Ang Blog na ito ay ekspression ng mga idea, saloobin at emosyon ng isang Certified Emotera since birth.

Mga idea, saloobin at emosyon na patungkol sa buhay, relasyon at kung anu-ano pa; na talaga namang may epekto at nakaapekto sa pagkatao ng manunulat.

Hangad ng blog na ito na kapulutan ng entertainment at ng aral ang mga posts na mababasa dito. Sana makibahagi kayong mambabasa. Welcome kayong mag-comment, mag-react at maki-simpatya :-)

Maraming Salamat! Enjoy Reading!

Search This Blog

Friday, March 6, 2009

Emoterang 'Di Matulog

Balik opis na ako bukas. Oo, bukas, Biernes, babalik na ako ng opis. Bakasyon kasi ako simula noong Lunes. Di ko lang na-chika dito, pero sa isang blog ko, dun ko ni-announce. Pero itong post na ito eh sa Friday ng gabi ko pa maipo-post. Bakit kamo? Eh kasi, nung sinusulat/tinatype ko 'to, wala ng internet ang laptop ko. Tulog na kasi ang pamangkin ko. Anu relasyon?? Patay na ang router ko. Di mo pa din magets ang relasyon?? Panu kasi yung kable ng internet namin na dsl eh nasa kwarto ng pamangkin ko. Since nandun ang internet, malamang nandun ang modem, at nandun din ang router. At dahil yung pamangkin ko ang taga bukas at patay ng modem at router ko, kaya pag tulog na sya, di ko na iniistorbo... well, minsan lang... hehehe... pero yun eh pabor din sa kanya..kasi pag madaling araw nag aaral sya... pang gising nya ang miskol na ginagawa ko sa madaling araw. Ayan! Alam nyo na kung panu ako nakakaconnect sa internet. As if makabuluhan sa inyo yun.

Henywei, asan na ba ako? Ayun, babalik na ako ng opis bukas. Alam ko alanganin, pero kailangan eh, syempre utos ng boss :-) hehehe... pero oks lang naman sa akin, di naman ako nagrereklamo. Ako pa! Sabi ko nga sa isang opismate ko, ok lang yun, kasi trabaho ko yun eh. Yun ang aking job description, kasama yun. Dapat mong punan yun. Ngayon kung pasaway ka, tigas ng mukha mo, hehehe. At baka dapat, mag isip isip ka na, kung tama ba kinalalagyan mo. Unang una, namamasukan ka, natural may boss! At natural na dapat mong sundin ang boss... pag marunong ka pa sa boss at pasaway ka eh mag isip-isip ka na, baka dapat magtayo ka ng sarili mong kumpanya.

Henywei ulit, dapat talaga, maaga ako matutulog. Kaya nga patay na ang internet ko. Kaso, kinakati ang mga daliri ko. Noong una, sabi ko, magbabasa na lang ako ng libro ng tungkol sa mga aliens hanggang sapakin ako ng antok. Kaso pagtapos ko ayusin ang bag ko. Iba yung nakalikot ko. Ay di pala, nag day dream muna ako... hehehe... kaso gabi na... night dream? Anu nga ba tawag dun? Basta iniisip ko yung mga possible na mangyayari in the near future... hmmm... nagpaplano? .. nanghuhula? hehehe... alam ko na... nangangarap! Whehehe... oo nga noh! Ilusyunada pala talaga akong tunay!

Matapos ko mangarap at mag ilusyon. Di pa din maalis ang kati ng daliri ko. Kaya ang kinalikot ko ay ang aking celphone. Actually, yung celphone na provided ng opis ang kinalikot ko. May feature na chat. Kaya ang tsi-chat ko si Iyatot, yung may hawak ng isang celphone ng opis na same provider para libre ang pag experiment, hehehe... aba..naaliw ako.. I'm sure si Iya din naaliw.

Matapos yun, yung sarling celphone ko naman ang kinalkal ko. Naalala ko, may isa akong sim na di ko ulit na check kung buhay pa. Ayun! May kakalkalin ako. Habang kuha ko yung sim sa wallet ko, nakita ko yung call card na binili ko nung January. Para sana kay Caloy yun saka kay Jentot. Kaso di ko na sila natawagan. Ayun na! Ayan na naman si Kalungkutan, babatukan na naman ako... Pilit ko syang tinaboy... “tsupi! busy pa ako... kakalkalin ko pa ang celphone ko!! Alis!!”

