Ang Blog na ito ay ekspression ng mga idea, saloobin at emosyon ng isang Certified Emotera since birth.

Mga idea, saloobin at emosyon na patungkol sa buhay, relasyon at kung anu-ano pa; na talaga namang may epekto at nakaapekto sa pagkatao ng manunulat.

Hangad ng blog na ito na kapulutan ng entertainment at ng aral ang mga posts na mababasa dito. Sana makibahagi kayong mambabasa. Welcome kayong mag-comment, mag-react at maki-simpatya :-)

Maraming Salamat! Enjoy Reading!

Search This Blog

Saturday, March 7, 2009

Dala Ng Init

Ilang araw ka ng biglang sumusulpot sa isip ko (actually, parati naman eh). Pero itong mga huling araw, mas may tama ang pagsulpot mo. Para ba akong kinagat ng lamok.. minsan naman langgam. Depende kasi sa sakit na dulot ng pagsulpot mo.

Noong isang beses, nung nagpapintura ako ng mga kuko sa kamay at paa, habang naglalakad ako sa gitna ng kalye, tirik ang araw.. sa sobrang tindi ng init, naaamoy mo na ang araw. Yung ihip ng hangin, yung init ng sikat ng araw at ang amoy ng araw, biglang nag paalala sa akin noong araw na bumisita ka. Ganung oras din yun, kaso indi ako papunta sa pinturahan ng kuko nun, pumunta ako sa pinsan ko para makipagkulitan. Eksakto namang pag alis ko sa bahay, dumating ka pala. Sumunod ka sa bahay ng pinsan ko, pero syempre kasama mo kuya ko. Syempre, nagulat ako. Pero wala pa ata akong masyadong malisya noon sa'yo. Pero syempre natutuwa ako noon. Kasi di ka nakakalimot. Yung ihip ng hangin, yung amoy ng araw, yung init ng sikat nito.. dala ang alaala mo.

Sa bawat ihip ng mainit na hangin, may dalang alikabok ng pag asa. Naisip ko pa... anu kaya, habang nagpapapintura ako ng kuko, ihatid ka ulit ng kuya ko sa lugar na kung nasaan ako. Hay... Nasunog na ata ng sikat ng araw ang utak ko...

Kanina naman, namasyal ako. Kasama ko yung besfren kong kapwa ko babaylan. Actually, nag lunch lang kami. Ang taray noh, akala mo naman may pera kami, whehehe... may usong pang gastos kasi sa kumunidad ng babaylan, ang plastik na salapi (credit card). Ganyan talaga ang mga babaylan pag inaatake ng emotitis tapos malayo pa sweldo, gumagamit ng power card! (hehehe... nadala ko na yung "power!!" ni sarah geronimo, pero di ko sya napanood ha, kasi nga ang mahal ng sine ngayon!).

Sumakay akong jip papunta MRT, at dahil tanghalian, syempre mainit. Ayan na naman ang mainit na hangin, ang matinding sikat ng araw, at ang amoy ng init nito. Naalala na naman kita. Napuwing ako ng alikabok na dala ng mainit na hangin.. mahapdi saa mata. Di mapigilang maluha.

Sa MRT ganun din. Habang tinatanaw ko yung mga building, puno, tulay at bus na mabilis na dumadaan sa harapan ko, ikaw lang ang nasa isip ko. Napadaan pa ang tren sa lugar nyo. Sa pag takbo ng tren, pilit kong tinatanaw ang bubong ng bahay nyo (as if naman, makikita kita dun).

Naalala ko yung araw na nandun ako. Yung araw na bumaba ako dun sa istasyon na yun.. nung tumawag ako syo, kasi naliligaw na ata ako. Yung araw na lutang ako. Yung araw na hindi ko alam kung matatandaan ko pa ang bahay nyo.

Ngayon ko lang naisip. Naiba pala yung huling pagkikita natin. Ako naman ang pumunta sa inyo. Nakapadjama ka pa, whehehe.. at halatang matutulog ka pa nga lang... kung di ka ba naman kasi sobrang gimikero..

Yung sikat ng araw sa mukha ko.. parehong sikat ng araw sa mukha ko nung nasa tapat ako gate nyo. Pag bukas mo, syempre nakasinghal ako - "ang tagal mo! ang init kaya dito!"

Akalain mo, yung sikat ng araw na yun ang magpapaalala sa akin ng mga sandaling una tyong nagkita muli, matapos ang ilang taon.

Sana sa susunod na lumabas ako, at umihip ang mainit na hangin, habang matindi ang sikat ng araw... na sa sobrang init nito, naamoy mo na ang araw, kasunod noon, ang tawag mo sa telepono ko at sasabihin mong - "bruja, nandito ako sa bahay nyo!"

No comments:

Post a Comment

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails