Tinanung ko ulit sya kung bakit sya umiiyak. Kasi ang mensaheng "malaya ka na" ay isang masayang mensahe, di ba? Sino ba ang ayaw na maging "malaya".
Ang sabi nya, nalulungkot daw sya. Oo, hiniling nya ang kalayaan nya. Kaso, kung tama ang intindi ko sa kanya, malungkot sya kasi yung kalayaan na binigay sa kanya eh napag decision-nan nung nagbigay na mali ang intindi kung bakit nya hiniling na maging malaya sya.
Kanina, nung nabasa ko yung sulat na nagpaiyak sa kanya, ang pakiramdam ko, masaya ako para sa kaibigan ko. Sabi ko pa nga sa kanya, "ang haba ng hair mo! wagi ka!" At may hirit pang, "buti narealize nya na gago sya!".
Kanina, pride ang nanaig sa akin. Pride ng isang babae. YUng pakiramdam na - "o loko! eh di natauhan ka!" Pero syempre nirerespeto ko naman din yung pakiramdam ng kaibigan ko na malungkot sya, may maganda syang dahilan para malungkot ng ganun.
Ngayon, habang iniisip ko yung pangyayari kanina... ngayon ako nalungkot. Sabi ko nga sa kanya kanina, "sana dumating na din ako sa puntong ganyan". At ang ibig ko sabihin ng "puntong ganyan" eh yung mahaba ang hair ko at narealize na nung taong nagpapahaba ng hair ko na gago sya. Punto na nababalot ng pride ng isang babae.
Ngayon, gusto ko pa ding makarating sa "puntong ganyan". Pero sa pagkakataong ito, ang puntong tinutukoy ko eh "closure". Mas madali matanggap ang kalayaan mo kung ibibigay yun alang-alang sa ikatatahimik mo... maaaring malungkot ka... pero nandun yung katahimikan ng kalooban mo. Mas masarap maging malaya kung meron ka ding payapang loob.
No comments:
Post a Comment