Kalikot. Kalkal. Kalikot. Ayan! Buo pa ang sim. Kaso walang load. Hehehe... Balik ulit ang dating sim na may load.....

Hala! Anak ng Kambing!!! Ayaw na ma-open ang celphone ko! Oh syet!! Not now!! Ubos na ang budget! Wala akong pamalet syo! Alam kong nagmamakaawa na ang celphone kong i-mercy killing ko na sya, kaya naman nakiki usap ako na wag muna ngayon, kasi nga wala pa akong pambili ng kapalit. HuHuHU.... I tried CPR.... 1, 1000, 2, 1000, 3, 1000, 4, 1000, 5, 1000... No! Don't give up on me! 1, 1000, 2, 1000, 3, 1000, 4, 1000, 5, 1000...

Inipit ko ang isang sim sa ibabaw ng battery at takip para sumikip... ayun! Hehehe... nabuhay sya ulit...

Hayzzz... Kinabahan ako... akala ko mawawalan na ng power ang celphone ko. Di pa naman pa ako ready. Pero plano ko na syang paghandaan. Nasa pang #3 na sya ng aking priority list ng pagkakagastusan. Hanep! May ganung list! Ganun talaga pag walang pang gastos hehehe... kailangan may order of priority.

Binalik ko na ang sim sa wallet ko, at syempre nakita ko na naman ang call card... at kadikit nyang parang sticker si Kalungkutan. Hayzzz, miss ko na ang mga friendships ko sa abord!

Ang lola mo, naiyak. Tinext ko si Jentot. Yung isa di ko matext... saka ayaw ko din talaga. Promise. O sige na nga. Basta...

At dahil malamang tulog pa sila. Deadma. Eh di syempre, nalungkot ulit ang beauty ko. Nahiga na lang ako sa kama ng wala sa ayos. Pasaway ba.. yung ulo nasa paahan, yung paa nasa uluhan... Napansin ko tuloy yung bintana kong isa, di ko pa pala nakakabit yung kurtina. Pero oks lng, wala naman makakasilip sa akin dun kung di mga kalapati na nakatambay sa kable ng kuryente. Yun pa eh kung matyempuhan nilang bukas ang bintana ko. Parati kasi sarado yun.

Sarado ang ilaw sa kwarto ko. Ang liwanag lang eh yung galing sa poste na pinagkakabitan ng kable na tambayan ng mga kalapati. Kaya naman nung namatay yung ilaw ng poste, eh pansin na pansin ko. Napukyaw ang aking pag eemote. Naalala ko si Dumbledor. Kilala nyo ba si Prof Dumbledor? Sya yung Master ng School sa Harry Potter na books. Nung nandun kasi sya sa street ni Harry Potter sa daigdig ng mga muggles (ordinary people), pinatay nya yung ilaw ng poste sa daraanan nya. Kaya naman pag namamatay yung ilaw ng poste, sya agad ang naiisip kong dumaraan or dumating.

Kaya eto ako, nag tatype ng kung anu-ano. Sa dami ng pasakalye ko, nakalimutan ko yung talagang isusulat ko. Kakainis di ba?? Di muna kasi gumawa ng outline... akala maaalala lahat. Lalo pa ngayon, palyado ng sobra ang memory ko....

Hikab. Kamot. Inat. Hikab.

Antok na ako. Di ko maalala yung gusto kong i-write about. Bukas ulit siguro, maaalala ko. Naisip ko na actually, kaso, di ko alam kung panu ko isusulat.... na maiintindihan ng babasa.

Saka na ulit. Pag naisip ko ng mabuti ang punto ko. Basta sa ngayon, malungkot ako. Pakiramdam ko, masama akong tao. Na ako ay isang tupang ligaw. Ligaw na engot pa. Kung sabagay, engot naman talaga ang mga tupa.

O sya, paalam na. Nyt!

No comments:

Post a Comment

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails