. Sa totoo lang, late na nga yung alis namin nay un; nagagalit na nga si Cute kasi wala na kaming aabutang palabas. At dahil nga late na kami nakalabas ng opis, matrapik pa dahil malapit kami sa Central Avenue kung nasaan yung Cenral Church ng Iglesia ni Kristo (na naparaming saksakyan at tao sa paligid, na nakikiramay), at umuulan pa; ang ending naming, halos isang oras kami sa byahe mula opis papunta sa Trinoma. Si Cute, nagdesisyon na, kakain na lang daw kami. Nabugnot na sya kasi ang dami daw tao sa mall, may concert ata. Noong huli, nalaman namin na natakot pala sya kaya sya lumabas na ng mall, dahil nagtatalunan daw ang mga tao, pakiramdam nya maguguho ang mall.

Anyway, namili na nga si Cute ng kainan, sa Dencio’s. At sya na din ang nag order, sobrang tagal namin. Pero panalo yung order ni Cute, nakarating na kami at lahat sa resto wala pa din ang order nya. Nung pagka follow up nya, mga ilang minutes pa ulit bago dumating. Kumain kami ng inihaw na pusit na may palaman na sibuyas at kamatis sa loob, pork sisig, at sinigang na bangus. Sarap di ba, hehe… Tapos si Cute nag order ng beer nya. Di sana ako iinom kasi bawal na sa akin (masyado kong minadali mareach ang quota ko sa pag inom ng alak) pero dahil si Yatot ay di rin iinom dahil di ako iinom, uminom na din ako, hehehe… Saka busog naman ako eh (palusot pa). Masama sa akin ang uminom ng gutom, ikakamatay ko na yun promise.

Madaming tao doon sa resto. Siguro dahil Friday, umuulan, matrapik. Matagal-tagal na din akong di nagagawi sa mga ganung lugar (ibig sabihin matagal-tagal na din akong di nainom ng alak). Iba’t-ibang klase yung tao. Meron akong napansing grupo ng mga babae. Magaganda sila, mapuputi, yung isa artista pa. Itinuro ko kay Yatot kaso di nya kilala, di nya yata naabutan yun (sobrang tanda ko na ba?).

Noon ko lang ulit naramdaman yung naramdaman kong inferiority nung high school ako. Nanliit ako sa upuan. Lumipad ang isip at pansamantalang nawalan ng tiwala sa sarili. Napansin ata ako ni Yatot. Buong tapang ko naming inamin, na nanliliit ako sa mga nakikita ko. Na-iinsecure ako. Nagtaka sya. Alam kong tatanungin nya – Baket??? Kahit panu kilala na ni Yatot ang personalidad ko. Kaya siguro nagulat sya – ikaw? Maiinsecure? Baket?? Sabi nya, naiinsecure lang sya pag kasali sa sitwasyon ang boypren nya. Eh ganun naman talaga. Kaya ako nanliliit kasi napapaligiran ako ng mga babaeng kamukha ng mga tipong babae ng lalaking mahal ko. Maputi. Maganda. Sophisticated ang dating. Malaki ang balakang (na talaga naming wala ako). Malaki boobs (ahem!). Sexy ang dating. Kakainis di ba.

Ewan ko ba. Pag nakakakita ako ng babae na tipo ng lalaking tinatangi ko, naiinsecure ako at nalulungkot. Naisip ko bakit nga ba indi ako ganun manamit? Bakit ba indi ako ganun kumilos? Bakit nga ba wala akong appeal? (kahit man lang sa kanya). Hayz… naalala ko pa, ang comment nya sa akin – “You are too nice”. Eh bakit nga ba indi ako nagging not too nice? Anu ba yung “too nice”? Saan ako naging “too nice”? Pwede naman akong maging naughty at too naughty kung gusto nya. Sana sinabi nya di ba? Hehehe…

Sunday, August 23, 2009

Piktyuran with Lanie

Share ko lang pictures namin ni Lanie kaninang hapon sa bahay ng Tito ko. Actually, dapat mag papafacial kaming dalawa. Eh kaso hapon na kami nagkita, naka pramis ako sa Tito ko na pupunta ako sa bahay nila ulit ngayon, para mag ingay at pumalaghoy ng todo.. at nagsama pa ako ng bak-up songer ko, si Lanie. Nagpunta muna kami sa parlor, nagpalinis ng kuko sa paa, bago kami tumuloy sa bahay nila Tito. Sempre nagpakabusog muna kami bago kami nag magic sing. Kaso mo, may bisita si Tito sa baba ng bahay, mga pamangkin nya sa side nya. Yung Tito ko kasing toh eh asawa ng Tita ko na kapatid ng Nanay ko. Si Tita na kapatid ni Mommy eh kasama na ni Lord sa heaven. Kaya si Tito byudo na. May dalawa syang anak, yung mga pinsan ko. Yung isa nasa isteyts na; yung isa dito lang. Si Tito eh actually nagbabakasyon lang dito, may inayos syang mga bagay-bagay na kailangan ng face-value hehehe... namimiss ata sya nung mga tao dun sa Government Agency na may "atraso" sa kanya. Anywei, paalis na si Tito this week, kaya naman halos every weekend at nitong mga holidays eh invited ako sa house nila. At ayaw ako pauwiin! Gusto akong mag sleep over... feeling nasa states pa din si Tito... whehehe... O? Malinaw na ba? Gud...

Mabalik tayu sa piktyurs namin ni Lanie na friend ko.. (di ko na explain ha, hahaba lang ulit, read nyo na lang ito to know more about my fren Lanie).

Ito ang tinatawag daw na wacky picture. Nung pinakita ko 'to sa pamangkin kong 2nd year college, ang sabi nya, "Tita para kayung mga high school!". Di ba? Mukha kaming mga high school na may topak hehehe... Actually, wala naman talaga nabago sa kakulitan naming dalawa ni Lanie. Nung high school pa kami, mga baliw na talaga kaming dalawa. May pagkakataon pa na maghapon na kaming magkasama sa galaan, tapos pag dating namin sa kanya-kanyang bahay, nag uusap naman kami sa telepono hanggang alas dos ng madaling araw. Di kami masyadong close di ba? At di rin kami masyado nag spend ng time together. Kaya naman pag nagkikita kami, parang wala ng bukas. Nagagalit na nga sa akin ang boypren nya eh, whehehe.... kasi parang wala na daw bukas kung lumabas kaming dalawa ni Lanie.


Eto naman. Yung solo piktyur ko, sabi ni Lanie, yun daw ang mga itsura or pose ng mga grade 1 pag pinipiktyuran ng pang ID nila. Kulang pa nga yan eh, dapat naka pig tail pa ako, kaso wala kami panali sa buhok. Yung second piktyur, na kaming dalawa ang magkasama, yun naman daw ang itsura ng mga grade 4 pag nagpapapiktyur, whehehe... adik noh? :-D

Sunday, July 5, 2009

Nasa Bahay.. Di Pumasok

Kagabi ko pa naiisip na 'wag pumasok sa office ngayon. Eto na nga, di na ako pumasok. Sabi ko masama ang pakiramdam ko, na totoo naman. Mejo mabigat ang katawan ko today, at mejo meron talagang masamang pakiramdam inside. Pisikal at emosyonal na sakit. Inaaatake ako ng emotitis ko, kagabi pa. Eto yung something na pwede ko namang labanan, but i chose not to. Siguro kasi pagod na din ako. Kailangan ko din siguro ng pahinga. Kaya instead na labanan ko, hinayaan ko lang na mag "take over" sya.

Parang ganun ka simple di ba. Parang ang simple lang ng eksplanasyon ng nararamdaman ko ngayon. Sana nga ganun lang sa tunay na buhay. Kaso indi. Its more complicated than the words I used to describe it.


Tuesday, June 30, 2009

Linggo, June 28

Hindi na sana ako mag oopen ng netbook ko, plano ko talaga matulog ng maaga ngayong gabi. Gusto ko pa nga sanang manuod ng Kapuso Anniversary Celebration, pero sabi ko ‘wag na lang kasi nga baka antukin ako sa office bukas. Lunes pa naman. At isa pa, madami akong dapat tapusin, bawal topakin sa office. Last week, mejo wala na ako sa mood pagpasok ng Martes pa lang. Pinilit kong ‘wag masyado mag paapekto kasi nga dami akong kailangang tapusin, kaso “it got me”. At pakiramdam ko, hanggang ngayong weekend dala ko pa din sya. Kahit nga nung Friday na nanunuod kami ng transformers, iniisip ko pa din. Pumapasok sya sa isip ko habang pinapanuod kong makipaglaban si Optimus Prime para ipagtanggol si Sam. Pambihira ang epekto sa akin ano? Hehe.. di ko nga din maintindihan eh kung bakit ganun na lang. Siguro kasi nagsama-sama na sya, nag patong-patong na. Anyway, ang plano kong matulog ng maaga, obviously eh indi ko natupad. Paano naman, yung kapitbahay naming, may party. Sabi ng kasambahay naming bininyagan daw ang apo. May videoke sila. At sa buong maghapon, mahigit 10 beses ko na ata narinig kinanta yung My Love Will See You Through ni Marco Sison. Okay lang sana kung iba-ibang tao ang kumakanta, kaso mo… iisang boses lang ang nadidinig kong kumakanta nung kantang yun!!! Hallerrrr! Di ko alam kung nagpapractice sya sa amateur contest. At ngayon-ngayon lang, bago ako mag netbook, kumanta ulit sya. Patawarin! Kaya naman, sabi ko, magsusulat na lang ako, kaysa tumunganga ako sa madilim kong kwarto at pakinggan yung kanta ni Marco Sison.

Madami din kasi akong gustong isulat at ishare sa blog ko. Kaso di ko alam kung anung uunahin ko. Saka yung iba, alanganin akong ikwento. Masyadong personal. Nahihiya ako, hehe.. meron pa din ako nun kahit kunti.

Simulan ko sa mga random thoughts ko –

Nung Sabado, habang nanunuod akong Eat Bulaga, anu kaya lumapit ako kay Allan K; humingi ako ng break. Kasi nakakatawa naman ako eh. Nakakatawa daw ako kahit indi ako nagpapatawa. Yun ang sabi ng officemates ko. Minsan nga seryoso ako pero tinatawanan nila ako. Labo noh. Hehehe… Naisip ko lang na sabihin kay Allan K, “pwede mo ba akong i-guest sa Klown? Kunwari iinterview-hin mo ako. Sasagot lang ako ng normal.” Kasi sa office, normal ako sumagot at magsalita pero tinatawanan nila ako. Labo talaga noh. Naisip ko tuloy, baka akala ko normal ako.ngiiiii…. sabi ko na nga ba di ako normal. Hays…

Tapos naisip kong bumili ng almonds. Kaso wala sa palengke. Sosyal kasing mani yun eh. Kaya naman, wait ako ng sweldo para makatakbo sa supermarket at bibili ako ng almonds.

May interview ako dapat nung Saturday. Kaso masama pakiramdam ko, kay nagtext ako at nagparesched. Pumayag naman. Nag aapply kasi ako ng part time job eh. Kailangang rumaket. Kulang ang kinikita. Pansin nyo, kailangan ko pang mag antay ng sweldo para lang makabili ng almonds… pathetic anu. Well, ganyan talaga ang mga hamak na empleyado lamang. Di ako kagaya ng iba na kumikita ng trentamil sa isang buwan tapos wala namang ginawa kung di mag internet, mag merienda minu-minuto at magkunwaring busy sila. Mas pathetic ‘ata yung ganun.
Nanuod lang ako ng TV maghapon. Kapag ang palabas ay yung mga tourist spots sa Pinas at sa ibang bansa, nililipat ko. Nalulungkot lang ako eh. Frustrated traveler ako. Huhuhu… at isa pa, it brings back memories… and more frustrations.

Kaninang tanghali gusto ko ng Maling.. yung luncheon meat. Nakaamoy ako nung niluluto sa tapat na tindahan… sabi ko amoy Maling…sabi ng Nanay ko baliw daw ako, di daw Maling yung niluluto, turon! Magkasing amoy ba ang Maling at turon? Ewan ko ba!? Labo ng ilong ko noh? Hehehe…

Uy, tumahimik na ang kapit bahay namin. Sleep na nga ako. Tama na muna sa mga crazy thoughts ko. Dami pa yan. Yung iba kasi iisipin ko pa kung i-share ko senyo.

Babush! Habang tahimik na ang kapit bahay namin.

Nakuh! Di pa pala!!!! O syet! Namili lang yata ng kanta. Monaliza na ang kinakanta nya, Syet.

Pero babay na ako. Nyt!


LinkWithin

Related Posts with Thumbnails